66 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 2) Pagdarasal: Ang mga Muslim ay nagsasagawa ng limang beses na pagdarasal sa isang araw. Bawa’t dasal ay hindi tatagal nang higit sa ilang minuto para maisagawa. Ang pagdarasal sa Islam ay isang tuwirang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng sumasamba at Allah. Walang tagapamagitan sa Allah at sa sumasamba. Sa pagdarasal, ang isang tao ay nakararamdam ng kaligayahan, kapayapaan at kaginhawaan, at ang Allah ay nasisiyahan sa kanya. Si Propeta Muhammad ay nagsabi: {Bilal, tawagin ang (mga tao) sa pagdarasal, hayaan mong maginhawaan tayo nito.}1 Si Bilal ay isa sa mga kasamahan ni Muhammad na nakatalaga bilang tagapagtawag ng mga tao sa mga pagdarasal. Ang mga dasal ay isinasagawa sa madaling araw, tanghaling-tapat, hapon, paglubog ng araw, at gabi. Ang isang Muslim ay maaaring magdasal kahit saan, gaya ng mga bukiran, opisina, pabrika, o unibersidad. (Mangyaring bisitahin lamang ang www.islam-guide.com/prayer para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagdarasal sa Islam.)2 1 Iniulat sa Abu-Dawood, #4985, at sa Mosnad Ahmad, #22578.) 2 O kaya ay tingnan ang aklat na pinamagatang ‘Gabay sa Pagdarasal sa Islam’ (Guide to Prayer in Islam), akda ni M.A.K. Saqib. Para sa kopya ay mangyaring bisitahin lamang ang web site na nababanggit sa itaas. 3) Pagbibigay ng Zakat (Tulong sa mga Nangangailangan o Mahihirap): Ang lahat ng bagay ay pag-aari ng Allah, at ang kayamanan, samakatuwid, ay ibinibigay sa mga tao bilang tiwala. Ang orihinal na kahulugan ng Zakat ay kapwa ‘Pagpadalisay’ at ‘Pag-unlad’. Ang pagbibigay ng Zakat ay nangangahulugan ng pagbibigay ng partikular na porsiyento buhat sa isang ari-arian para sa napipihong uri ng mga nangangailangang tao. Ang porsiyento na dapat kunin sa ginto, pilak at salaping umabot sa 85 gramo ng ginto at taglay ng magbibigay ng Zakat sa loob ng isang taon ay dalawa’t kalahating (2 at 1⁄2) porsiyento. Ang ating mga ari-arian ay napadadalisay kapag tayo ay naglalaan ng maliit na bahagi para sa mga nangangailangan, katulad ng pagpupungos sa mga kahoy, ang pagpuputol nito ay nagpapantay sa kanila at nagpapausbong ng panibago (na sanga at dahon). Ang isang tao ay maaari ring magbigay hanggang nais niya bilang kusang-loob na limos o kawang-gawa. Ano ang Limang Haligi ng Islam?
RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1