Ang maikling paglalarawan

Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 27 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM isang pagliliyab sa pagsunog ng tuyong ibinubugang (hangin) na may manipis at bahagyang apoy.1 (The Works of Aristotle Translated into English: Ang Pag-aaral Tungkol sa Panahon (Meteorologica), vol. 3, Ross and othes, pp. 369a-369b). Ito ang ilan sa mga idea hinggil sa pag-aaral sa panahon na nangingibabaw sa panahon na naipahayag ang Qur’an, mayroong labing-apat na dantaon na ang nakararaan. 1 Ang mga Gawa ni Aristotle salin sa Ingles (The Works of Aristotle Translated into English): Ang Pag-aaral Tungkol sa Panahon, vol. 3, Ross at mga iba pa, pp. 369a-369b). H) Komentaryo ng mga Siyentipiko Hinggil sa mga Himalang nasa Qur’an: Ang mga sumusunod ay mga komentaryo ng mga siyentipiko hinggil sa mga himalang nasasaad sa Qur’an. Ang lahat ng mga komentaryo ay mula sa video tape na pinamagatang ‘Ito Ang Katotohanan’ (This is the Truth). Makikita at maririnig ninyo sa video tape na ito ang mga siyentipiko habang nagsasabi ng mga sumusunod na komentaryo. (Para sa kopya ng video tape, mangyaring makipag-ugnay lamang sa isa sa mga samahang nakatala sa pahina 86). 1) Si Dr. T.V.N. Persaud ay Professor ng Anatomiya, Professor ng Pediatrics at Kalusugan ng mga Bata, at Professor ng Obstetrics, Gynecology, at Siyensiya ng Panganganak sa Unibersidad ng Manitoba, Winnipeg, Manitoba, Canada). Doon siya ay 16 na taong Pangulo ng Departamento ng Anatomiya. Siya ay kilalang-kilala sa larangang ito. Siya ay mangangatha at editor ng 22 aklat-aralin at lumathala ng mga 181 babasahing siyentipiko. Noong 1991, siya ay nakatanggap ng pinakamataas na parangal sa larangan ng Anatomiya sa Canada. Ang J.C.B. Grant Award mula sa Samahan ng mga Anatomista sa Canada (Canadian Association of Anatomists). Nang siya ay tanungin tungkol sa himala ng siyensiya na nasa Qur’an na kanyang sinaliksik, kanyang sinabi ang mga sumusunod: “Sa paraang naipaliwanag sa akin, si Muhammad ay isang pangkaraniwang tao lamang. Hindi siya makabasa at makasulat. Katunayan, siya ay isang mangmang. At tayo’y nagsasalita labindalawa (ang totoo ay labing-apat) na daang taon na ang nakararaan. Mayroon kayong isang mangmang na nagsabi ng mga pahayag at mga pangungusap na nakapagtatakang katotohanan tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa siyensiya. At sa aking sarili, hindi ko nakikita na ito ay nagkataon lamang. Lubhang napakaraming katumpakan at katulad ni Dr. Moore, hindi ako nahihirapang isipin na ito ay banal na inspirasyon o kapahayagang nag-akay sa kanya sa ganitong mga pahayag.” H) Komentaryo ng mga Siyentipiko Hinggil sa mga Himalang nasa Qur’an

RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1