22 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Ang mga panloob na mga alon ay tinatakpan ng mga malalim na tubig ng mga dagat at mga karagatan sapagka’t ang tubig sa ilalim ay may higit na lapot kaysa sa ibabaw nila. Ang mga panloob na mga alon ay gumagalaw tulad ng mga alon sa ibabaw ng tubig. Sila man ay may kalagayang madurog. Ang mga panloob na mga alon ay di-makikita ng mata ng tao, nguni’t ito ay mapapansin sa pag-aaral ng pagbabago ng temperatura o alat sa naturang lugar.1 1 Pag-aaral Tungkol sa Karagatan (Oceanography), Gross, p. 205. G) Ang Qur’an Hinggil sa mga Ulap: Pinag-aralan ng mga siyentipiko ang mga iba’t ibang uri ng mga ulap at kanilang napagtanto na ang ulap ng ulan ay nabubuo at nahuhugis sang-ayon sa mga tiyak na sistema at ilang mga hakbangin na may kaugnayan sa isang uri ng hangin at mga ulap. Isa sa mga uri ng ulap ng ulan ay ang cumulonimbus na ulap. Pinag-aralan ng mga nag-aaral hinggil sa panahon (Meteorology) kung papaano nabubuo ang cumulonimbus na ulap at kung paano sila nakagagawa ng ulan, ulan na may yelo o malakas na ulan, at kidlat. Natuklasan nila na ang cumulonimbus na ulap ay dumaraan sa sumusunod na mga hakbang upang makagawa ng ulan: 1) Ang mga ulap ay itinutulak ng hangin. Ang cumulonimbus na ulap ay magsisimulang mabuo kapag ang ilan sa maliliit na mga ulap (cumulus na mga ulap) ay itinutulak kung saan ang mga ito ay naiipon. (Tingnan ang mga Larawan bilang mga 17 at 18). Larawan bilang 17: Ang larawang kuha ng Satellite na nagpapakita ng mga gumagalaw na mga ulap patungo sa lugar kung saan naiipon B, C, at D. Ang mga (maliliit na sibat) ay nagtuturo sa dakong patutunguhan ng hangin. ‘Ang Paggamit ng mga Larawang Kuha ng Satellite sa Pagsusuri at Pagsasabi Tungkol sa Lagay ng Panahon’ (The Use of Satellite Pictures in Weather and Forcasting), Anderson at mga iba pa, p. 188 G) Ang Qur’an Hinggil sa mga Ulap
RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1