47 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 1 Kabilang sa mga gumagawa ng masama ay ang mga sumasamba sa mga diyus-diyusan. 2 Bagong Pandaigdigang Bersiyon, Ang Siksik na Diksiyunaryo ng Bibliya (NIV Compact Dictionary of the Bible), Douglas, p.42. Apoy (Impiyerno) At sa mga gumagawa ng masama1, wala silang magiging katulong.” (Qur’an, 5:72) Ilan sa mga Pangunahing Paniniwala sa Islam Ang Diyos ay hindi Trinidad. Sinabi ng Allah sa Qur’an: Katotohanan, hindi naniwala yaong mga nagsasabi: “Ang Allah ay ikatlo sa tatlo (sa trinidad),” samantalang walang Diyos maliban sa Iisang Ilah (Diyos – ang Allah). Kapag hindi sila tumigil sa kanilang sinasabi, tunay na kasakit-sakit na kaparusahan ang darating sa mga hindi naniniwala sa kanila. Hindi ba sila magsisisi sa Allah at hihingi ng Kanyang kapatawaran? Sapagka’t ang Allah ay Lagi nang Mapagpatawad at Pinakamaawain. Ang Messiah (Hesus), anak ni Maria, ay hindi hihigit sa isang sugo… (Qur’an, 5:73-75) Tinatanggihan sa Islam na ang Allah ay nagpahinga sa ikapitong araw ng paglikha, na Siya ay nakipagbuno sa isa Niyang anghel, na Siya ay isang mapanibughuin (mainggitin) na nagbabalak ng masama sa sangkatauhan, o kaya Siya’y isang Diyos na nagkatawang-tao (incarnate) sa sinuman. Tinatanggihan din sa Islam ang paglalagay ng anumang uri ng katangian ng tao sa Diyos. Ang lahat ng mga ito ay maituturing na mga paglapastangan sa Allah. Ang Allah ay Dakila. Siya ay lubos na malayo sa anumang pagkukulang. Hindi Siya kailanman nababahala. Hindi Siya inaantok o kaya’y nangangailangang matulog. Ang salitang Arabik na Allah ay nangangahulugan na Diyos (ang NagIisa at Tunay na Diyos na lumikha sa buong sanlibutan). Ang salitang Allah ay Pangalan ng Diyos, na ginagamit ng mga nagsasalita ng Arabik, kapwa mga Muslim at mga Kristiyanong Arabo. Ang salitang ito ay hindi maaaring gamitin bilang pantukoy sa sinuman (anupaman) maliban sa Nag-Iisang Tunay na Diyos. Ang salitang Arabik na Allah ay makikita sa Qur’an na humigit sa 2,150 na ulit. Sa Aramaic, isang wika na malapit sa Arabik at wika na nakagawiang gamitin ni Hesus2, ang Diyos ay tumutukoy sa Allah. 2) Paniniwala sa Pagkakaroon ng mga Anghel: Ang mga Muslim ay naniniwala sa pagkakaroon ng mga anghel at sila ay mararangal na mga nilikha. Ang mga anghel ay sumasamba lamang sa Allah, sumusunod sa Kanya, at gumagawa lamang ayon sa Kanyang ipinag-uutos. Isa sa mga anghel ay si Gabriel, na nagdala ng Qur’an kay Muhammad .
RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1