Ang maikling paglalarawan

Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 13 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM ulit na lalim kaysa kanilang inaabot na taas sa kalupaan.1 Kaya’t, ang pinakaangkop na pagsasalarawan sa mga kabundukan sang-ayon sa ganitong impormasyon ay ang salitang “talasok,” dahil halos lahat ng maayos na nakabaong mga talasok ay nakatago sa ilalim ng lupa. Ang kasaysayan sa siyensiya ay nagsasabi sa atin ng teoriya na ang mga kabundukan na mayroong malalim na mga ugat ay ipinakilala lamang noong 1865 ng Maharlikang Astronomiyo (Astronomer Royal) na si Sir George Airy.2 Ang mga kabundukan ay mayroong din mahalagang papel sa ikatatatag ng Daigdig. Sinabi ng Allah sa Qur’an: 1 Ang Geolohikal na Konsepto ng mga Kabundukan sa Qur’an (The Geological Concept of Mountains in the Qur’an), El-Naggar, p. 5). 2 Daigdig (Earth), Press at Siever, p. 435. Tingnan din ang ‘Ang Geolohikal na Konsepto ng mga Kabundukan sa Qur’an’ (The Geological Concept of Mountains in the Qur’an), p 5. 3 ‘Ang Geolohikal na Konsepto ng mga Kabundukan sa Qur’an’ (The Geological Concept of Mountains in the Qurr’an), p 5.  At Kanyang itinatag nang matibay ang mga kabundukan sa daigdig upang hindi sila umuga kasama ninyo…  (Qur’an, 16:15) Gayon din, ang makabagong teoriya hinggil sa geolohiya (ang pagkakaayos ng buong kalupaan) ay naninindigan na ang mga kabundukan ay nagsisilbing tagapamalagi ng kalupaan. Ang kaalamang ito bilang tungkulin ng kabundukan na magpanatili ng lupa ay ngayon lamang naunawan dahil sa plate tectonics (pagkakaayos ng kalupaan) sa taong 1960.3 Mayroon kayang nakaaalam sa panahon ni Propeta Muhammad  hinggil sa tunay na anyo ng kabundukan? Mayroon kayang nakaisip na ang malaking bundok na nakikita sa kanyang harapan ay aktuwal na nakabaon sa ilalim ng lupa at ito ay mayroong mga ugat tulad ng iginigiit ng mga siyentipiko? Ang makabagong geolohiya (kaalaman sa geolohiya) ay nagpapatunay sa katotohanan ng mga taludtod ng Qur’an. B) Ang Qur’an Hinggil sa mga Bundok (Kabundukan)

RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1