55 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Sino si Propeta Muhammad Simula nang magbigkas siya ng Qur’an at ipangaral ang katotohanan na ipinahayag sa kanya ng Allah, siya at ang maliit na grupong tagasunod niya ay nagdanas ng kalupitan mula sa mga disumasampalataya. Ang kalupitan ay naging masidhi, kaya noong taong 622 CE, ang Allah ay nag-utos na sila’y mandayuhan. Ang kanilang paglikas patungong Madinah, may mga 260 milya sa gawing norte, ay naging simula ng kalendaryong Muslim. Pagkatapos ng ilang taon, si Muhammad at ang kanyang mga tagasunod ay nakabalik sa Makkah, kung saan pinatawad nila ang kanilang mga kaaway. Bago namatay si Muhammad , sa edad na 63, ang kalakhan ng Tangway ng Arabia (lupain ng Arabia) ay naging Muslim, at sa loob lamang ng isang daang taon mula nang siya’y namatay, ang Islam ay lumaganap hanggang sa Espana sa kanluran at umabot sa silangan ng China. Ang mga dahilan ng mabilis at mapayapang paglaganap ng Islam ay ang taglay na katotohanan at maliwanag na katuruan. Ang Islam ay nagtatawag ng paniniwala sa Iisang Allah lamang, na Siya lamang ang karapat-dapat na sambahin. Si Propeta Muhammad ay isang ganap na halimbawa ng isang matapat, makatarungan, maawain, mapagmahal, makatotohanan at matapang na tao. Bagaman isa siyang lalake, siya ay malaya sa anumang uri ng kasamaan ng pag-uugali at nagpupunyagi para lamang sa Allah at sa Kanyang gantimpala sa Kabilang-buhay. Karagdagan pa, sa lahat ng kanyang gawain at pakikipag-ugnayan, siya ay lagi nang nagsasaisip sa kamalayan at pagkatakot sa Allah. (Mangyaring bisitahin lamang ang www.islam-guide.com/ muhammad para sa karagdagang impormasyon tungkol kay Propeta Muhammad ) Ang Masjid (Mosque) ni Propeta Muhammad sa Madinah.
RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1