51 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM At yaong mga sumasampalataya at gumawa ng kabutihan, sila ang mga maninirahan sa Paraiso, sila ay mananahan doon magpakailanman. (Qur’an, 2:82) Subali’t, yaong mga namatay na di-sumasampalataya na “Walang ibang tunay na Diyos maliban sa Allah, at si Muhammad ay Sugo (Propeta) ng Allah” o kaya’y hindi Muslim ay mawawalan ng Paraiso magpakailanman at papupuntahin sa Impiyerno, gaya ng sinabi ng Allah: At sinuman ang maghangad ng relihiyon maliban sa Islam, hindi ito tatanggapin sa kanya at siya ay magiging isa sa mga talunan sa Kabilang Buhay. (Qur’an, 3:85) At gaya ng sinabi Niya: Katotohanan yaong tumalikod at namatay na dinananampalataya, hindi kailanman tatanggapin sa isa sa kanila maging ang daigdig na puno ng ginto kahit na ialok pa niya itong pantubos. Mapapasakanila ang napakasakit na parusa at wala silang magiging tagatulong (upang mapagaan ang kanilang parusa. (Qur’an, 3:91) Maaaring magtanong ang isang tao, ‘Sa aking palagay ang Islam ay isang mabuting relihiyon, subali’t kung yayakapin ko ito, ang aking pamilya, mga kaibigan at ang iba pang mga tao, ay magmamalupit sa akin at pagtatawanan ako. Kaya’t, kung hindi ako magbabalik-Islam, makapapasok kaya ako sa Paraiso o maliligtas kaya ako mula sa Impiyerno?’ Ang kasagutan ay kung ano ang sinabi ng Allah sa naunang taludtod, “Kung sinuman ang maghangad ng relihiyon maliban sa Islam, hindi ito tatanggapin sa kanya at siya ay magiging isa sa mga talunan sa Kabilang Buhay.” Pagkatapos na isugo si Propeta Muhammad upang manawagan sa mga tao sa Islam, ang Allah ay hindi na tatanggap ng anumang relihiyon maliban sa Islam. Ang Allah ang ating Tagapaglikha at Tagapanustos. Linikha Niya para sa atin ang anumang nasa lupa. Ang lahat ng mga biyaya at mainam na bagay ay nagmula sa Kanya. Kaya’t pagkatapos ng lahat ng mga ito, kapag may isang tumanggi sa paniniwala sa Allah, sa Kanyang Propeta na si Muhammad o sa Kanyang relihiyon na Islam, ay makatwiran lamang na parusahan sa Kabilang-buhay. Katunayan, ang pangunahing dahilan ng ating pagkakalikha ay Ano ang Sinasabi ng Islam Hinggil sa Araw ng Paghuhukom?
RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1