Ang maikling paglalarawan

67 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 4) Pag-aayuno (Fasting) sa Buwan ng Ramadan: Taun-taon, tuwing buwan ng Ramadan1, ang lahat ng mga Muslim ay nag-aayuno simula sa madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw, nangingilin sa pagkain, inumin at pakikipagtalik (sa asawa). Bagaman ang pag-aayuno ay nakabubuti sa kalusugan, ito, higit sa lahat ay itinuturing na paraan sa pagpapadalisay ng espirituwal. Sa pamamagitan ng pag-iwas ng sarili sa mga makamundong kasiyahan, kahit sa maikling panahon lamang, ang isang nag-aayuno ay hindi lamang nagkakaroon ng tunay na pakikiramay sa mga nagugutom bagkus gayon din ay nagkakaroon ng pag-uunlad sa kanyang pang-espirituwal na buhay. 1 Ang buwan ng Ramadan ay ang ikasiyam na buwan sa Islamikong kalendaryo (ito ay Lunar (nauukol sa buwan), at hindi Solar (nauukol sa araw). 5) Ang Peregrinasyon (Paglalakbay) sa Makkah: Mga Peregrino na nagdarasal sa Haram na Mosque sa Makkah. Sa mosque na ito makikita ang Kaaba (ang itim na gusali sa larawan) kung saan ang mga Muslim ay humaharap kapag nagdarasal. Ang Kaaba ay lugar ng pagsamba kung saan ipinag-iutos ng Allah kay Propeta Abraham at sa kanyang anak na si Ismael na itayo. Ang taunang Peregrinasyon (Hajj) sa Makkah ay isang obligadong tungkulin na nararapat gampanan minsan sa buhay ng mga may kakayahan sa kalusugan at pananalapi. Dalawang milyong tao ang pumupunta sa Ano ang Limang Haligi ng Islam?

RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1