Ang maikling paglalarawan

53 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Ang unang bahagi, “Walang tunay na diyos maliban sa Allah,” ay nangangahulugan na walang sinupaman ang may karapatang sambahin maliban sa Allah lamang at ang Allah ay walang kasama o anak. Upang maging isang Muslim, kinakailangan ding maniwala sa: § Maniwala na ang Banal na Qur’an ay literal na salita ng Allah (letra-por-letra) na Kanyang ipinahayag. § Maniwala na ang Araw ng Paghuhukom (ang Araw ng Pagkabuhay na Muli) ay totoo at tiyak na darating, gaya ng ipinangako ng Allah sa Qur’an. § Tanggapin ang Islam bilang kanyang relihiyon. § Na di-sasamba sa anuman or sinuman maliban sa Allah. Si Propeta Muhammad  ay nagsabi: {Ang Allah ay higit na masaya sa pagsisisi ng sinuman kung siya’y magbabalik-loob sa Kanya na nagsisisi kaysa sa isa sa inyo na nakasakay sa kanyang kamelyo sa kaparangan (ilang na pook ng desyerto), at iniwanan siya nito, dala ang lahat ng pagkain at inumin at pagkatapos ay nawalan ng pagasang maibalik ito. Siya’y pumaroon sa isang punong kahoy at humiga sa lilim nito upang maghintay na lamang (ng kamatayan) dahil wala na siyang pag-asa na makitang muli ang kanyang kamelyo. Pagkatapos, habang siya’y nasa gayong kalagayan (kawalan ng pag-asa), bigla na lamang ito (ang kamelo) ay nasa kanyang harapan! Kaya’t kanyang kinuha ang tali nito at humiyaw sa katuwaan: “O Allah, ikaw ang aking alipin at ako ang iyong panginoon!” Ang kanyang pagkakamali ay nagbubuhat sa matinding kagalakan.1 2 Iniulat sa Saheeh Muslim, #2747, at sa Saheeh Al-Bukhari, #6309. Ang salawikaing “Walang tunay na diyos maliban sa Allah, at si Muhammad ay Sugo (Propeta) ng Allah,” nakaukit sa pintuan Papaano Magiging Muslim ang Isang Tao?

RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1