Ang maikling paglalarawan

Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 35 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Gayon din, ang Isaiah 42:1-13 ay nagsasabi tungkol sa alipin ng Diyos, ang Kanyang “Pinili” at “Sugo” na magbababa ng batas. “Di siya masisiraan ng loob o mawawalan ng pag-asa hanggang kanyang mapairal ang katarungan sa lupa. Sa kanyang batas ilalagay ng mga isla ang kanilang pag-asa. (Isaiah 42:4). Ang taludtod bilang 11, ay nagsasabi na hinihintay ang sugo mula sa angkan ni Kedar. Sino ba si Kedar? Sang-ayon sa Genesis 25:13, si Kedar ay pangalawang anak na lalaki ni Ismael, ang angkang pinagmulan ni Propeta Muhammad . 3) Ilalagay ng Diyos ang Kanyang Salita sa Bibig ng Propetang ito: Ang mga salita ng Diyos (ang banal na Qur’an) ay totoong nailagay sa bibig ni Muhammad . Isinugo ng Diyos ang anghel Gabriel upang turuan si Muhammad (Muhammad  ng eksaktong mga salita ng Diyos, ang (Banal na Qur’an) at iniutos sa kanya na sabihin sa mga tao na katulad ng kanyang narinig. Samakatuwid, ang mga salita ay hindi galing sa kanya. Hindi sila nagbuhat sa kanyang sariling isipan, subali’t iniligay ng anghel Gabriel sa kanyang bibig. Sa panahon ni Muhammad  at sa kanyang pagsubaybay, ang mga salitang ito ay naisaulo at naisulat ng kanyang mga Kasamahan. Pansinin ang sinabi ng Diyos, pagkatapos ng hula sa Deuteronomy 18:18, “Kung sinuman ang hindi makikinig sa Aking mga Salita na sasalitain ng propeta sa Aking Pangalan, Ako mismo ang tatawag sa kanya upang managot.” Deuteronomy 18:19 – NIV) Ito ay nangangahulugan na sinuman ang naniniwala sa Bibliya ay kailangang maniwala sa kung ano ang sinabi ng propeta (Moises), at ang propeta na tinutukoy ay walang iba kundi si Muhammad . (Para sa mga karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang www.islam-guide.com/mib hinggil kay Muhammad  sa Bibliya.) (4) Angmga Taludtod sa Qur’an na Bumabanggit sa mga Pangyayari sa Hinaharap na Nagkatotoo (4) Ang mga Taludtod sa Qur’an na umabanggit sa mga Pangyayari sa Hinaharap na Nagkatotoo Isa sa mga halimbawang pangyayari na iniulat sa Qur’an ay ang pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Persiyano sa loob ng 3 hanggang 9 na taon pagkatapos matalo ng mga Persiyano ang mga Romano. Sinabi ng Allah sa Qur’an:  Ang mga Romano ay natalo sa malapit na lupain (sa Tangway [Peninsula] ng Arabia), at pagkatapos ng kanilang pagkatalo, sila ay magwawagi pagkaraan ng tatlo hanggang siyam na taon….  (Qur’an, 30:2-4) Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng kasaysayan tungkol sa digmaang ito. Ang aklat na pinamagatang ‘Kasaysayan ng Bansang Byzan-

RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1