30 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 4) Si Dr. William W. Hay ay isang kilalang siyentipiko ng karagatan (Marine Scientist). Siya ay Professor ng Siyensiya ng Geolohiya (Geological Sciences) sa Unibersidad ng Colorado, Boulder, Colorado, USA. Dati siyang Dekano ng Paaralang Pangkaragatan ng Rosenstiel at Siyensiyang Pang-atmospera (Rosenstiel School of Marine and Atmospheric Science) sa Unibersidad ng Miami, Miami, Florida, USA. Pagkatapos makipagtalakay kay Professor Hay hinggil sa mga nabanggit sa Qur’an na mga katotohanan kamakailan lamang natuklasan, sinabi niya: “Natagpuan kong nakahihikayat na ang impormasyong ito ay nasa lumang kasulatan ng Banal na Qur’an, at wala akong paraang alamin kung saan sila nanggaling, nguni’t sa aking palagay, lubhang nakaaakit na sila’y naroroon at ang gawaing ito ay patuloy upang sila ay matagpuan, ang kahulugan ng ilang mga bahaging sipi.” At nang siya’y tanungin hinggil sa pinagmulan ng Qur’an, siya ay sumagot: “Sa aking palagay, ito ay galing sa Diyos.” 5) Si Dr. Gerald C. Goeringer ay Direktor ng Korso at Kasamang Professor Ukol sa Panggagamot sa Bilig sa Departamento ng Biyolohiya ng Selule, Paaralan ng Medisina (Course Director and Associate Professor of Medical Embryology at the Department of Cell Biology, School of Medicine), sa Unibersidad ng Georgetown, Washington, DC, USA. Noong panahon nang Ika-8 Komperensiya sa Saudi Ukol sa Paggagamot (Eight Saudi Medical Conference ) sa Riyadh, Saudi Arabia, si Professor Goeringer ay nagsabi sa paghaharap ng kanyang nasaliksik: “Sa iilang mga aayah (taludtod ng Qur’an) ay mayroong malawak na nilalaman sa paglalarawan hinggil sa paglaki ng bilig sa simula nito sa pamamagitan ng organogenesis (simula ng organo (bilig)). Walang natatangi at kompletong talaan sa paglaki ng bilig tulad ng pagbubukod-bukod, terminolohiya, paglalarawan na dating umiiral. Sa karamihan, kung hindi sa lahat ng pagkakataon, ang talaan sa paglalarawan (sa Qur’an) hinggil sa iba’t ibang yugto ng bilig ng tao sa kanyang unang paglaki (sa sinapupunan ng ina) ay higit na nauna nang maraming dantaon kaysa sa talaan ng pangkaraniwang talaan ng siyensiya.” 6) Si Dr. Yoshihide Kozai ay isang Professor Emeritus sa Unibersidad ng Tokyo, Hongo, Tokyo, Japan, at dati siyang direktor ng Pambansang Obserbatoryo sa Astronomiya (National Astonomical Observatory), sa Mitaka, Tokyo, Japan, Sinabi niya: “Ako’y lubos na humanga sa mga natuklasan ko sa Qur’an hinggil sa mga katotohanan sa Astronomiya at tayo bilang makabagong Astronomiyo ay nag-aaral lamang ng maliit na bahagi ng Sandaigdigan. Lubos nating inuubos ang ating panahon sa pag-aaral sa napakaliit na H) Komentaryo ng mga Siyentipiko Hinggil sa mga Himalang nasa Qur’an
RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1