42 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Kabanata 2 ILAN SA MGA PAKINABANG SA ISLAM pos siya ay tatanungin, “Anak ni Adam, ikaw ba ay nakaranas ng anumang karukhaan. Nakaranas ka ba ng kahirapan? Sasabihin niya, “Hindi po Diyos ko, O aking Panginoon, kailanman ay hindi ako nakaranas ng anumang karukhaan at kailanma’y hindi ako nakaranans ng anumang kahirapan.”}.1 Kung ikaw ay papasok sa Paraiso, ikaw ay mamumuhay nang maligayang-maligaya na walang karamdaman, sakit, paghihirap, kalungkutan, o kamatayan. Ang Allah ay masisiyahan sa iyo at ikaw ay mabubuhay doon nang walang hanggan. Sinabi ng Allah sa Qur’an: 1 Iniulat sa Saheeh Muslim, #2807, at sa Mosnad Ahmad, #12699. Subali’t yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga kabutihan, Amin silang papapasukin sa Halamanan (sa Paraiso) na kung saan umaagos sa ilalim nito ang mga batis, mananahan doon nang walang-hanggan… (Qur’an, 4:57) (2) Kaligtasan Mula sa Impiyerno (2) Kaligtasan Mula sa Impiyerno Sinabi ng Allah sa Qur’an: Katotohanan yaong tumalikod at namatay na dinananampalataya, hindi kailanman tatanggapin sa isa sa kanila maging ang daigdig na puno ng ginto kahit na ialok pa niya itong pantubos. Mapapasakanila ang napakasakit na parusa at wala silang magiging tagatulong (upang mapagaan ang kanilang parusa. (Qur’an, 3:91) Kaya’t, ang buhay na ito ang tanging pagkakataon upang makamit ang Paraiso at maiwasan ang Impiyerno, sapagka’t sinuman ang mamatay sa di-paniniwala, hindi na siya magkakaroon pa ng pagkakataong bumalik sa mundo upang maniwala. Gaya ng sinabi ng Allah sa Qur’an hinggil sa mangyayari para sa mga di-sumasampalataya sa Araw ng Paghuhukom: At kung makikita mo lamang kung papano sila titindig sa harap ng Apoy (Impiyerno), sila’y magsasabi, “Kung kami ay ibabalik lamang, hindi namin pasisinungalingan ang mga Ayat (taludtod, talata, tanda) ng aming Panginoon, at kami ay sasama sa mga sumasampalataya!” (Qur’an, 6:27)
RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1