Ang maikling paglalarawan

Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 5 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Kabanata 1 ang ilan sa mga patotoo hinggil sa katotohanan ng islam Binigyang suporta ng Diyos ang Kanyang Huling Propeta na si Muhammad  ng mga maraming himala at napakaraming patotoo na nagpapatunay na siya ay tunay na Propetang isinugo Niya. Gayundin, sinuportahan Niya ang Kanyang huling kapahayagan, ang Banal na Qur’an, ng maraming himala na nagpatunay na ang Qur’an ay tunay na literal (letra-por-letra) na salita ng Diyos, na Kanyang ipinahayag, at hindi akda ng alinmang tao. Ang kabanatang ito ay nagtatalakay sa ilang mga patotoo. (1) Ang Mga Himalang Makasiyensiya (makaagham) sa Banal na Qur’an Ang Qur’an ay literal na salita ng Diyos, na Kanyang ipinahayag sa Kanyang Propeta na si Muhammad  sa pamamagitan ni anghel Gabriel. Isinaulo ito ni Muhammad  at pagkatapos kanyang idinikta sa kanyang mga Kasamahan. Kanila ring isinaulo ito, isinulat at nirepaso na kaharap si Propeta Muhammad . Bukod pa rito, ay nirepaso ni Propeta Muhammad  ang Qur’an sa harap ni angel Gabriel minsan tuwing isang taon at dalawang ulit sa huling yugto ng kanyang buhay. Simula pa nang maipahayag ang Qur’an hanggang sa ngayon, lagi nang mayroong malaking bilang ng mga Muslim ang nakapagsasaulo ng buong Qur’an, letra-por-letra. Ilan sa kanila ay nakayanang isaulo ang buong Qur’an sa gulang na sampung taon. Walang ni isa mang letra sa Qur’an ang nabago sa loob ng maraming siglo. Ang Qur’an na naipahayag may labing-apat na dantaon na ang nakaraan ay nagbanggit sa mga katotohanan na ngayon lamang natuklasan o napatunayan ng mga siyentipiko. Ang Banal na Qur’an (1) Ang Mga Himalang Makasiyensiya (makaagham) sa Banal na Qur’an

RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1