Ang maikling paglalarawan

54 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Ano ang Qur’an? • Sino si Propeta Muhammad  Ano ang Qur’an? Ang Qur’an, ang huling kapahayagan na salita ng Diyos, ay ang pangunahing pinagkukunan ng paniniwala at kaugalian ng bawa’t Muslim. Ito ay nagtatalakay sa lahat ng mga paksa na may kinalaman sa mga tao: karunungan, doktrina, pagsamba, transaksiyon, batas, atbp., datapwa’t ang pangunahing aral (katuruan) ay ang kaugnayan ng Allah at ng Kanyang mga nilikha. Kaalinsabay nito, ito ay nagdudulot ng patnubay at maliwanag na katuruan para sa makatwirang sambayanan, tamang asal ng tao, at tamang sistema sa ekonomiya. Pansinin na ang Qur’an ay naipahayag kay Muhammad  sa wikang Arabik lamang. Kaya’t, anumang salin nito maging sa Ingles o sa anumang wika, ay hindi Qur’an, o kaya’y bersiyon ng Qur’an, bagkus salin lamang ng kahulugan ng Qur’an. Ang Qur’an ay totoong nasa wikang Arabik lamang. Sino si Propeta Muhammad  Si Muhammad  ay ipinanganak sa Makkah noong taong 570 CE. Dahil namatay ang kanyang ama bago pa man siya isilang at pagkatapos namatay din ang kanyang ina (nang siya ay anim na taon), siya’y inaruga ng kayang tiyuhin na buhat sa isang iginagalang na tribung Quraysh. Siya ay lumaking di-nakapag-aral, di-makabasa’t makasulat, at nanatili sa ganitong kalagayan hanggang siya’y mamatay. Ang kanyang mga kababayan, bago dumating ang kanyang tungkulin bilang propeta, ay salat sa karunungan sa siyensiya at karamihan sa kanila ay mangmang. Sa kanyang paglaki, siya ay nakilala bilang makatotohanan, matapat, mapagkakatiwalaan, mapagbigay at dalisay. Siya ay lubos na mapagkakatiwalaan, kaya’t, tinawag siya na isang AlAmin – Ang Mapagkakatiwalaan.1 Si Muhammad  ay maka-Diyos at matagal nang napupuot sa pagbaba ng moralidad at idolatriya ng kanyang sambayanan. Sa edad na apatnapu, si Muhammad  ay unang nakatanggap ng kapahayagan mula sa Allah sa pamamagitan ng anghel Gabriel. Ang mga kapahayagan ay nagpatuloy na dumarating sa loob ng dalawampu’t tatlong taon at sama-samang tinawag na Qur’an. 1 Iniulat sa Mosnad Ahmad, #15078.

RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1