Ang maikling paglalarawan

8 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Ang pangatlong kahulugan ng alaqah ay “namuong dugo”. Makikita natin na ang panlabas na anyo ng bilig at ang kanyang ayos sa yugto ng alaqah (pagkalinta o namumuong dugo) ay katulad nga ng namumuong dugo. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng maraming dugo sa bilig sa yugtong ito1, tingnan ang larawan bilang 4. Gayon din sa yugtong ito, ang dugo sa bilig ay hindi dumadaloy (kumakalat) hanggang sa katapusan ng ikatlong linggo2. Kaya nga ang bilig sa yugtong ito ay natutulad sa namumuong dugo. Larawanbilang4: Larawangguhit ng primitibong sistema ng cardiovascular sa bilig sa panahon ng alaqah. Ang panlabas na anyo ng bilig at ang kanyang ayos ay katulad ng isang namumuong dugo, dahil sa pagkakaroon ng maraming dugo sa bilig. ‘Ang Lumalaking Tao’ (The Developing Human), Moore, ika-5 ed. p. 65. 1 Ang Paglaki ng Tao (Human Development) sa pagsasalarawan ng Qur’an at Sunnah, Moore at iba pa, pp. 37-38. 2 Ang Lumalaking Tao (The Developing Human), Moore at Persaud, ika-5 ed., p. 65. 3 Ang Lumalaking Tao (The Developing Human), Moore at Persaud, ika-5 ed., p. 8. Samakatuwid, ang tatlong kahulugan ng salitang alaqah ay wastungwastong tumutugon sa pagkakalarawan sa bilig sa yugto ng alaqah. Ang sumunod na yugtong nabanggit sa taludtod ng (Qur’an) ay ang yugtong mudghah. Ang kahulugan sa salitang Arabik na mudghah ay tulad ng isang nanguyang sangkap. Kapag ang isang tao ay kumuha ng isang pirasong chewing gum at nginuya ito sa kanyang bunganga at pagkatapos ay inihambing sa bilig sa yugto ng mudghah, maipapalagay natin na ito’y tulad sa isang nanguyang sangkap. Ito ay dahil sa marka sa likod ng bilig bilang tanda na may pagkakapareho sa pinagdaanan ng ngipin sa isang nanguyang sangkap3. (Tingnan ang larawan bilang 5 at 6) Papaanong nalaman ni Muhammad  ang lahat ng ito, may labingapat naraang taon na ang nakararaan, samantalang kailan lamang natuklasan ng mga siyentipiko ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng mga makabagong kagamitan at mabibisang mikroskopyo na hindi pa noon umiiral sa nasabing panahon? Sina Hamm Leeuwenhoek, ang A) Ang Qur’an Hinggil sa Paglaki ng Bilig sa Sinapupunan ng Tao

RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1