52 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM upang sambahin ang Allah nang Nag-iisa at ang sundin Siya, tulad ng sinabi ng Allah sa Banal na Qur’an, kabanata 51 talata 56. Ang buhay natin sa ngayon ay napakaikli lamang. Ang mga disumasampalataya sa Araw ng Paghuhukom ay nag-iisip na ang kanilang buhay dito sa mundo ay para lamang isang araw o bahagi lamang ng isang araw, tulad ng sinabi ng Allah: Siya (ang Allah) ay magsasabi: “Ilan taon ang iyong paninirahan sa lupa?” Sasabihin nila: “Kami ay nanirahan ng isang araw o bahagi lamang ng isang araw…” (Qur’an, 23:112-113) At sinabi Niya: Inakala ba ninyo na kayo ay Aming nilikha sa laro lamang (na walang makabuluhang layunin) at hindi kayo magbabalik sa Amin (sa Kabiling buhay)? Kaya, Dakilain ang Allah, ang Tunay na Hari. Walang ibang may-karapatang sambahin maliban sa Kanya… (Qur’an, 23:115-116) Ang buhay sa Kabilang Buhay ay tunay na buhay. Hindi lamang ito espirituwal bagkus ito ay pisikal (karaniwang katawan) din. Tayo’y maninirahan doon na mayroon mga kaluluwa at katawan. Sa paghahambing sa mundong ito sa Kabilang-buhay, si Propeta Muhammad ay nagsabi: {Ang halaga ng mundo kung ihambing sa Kabilang-buhay ay tulad ng maibabahagi ng iyong daliri kung ilalagay sa dagat at pagkatapos ito ay iangat.1 Ibig sabihin, ang halaga nitong mundo kung inihambing sa Kabilang Buhay ay katulad ng ilang patak ng tubig kung inihambing sa dagat. 1 Iniulat sa Saheeh Muslim, #2858, at sa Mosnad Ahmad, #17560.) 2 Katulad ng nabanggit sa pahina 47, ang Arabik na salitang Allah ay nangangahulugan na Diyos [Ang Nag-iisa at Tunay na Diyos na lumikha sa buong Sanlibutan]. Ang salitang Allah ay pangalan ng Diyos, na ginagamit ng mga nagsasalita ng Arabik, kapwa mga Muslim at Kristiyanong Arabo. Sa karagdagang detalye hinggil sa salitang Allah, tingnan ang sumunod sa huling parapo ng pahina 47. Papaano Magiging Muslim ang Isang Tao? Madali lamang, sa pamamagitan ng pagbikas nang may katapatan, “La ilaha illa Allah, Muhammadur rasoolu Allah,” sinuman ay makapapasok sa Islam at magiging Muslim. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugan na “Walang ibang tunay na Diyos maliban sa Allah2 at si Muhammad ay Sugo (Propeta) ng Allah.” Papaano Magiging Muslim ang Isang Tao?
RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1