24 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 1) Pagtatalaksan: Kung ang mga maliliit na mga ulap ay magsasama-sama, ang ihip ng hangin sa mas malaki pang ulap ay lalong lumalakas. Ang mga pataas na ihip ng hangin na malapit sa gitna ay mas malalakas kaysa nasa mga tabi.1 Ang mga nasa ibabaw ang nagiging dahilan sa paglaki ng ulap na paitaas, kaya ang ulap ay natatalaksan. (Tingnan ang mga larawan bilang 19 (B), 20 at 21). Ang paitaas na paglaki ng kabuuan (katawan) ng ulap ay siyang sanhi upang ang buong ulap ay umabot sa higit na malamig na lugar ng atmospera, kung saan naman ang mga patak ng tubig at ulang may yelo ay nabubuo at nagsisimulang lumaki nang lumaki. Kapag ang mga patak ng tubig at ulang may yelo na ito ay naging napakabigat para sa mga paitas na mga ulap, ito ay magsisimulang bumagsak bilang ulan, o malakas na ulan, atbp.2 1 Ang mga hanging pataas sa sentro ay higit na malakas, sapagka’t sila’y ligtas sa epekto ng lamig sa labas na bahagi ng ulap. 2 Tingnan ‘Ang Atmospera’ (The Atmosphere), Anthes at mga iba pa, p. 269. At ‘Mga Elemento ng Pag-aaral Tungkol sa Panahon’ (Elements of Meteorology), Miller at Thompson, pp. 141-142. Larawan bilang 20: Ang cumulonimbus na ulap. Pagkatapos maitalaksan ang ulap, ang ulan ay nagmumula rito. ‘Ang Panahon at Ang Lagay ng Panahon’ (Weather and Climate), Bodin, p. 123. Sinabi ng Allah sa Qur’an: Hindi mo ba nakita na marahang pinauusad ng Allah ang mga ulap, at pagkatapos ay pinagsama-sama sila, at pagkatapos ay tinalaksan sila at pagkatapos makikita mo ang ulan ay nagmumula sa pagitan nila? (Qur’an, 24:43) Kailan lamang nalaman ng mga nag-aaral tungkol sa panahon ang mga detalye ng ulap hinggil sa pamumuo, kaanyuan at gawain sa pamamagitan ng makabagong kagamitan tulad ng mga sasakyang G) Ang Qur’an Hinggil sa mga Ulap
RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1