Ang maikling paglalarawan

34 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 1) Ang Propetang katulad ni Moises: Mahirap makatagpo ng dalawang propeta na halos magkatulad gaya nila Moises at Muhammad (mapasakanila nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah). Kapwa silang binigyan ng malawakang batas at pamamaraan ng buhay. Kapwa nakibaka sa kanilang mga kaaway at himalang nagtagumpay. Kapwa silang tinanggap bilang mga propeta at estadista (bihasa sa paghawak ng gobyerno). Kapwa silang nandayuhan pagkatapos magkaroon ng pakana na sila’y patayin. Ang mga pagkakatulad sa pagitan ni Moises at Hesus sa mga nabanggit ay di lamang di-katangap-tangap sa mga ito bagkus maging pati na rin sa ibang mga mahahalagang bagay. Kabilang dito ay ang natural na pagkapanganak, ang buhay may pamilya, at ang kamatayan ni Moises at Muhammad , subali’t si Hesus ay iba. Bukod pa rito, si Hesus ay pininiwalaan ng kanyang mga tagasunod na anak ng diyos at hindi lamang bilang isang propeta ng Diyos, na katulad ng paniniwala kina Moises at Muhammad , gaya ng paniniwala ng mga Muslim kay Hesus (bilang isang propeta). Kaya’t, ang hula na ito ay tumutukoy kay Muhammad  at hindi kay Hesus, dahil si Muhammad  ay higit na katulad ni Moises kaysa kay Hesus. Gayon din, sinuman ay makapapansin sa Ebanghelyo ni Juan na ang mga Hudyo ay naghihintay sa katuparan ng tatlong mga natatanging hula. Ang una, ang pagdating ng “Kristo”. Ang Pangalawa, ang pagdating ni “Elijah”, at ang Pangatlo, ay ang pagdating ng “Propeta”. Ito ay maliwanag mula sa tatlong katanungan na itinanong kay Juan Bautista: “Ito ang patotoo ni Juan, nang ang mga Hudyo sa Herusalem ay nag-utos sa mga pari at mga angkan ni Levi (Leviticos) na tanungin kung sino siya. Hindi siya nagkulang sa pagpapatotoo bagkus malaya siyang nagtapat. “Hindi ako ang Kristo.” Tinanong siya, “Kung gayon, sino ka? Ikaw ba si Elijah?” Siya ay nagsabi, “Hindi ako”. “Ikaw ba ang Propeta?” Siya ay sumagot, “Hindi.” (Juan 1:19-21- NIV). Kung titingnan natin sa Bibliyang mayroong ibang reperensiya, makikita natin sa talababa kung saan matatagpuan ang katagang “ang Propeta”, ito ay nasa Juan 1:21, na ang mga salitang ito ay tumutugon sa mga salita sa hula sa Deuteronomy 18:15 at 18:18.1 Aming ipinapasiya mula rito na hindi si Hesus ang tinutukoy sa nabanggit sa Deuteronomy 18:18. 2) Mula sa mga kapatid ng mga Israelita: Si Abraham ay mayroong dalawang anak na lalake, si Ismael at si Isaac (Genesis 21). Si Ismael ay siyang naging kanunu-nunuhan ng bansang Arabo, at si Ishaq (Isaac) ang siyang naging nuno ng bansang Hudyo. Ang nabanggit na propeta ay hindi magmumula sa mga Hudyo, bagkus magmumula sa kanilang mga kapatid, tulad halimbawa ng mga Ismaelita. Si Muhammad  na nagmula sa angkan ni Ismael, ay katiyakang ang propetang tinutukoy dito. 1 (Tingnan ang maliliit na talababa sa ‘Ang Bagong Pandaigdigang Bersiyon ng Pag-aaral sa Bibliya’ (The NIV Study Bible, New International Verson), sa taludtod 1:21 p. 1954. (3) Mga Hula sa Bibliya Hinggil sa Pagdatingni Muhammad , ang Propeta ng Islam

RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1