Ang maikling paglalarawan

Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 33 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM lamang ng sampung mga salita, gayunpaman, ay walang sinuman ang nakatugon sa hamon, noon pa man at ngayon.1 Ilan sa mga di-sumasampalataya na mga Arabo na kaaway ni Propeta Muhammad  ay nagsikap na tugunan ang hamon upang mapatunayan na si Muhammad  ay hindi tunay na propeta, nguni’t sila’y nangabigo.2 Ang pagkabigong ito sa kabila ng katotohanang naipahayag ang Qur’an sa kanilang sariling wika at salita at ang mga Arabo sa panahon ni Muhammad  ay mga taong mahuhusay magsalita at kumatha ng mga magaganda at mahuhusay na mga tula, ay binabasa at tinatangkilik pa rin ngayon. 1 Tingnan ang Al-Borhan fee Oloom Al-Qur’an, (Al-Borhan fee Oloom Al-Qur’an), Al-Zarkashy, vol. 2, p. 224. 2 Tingnan ang Al-Borhan fee Oloom Al-Qur’an (Al-Borhan fee Oloom Al-Qur’an), Al-Zarkashy, vol. 2, p. 226. 3 Ang mga taludtod ng Bibliya sa aklat na ito ay hango mula sa ‘Ang Bagong Pandaigdigang Bersiyon ng Pag-aaral sa Bibliya’, (The NIV Study Bible, New International Version). (3) Mga Hula sa Bibliya Hinggil sa Pagdating ni Muhammad , ang Propeta ng Islam Ang mga hula hinggil sa pagdating ni Propeta Muhammad  ay mga katibayan sa katotohanan ng Islam para sa mga taong naniniwala sa Bibliya. Sa Deuteronomy 18:18: Sinabi ni Moises na ang Diyos ay nagsabi sa kanya: “Magsusugo Ako ng isang propeta mula sa kanilang mga kapatid; Ilalagay Ko ang Aking Salita s a kanyang bibig, at kanyang sasalitain ang lahat ng Aking ipag-uutos. Kung sinuman ang hindi makikinig sa Aking mga Salita na sasalitain ng propeta sa Aking Pangalan, Ako mismo ang tatawag sa kanya upang managot.” (Deuteonomy 18:18-19)3 Mula sa mga taludtod na ito ay aming ipinapasiya na ang propetang isinugo sa hulang ito ay may ganitong tatlong katangian: 1) Na siya ay Propetang katulad ni Moises 2) Na siya ay nagmula sa mga kapatid ng mga Israelita, (ang mga Ismaelita). 3) Na ilalagay ng Diyos ang Kanyang Salita sa bibig ng Propetang ito at kanyang ipahahayag kung ano ang ipinag-uutos sa kanya ng Diyos. Ating susuriin ang tatlong katangiang ito sa lalong malalim (na pag-aaral). (3) Mga Hula sa Bibliya Hinggil sa Pagdatingni Muhammad , ang Propeta ng Islam

RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1