61 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM puso ng mga mamamayan na walang kakayahang magtanggol sa sarili, ang maramihang pagwasak ng mga gusali at mga ariarian, ang pagpapasabog at pagbabalda sa mga walang kasalanang mga kalalakihan, mga kababaihan, at mga kabataan, ay kasuklam-suklam na mga gawain sang-ayon sa Islam at mga Muslim. Sinusunod ng mga Muslim ang relihiyon ng kapayapaan, awa at pagpapatawad, at ang karamihan (sa kanila) ay walang kinalaman sa mga masamang pangyayari na ibinibintang sa mga Muslim. Kapag ang isang Muslim ay gagawa ng gawaing terorismo, ang taong ito ay magkakasala ng paglabag sa batas ng Islam. Mga Karapatan ng Tao at Katarungan sa Islam Ang Islam ay nagbibigay ng maraming karapatan para sa isang tao. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga karapatang pantao na pinangangalagaan ng Islam: Ang buhay at ari-arian ng lahat ng mamamayan sa Islamikong lipunan ay itinuturing na sagrado, maging ang isang tao ay Muslim man o hindi. Pinangangalagaan din ng Islam ang dangal ng tao. Kaya’t, sa Islam ang pag-insulto sa iba o pangungutya sa kanila ay hindi pinahihintulutan. Sinabi ng Propeta : {Katotohanan, ang inyong dugo, ari-arian, at dangal ay sagrado.}1 1 Iniulat sa Saheeh Al-Bukhari, #1739, at sa Mosnad Ahmand, #2037. 2 Ang mabuting tao ay yaong umiiwas sa lahat ng mga kasalanan, gumagawa ng mga kabutihan na iniutos sa atin ng Diyos, may takot at pagmamahal sa Diyos. O Sangkatauhan, katotohanan Amin kayong nilikha mula sa isang lalake at isang babae at ginawa kayong mga bansa at tribu upang magkakila-kilala (sa isa’t isa). Katotohanan, ang pinakadakila sa inyo sa Allah ay yaong pinakamabuti sa inyo.2 Tunay, Ang Allah ay lubos na Nakababatid, ang Pinakamaalam. (Qur’an, 49:13) Itinatakwil ng Islam ang ilang mga tao at bansa na itinatangi dahil sa kanilang kayamanan, kapangyarihan o lahi. Linikha ng Allah ang lahat ng mga tao na pantay-pantay na magiging kaiba lamang sa isa’t isa sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya at kabanalan. Si Propeta Muhammad ay nagsabi: {O mga tao! Ang inyong Diyos ay Iisa at ang inyong ninuno (Adam) ay iisa. Ang Arabo Mga Karapatan ng Tao at Katarungan sa Islam
RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1