Ang maikling paglalarawan

44 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Kabanata 2 ILAN SA MGA PAKINABANG SA ISLAM Upang mabasa ang mga kasaysayan ng mga taong nagbalik sa Islam, mangyari lamang na bisitahin ang www.islam-guide.com/stories o sumangguni sa aklat na pinamagatang ‘Bakit Islam Lamang ang Aming Pinili’ (Why Islam is Our Only Choice).1 Sa pahina ng web nito at sa pulyetong ito, mababasa ninyo ang mga kaisipan at pakiramdam ng mga taong mula sa iba’t ibang bansa at may iba’t ibang karanasan at antas ng edukasyon. (4) Kapatawaran sa Lahat ng mga Dating Kasalanan 1 Ang aklat na ito ay kay Muhammad H. Shahid. Para sa kopya ng pulyetong ito, mangyari lamang na bisitahin ang www.islam-guide.com/stories o makipag-ugnay sa samahang nakatala sa pahina 86. 2 Iniulat sa Saheeh Muslim, #121, at sa Mosnad Ahmad, #17357. 3 Iniulat sa Mosnad Ahmad, #2515, at sa Saheeh Muslim, #131. Kapag may isang nagbalik-loob sa Islam, pinatatawad ng Allah ang lahat ng kanyang mga kasalanan at mga nakaraang masasamang gawain. Isang taong nagngangalang Amr ay pumunta kay Propeta Muhammad  at nagsabi: “Ibigay mo sa akin ang iyong kanang kamay upang ibigay ko sa iyo ang aking katapatang-loob.” Iniunat ng Propeta  ang kanyang kanang kamay, subali’t iniurong ni Amr ang kanyang kamay. Ang Propeta  ay nagsabi: {Ano ang nangyari sa iyo Amr?} Sumagot siya: “Ibig kong maglagay ng kondisyon.” Ang Propeta  ay nagtanong: {Ano ang kondisyon na ibig mong ilagay?) Sinabi ni Amr. “Na patawarin ng Diyos ang aking mga kasalanan.” Ang Propeta  ay nagsabi: {Hindi mo ba nalalaman na ang pagbabalik-loob sa Islam ay nagbubura sa lahat ng mga nakaraang kasalanan?}2 Pagkatapos na magbalik-loob sa Islam, ang tao ay gagantimpalaan sa kanyang mga mabuti at masasamang ginawa sang-ayon sa sinabi ni Propeta Muhammad : {Ang iyong Panginoon, Siyang isang Banal at Dakila, ay Pinakamaawain. Sinuman ang magbalak na gumawa ng isang mabuting gawa, subali’t hindi niya ito ginawa, ang isang mabuting gawa ay maitatala para sa kanya. At kung ito ay kanyang ginawa, (ang gantimpala nito ay) sampu hanggang pitong daan o higit pang marami (para sa mabuting gawa) ang maitatala para sa kanya. At sinuman ang magbalak gumawa ng isang masamang gawain, subali’t hindi niya ito ginawa, isang mabuting gawa ang maitatala para sa kanya. At kapag ginawa niya ito, (masamang gawa) isang masamang gawa lamang ang maitatala para sa kanya o buburahin ito ng Allah.}3 (4) Kapatawaran sa Lahat ng mga Dating Kasalanan

RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1