Ang maikling paglalarawan

3 PAUNANG SALITA ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM paunang salita Ang aklat na ito ay isang maikling paglalarawan ng pamamatnubay tungo sa pag-unawa sa Islam. Ito ay mayroon tatlong kabanata. Ang unang kabanata, “Ilan sa mga Patotoo Hinggil sa Katotohanan ng Islam,” nagbibigay kasagutan sa ilang mahahalagang katanungan ng ilang mga tao. • Ang Qur’an ba ay totoong literal (letra-por-letra) na salita ng Diyos, na Kanya mismong ipinihayag? • Si Muhammad 1 ba ay tunay na Propetang isinugo ng Diyos? • Ang Islam ba ay tunay na relihiyon na mula sa Diyos? Sa kabanatang ito, anim na uri ng mga patotoo ang nabanggit: 1) Ang mga Himalang makasiyensiya (makaagham) sa Banal na Qur’an: Ang bahaging ito ay tinalakay na (may paglalarawan) sa ilang makaagham na katotohanan na kailan lamang natagpuan na naihayag sa Qur’an, labing-apat na dantaon na ang nakararaan. 2) Ang Matinding Hamon na Lumikha ng Isang Kabanata na Katulad ng mga Kabanata ng Banal na Qur’an: Sa Qur’an, hinamon ng Allah ang lahat ng sangkatauhan na gumawa ng katulad na kabanata na nasa Qur’an. Simula pa nang ihayag ang Qur’an, labing-apat na dantaon na ang nakaraan, hanggang sa ngayon, walang sinuman ang nakatugon sa hamon na ito, kahit na sa pinakamaiksing kabanata ng Qur’an (Kabanata 108) na mayroong 10 salita lamang. 1 () - ‘Salla Allahu Alaihi wa Sallaam’, isang pangungusap sa wikang Arabik na ang kahulugan ay: ‘Nawa’y itampok ng Allah ang pagbanggit sa kanya at iligtas siya sa anumang masama at paninira.’

RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1