Ang Pag-unawa Sa Islam At Muslim

Anu ang Islam?

Sinu ang mga Muslim?

Anu ang pinaniniwalaan ng mga Muslim?

Paano maging Muslim ang isang tao?

Anu ang Ibig sabihin ng Islam?

Bakit Kadalasan ang Islam ay nagmumukhang kakaiba

Ang Islam at Kristyanismo ba ay may magkaibang pinagmulan?

Anu ang Ka’ba?

Sino si Muhammad?

Paano naging isang propheta at sugo ng diyos si Muhammad?

Paano nakaapekto sa mundo ang paglaganap ng Islam?

Anu ang Quran?

Tungkol saan ang Quran?

Mayroon pa bang ibang Sagradong pinag kukunan?

Anu ang Limang mga Haligi ng Islam?

Ang Islam ba ay nagpapahintulut sa ibang paniniwala?

Anu ang tingin ng mga Muslim kay Hesus?

Bakit ang Pamilya ay napaka importante sa mga Muslim?

Ang Tungkol sa kababaihang Muslim?

Ang Isang Muslim ba ay maari magkaroon ng higit sa isang asawa?

Ang kasal ba ng Muslim ay katulad ng kasal ng Kristyano?

Paano ba pakitunguhan ng mga Muslim ang Matatanda?

Paano ang tingin ng mga Muslim sa kamatayan?

Anu ang sinasabi ng Islam Tungkol sa Digmaan?

Anu ang Tungkol sa Pagkain?

Paano ginagarantya ng Islam ang Karapatang Pangtao?

Ang Islam sa Estados Unidos?

Ang Mundo ng Muslim


Anu ang Islam?

Ang Islam ay hindi bagong relihiyon,bagkus ang kaparehong katotohanan na ipinahayag ng Panginoon sa pamamagitan ng lahat ng kanyang mga propheta, sa panlimang populasyon ng mundo, Ang Islam ay isang relihiyon at isang ganap na pamamaraan ng buhay. Ang mga Muslim ay sumusunod sa relihiyon ng kapayapaan, awa at kapatawaran at ang karamihan ay walang kinalaman sa labis na malubhang nangyayari. Na nangyayaring iniuugnay sa kanilang paniniwala.


Sinu ang mga Muslim?

Mga Muslim ay nag darasal sa Jerusalem sa labas ng ‘Dome of the Rock’.
Isang Morokan nag dadasal.

OIsang bilyon na tao mula sa malawak na pangkat ng mga lipi, lahi at kultura saan man panig ng mundo – mula sa katimugan ng Pilipinas hanggang sa Nigerya – ay nagkakaisa sa kanilang karaniwan na paniniwalang islamiko. Higit na labing-walong porsiyento(18%)namumuhay sa mga bansang Arabo; ang pinaka-malaking kommunidad ng mga Muslim sa mundo ay nasa Indonesia;malaking bahagi ng Asiya at karamihan sa bansang Afrika ay mga Muslim at habang kakaunti bilang naman ng mga Muslim ay matatagpuan sa Russia , China , Hilaga at Timog Amerika, at Europa.


Anu ang pinaniniwalaan ng mga Muslim?

Ang mga Muslim ay naniniwala,sa nag-iisa,bukod tangi, at walang katulad na Panginoon,Sa mga anghel na nilikha nya, Sa mga propheta nakung saan sa pamamagitan nila naipahayag ang kanyang mga rebelasyon sa sangkatauhan,Sa araw ng paghuhukom at bawat isa ay may pananagutan sa kanilang ginawa, Sa ganap na kapangyarihan ng panginoon sa tadhana ng mga tao at sa buhay pagkatapos ng kamatayan, ang mga Muslim ay naniniwala din sa pagkasunodsunod ng mga propheta mag simula kay Adan at kabilang si Noah, Abraham, Ismael,Isaac,Jacob,Joseph,Moses, Aaron,David,Solomon,Elias,Jonas, John the Baptist at Hesus, Sumakanila nawa ang kapayapaan. Ngunit ang huling mensahe ng panginoon sa tao, ay ang pagpapatunay sa walang hanggang mensahe na nagbubuo sa lahat ng nakalipas ay naipahayag kay Propheta Muhammad sa pamamagitan ni Anghel Gabriel.


Paano maging Muslim ang isang tao?

Simple, sa pamamagitan ng pag sabi na” walang Diyos Maliban Kay Allah (Diyos), at si Muhammad ay ang sugo ni Allah.

 

Sa Pamamagitan ng pag papahayag na ito ang Mananampalataya ay naghahayag ng kanyang paniniwala sa Diyos, at sa lahat ng Proheta ng diyos na may dala dalang banal na kasulatan.


Anu ang Ibig sabihin ng Islam?

Ang Arabic na salitang’Islam’ ay nangangahulugan ‘Ang Pagsuko’, at nanggaling ito mula sa salita na ang kahulugan ay ‘Kapayapaan’ sa panrelihiyon na pangkahulugan, ang kahulugan nito ay ang buong pusong pag suko sa ninanais ng Panginoon(Allah), Ang Mohammadanismo ay isang maling katawagan sa mga sumusunod sa pananampalatayang islam, dahil ito ay nagpapahiwatig na ang mga Muslim ay sumasamba kay Muhammad na sahalip na sa Panginoon. Ang ‘Allah’ ay salitang Arabic para sa Panginoon, ngunit ito ay espesyal na katawagan para tukuyin ang Diyos, Dahil, Si Allah mismo ang nag pangalan nito, at ito ang ginagamit na katawagan ng mga Arabong Muslim at mga Kristyano.


Bakit Kadalasan ang Islam ay nagmumukhang kakaiba

Ang Islam ay maaring mukhang kakaiba o kahit kasuklam-suklam sa Modernong Panahon. Marahil dahil ang relihiyon ay hindi nangingibabaw sa pang-araw araw na buhay ng mga bansa sa kanluran ngayon, samantalang ang mga Muslim ay may relihiyon na palagiang nangingibabaw sa isip nila, at walang pag kakahatihati sa pagitan ng hindi sagrado at sa mga sagrado. Sila ay naniniwala na ang banal na kautusan, Ang Shariah ay nararapat na bigyan ng sobrang pagpapahalaga, kaya ang mga suliranin kaugnay sa relihiyon ay napakahalaga parin.


Ang Islam at Kristyanismo ba ay may magkaibang pinagmulan?

Hindi. Kasama ng Judaismo, sila ay nag mula sa mga propheta at apo ni Abraham at ng kanilang tatlong propheta ay direktang inapo–apuhan na mula sa kanyang anak, si Muhammad at mula sa pinaka panganay na naunang propheta na sina, Ismael at Moses at Hesus hanggang kay Isaac. Si Abraham ay nagtatag ng pamayanan na ngayon ay matatagpuan sa siyudad ng Makkah at dito itinayo ang Ka’ba kung saan ang mga muslim ay humaharap rito upang magpatirapa pag sila ay nag darasal.


Anu ang Ka’ba?

Makkah, Lungsod sa Saudi Arabia

Ang Ka’ba ay ang lugar dalanginan nakung saan pinag utusan ng panginoon si Abraham at Ismael na itayo ito mahigit apat na libong taon ang nakalipas, ang instraktura ay na itayu sa bato na karamihan ay pinaniniwalaan na orihinal na sagradong pook na itinayu ni Adan. Pinag-utusan ng panginoon si Adan na tipunin ang lahat ng sangkatauhan, na maparito sa sagradong lugar na ito at kapag ang namamanata ay nag punta rito, sila ay nag sasabi , Ang iyong lingkod O Panginoon, bilang sagot sa tawag ni Abraham.


Sino si Muhammad?

Si Mohammad ay naipanganak sa Makkah, sa taon na Limang daan at Pitumpu, sa panahon na ang Kristyanismo ay hindi pa ganap na napapalaganap sa Europa, Simula ng pumanaw ang kanyang ama, bago ang kanyang kapanganakan, sumunod naman ang kanyang ina, Sya ay inaruga ng kanyang tiyuhin, na mula sa respetadong tribo ng Quraysh, Habang sya’y lumalaki, siya ay naging kilala sa kanyang anking Katapatan, Kagandahang Loob at Sensiridad. Nang dahil sa kanyang kakayahan, sa kanya sumasangguni ang karamihan upang mamagitan sa mga hiduaan.Ang mga mananalasay ay inilalarawan sya bilang kalmado at malalim mag-isip.

Si Muhammad ay sadyang likas na ang kanyang pagka-relihiyoso, at noon paman ay kinamumuhian na nya ang kanyang pangit na nakagisnang pamayanan, Nakaugalian na nya ang palagiang pag ninilay-nilay sa kweba ng Hira na malapit sa tuktok ng Bundok ng Jabal Al-Nur “Bundok ng Liwanag” na malapit sa Makkah.


Paano naging isang propheta at sugo ng diyos si Muhammad?

Ang Mosque ng Propheta sa Madinah, Ang simboryo(Dome) Na kung saan na itayo ang kanyang tahanan at kung saan sya inilibing.

Sa edad na Apatnapu, habang taimtim na nagninilay-nilay.Si Muhammad ay nakatanggap ng unang rebelasyon mula sa panginoon, sa pamamagitan ni Anghel Gabriel. Itong paghahatid ng rebelasyon ay nag patuloy ng Dalawampu’t Tatlong Taon. Na ngayon ay tinatawag na Quran.

Sa simula ng kanyang bigkasin ang mga salita na kanyang narinig mula kay Anghel Gabriel. At manghikayat ng mga tao patungkol sa rebelasyon na ipinahatid sa kanya ng panginoon, Sya at ng kanyang maliit na pangkat ng tagasunod, ay nag danas ng masidhing pagpapahirap, na lumaki ng matindi, Na sa taong anim nadaan at dalawampu’t dalawang taon(622), pinag utasan sila ng Diyos na mangi bangbayan, Ito Pangyayari, Ang Hijra’Pangingibang-bayan’ , nakung saan sila ay lumikas ng Makkah patungo sa lungsod ng Madinah mahigit na dalawang daan at animnapong Milya(620) mula sa Hilaga, ay mga tanda ng pagsisimula ng Kalendaryo ng mga muslim.

Ang Bundok ng Liwanag(Jabl An-noor) nakung saan naparito si Anghel Gabriel para kay Propheta Mohammad.

Pagkalipas ng maraming taon, Ang Propheta at ng kanyang tagasunod, ay nagbalik muli sa Makkah, nakung saan ay pinatawad nila ang kanilang mga kalaban at nag tatag sila ng tunay na Islam, Bago paman pumanaw ang Propheta sa edad na animnapu’t tatlo(63), ang malawak na bahagi ng Arabya ay muslim, at sa loob ng isang siglo ng kanyang pag panaw, Ang Islam ay lumaganap sa Espanya sa Kanluran at hanggang sa layu ng Silangan China.


Paano nakaapekto sa mundo ang paglaganap ng Islam?

Taj Mahal, sa India.

Isa sa mga dahilan sa mabilis at mapayapang paglaganap ng islam, Ay ang simple na doktrina(Turo) – Ang islam ay nagaanyaya para sambahin lamang ang nag iisang karapat dapat sambahin na Diyos. At ito din ay paulit-ulit na nag-papabatid sa mga tao na gamitin ang kanilang katalinuhan at pagmamasid.

Hui Shen Mosque, Sa China.
Naitayo noong Ika-Pitong Siglo.

Sa loob ng ilan mga taon, Magandang Kabihasnan at mga Universidad ang umunlad, Ayun kay Propheta ang paghahanap ng Ka’alaman(sa Islam) ay isang obligasyon ng bawat lalake at babaeng muslim; Ang pagkabuobuo ng Eastern(Silanganan) at Western(Kanluran)ideya at ng makabagong pag-iisip, ay nag dala ng malaking pag-babago at pag-unlad sa medisina, mathematika,pisika, heograpiya, arkitektura, sining, literatura, at kasaysayan. Maraming mahalagang systema, kagaya ng algebra, Ang Pamilang ng Arabo(Arabic Numerals) at pati narin ang konsepto ng sero(ay mahalaga sa pagsulong ng mathematika) ay nailipat sa makabagong europa mula sa Islam. Ang makabagong kagamitan na nagpadali sa mga paglalakbay ng mga taga Europa sa pagtutuklas ay nabuo kabilang dito ang astrolyabya at kuwadrante at ang maganda at makabagong mapa.


Anu ang Quran?

Ang Quran ay nag lalaman ng eksaktong salita ng Diyos na ipinahayag kay Propheta Muhammad sa pamamagitan ni Anghel Gabriel. Ito ay kinabisado ni Muhammad at tapus itinuro nya ito sa kanyang mga kasamahan, at naisulat ng mga manunulat, at ito ay pinag patotoo nya hanggang sa panahon na Bubuhay sya.Ni walang isang mga salita mula sa isangdaan at apatnaput apat (144) na kabanata o Suras (mga talata) ang nag bago ng mahigit sa mga siglo, kaya ang Quran ay nagtataglay ng bawat detalye ng walang katulad at mapaghimalang mga salita na naipahayag kay Muhammad sa nakalipas na labing apat na mga siglo.

Ang Unang Kabanata ng Quran, Ang Alfatiha, ay centro ng Dasal pang Islamiko, ito ay nag lalaman ng kahalagahan ng Quran at binibigkas ito tuwing dasal.

Tungkol saan ang Quran?

Ang Quran, ang huling rebelasyon na salita ng diyos, ito ang pangunahing pinagkukunan ng bawat muslim ng paniniwala at kaugalian, ito ay sumasaklaw sa lahat ng paksa na may kinalaman sa atin bilang tao: Karunungan, Doktrina,(Paniniwala),Pag-samba at Batas , ngunit ang batayan ng kanyang tema, ay ang ugnayan sa pagitan ng panginoon at ng kanyang mga nilikha, at gayun din ito ay nagbibigay ng patnubay para sa makatarungan na sambayanan, tamang pag uugali ng tao at ang pagkapantay-pantay na systema pang ekonomiya.


Mayroon pa bang ibang Sagradong pinag kukunan?

Oo, Ang Sunnah, Ang gawain at halimbawa ni Propheta Mohammad, ay ang pangalawang may autoridad sa mga Muslim, Ang Hadith ay ang mapagkakatiwalaan na ulat ng mga sinabi , mga ginawa, o pinagpatotoo ni Propheta Mohammad, Ang Paniniwala sa Sunnah ay bahagi sa pananampalatayang Islam.

Mga Halimbawa ng mga sinabi ng Propheta

Ang Propheta ay nagsabi:

Ang Diyos ay walang awa, sa sino man walang awa sa iba.

Wala sa inyo ang tunay na nananampalataya, hanggang ninanais niyu sa inyong Kapatid , Kung anung ninanais nyu sa inyong sarili.

Kung sino man ang kumain ng pagkain, habang ang kapit-bahay nya ay walang makain, siya ay hindi mananampalataya.

Ang Mapagkakatiwalaan at tapat na negosyante ay maihahalintulad sa mga propheta at mga taong namatay para sa kanilang relihiyon (Martir).

Ang Lakas ay hindi nasusukat kung papaano mo mapatumba ang kalaban, bagkus ang lakas ay kung papaano mo pigilin ang iyong sarili, kapag ikaw ay nagagalit.

Ang Diyos ay hindi ng huhusga ayun sa inyong mga katawan at anyo bagkus ,kanyang pinag mamasdan ang inyong puso at inyong mga gawa.

May isang Lalake na nag lalakad sa daanan na uhaw na uhaw, nag hanap sya ng tubig na mapag iinuman, habang sya ay naghahanap , nakakita sya ng balon siya’y pumanaog dito at uminum, paglabas nya ng balon, nakakita sya ng isang Aso na nakalabas ang kanyang dila, at sinusubukan nyang dilaan ang putik para mapawi ang kanyang uhaw, Nakita ng lalake ang asong iyon na nararamdaman nya kung anung uhaw ang naramdaman nya noon, Kaya pumanaog muli sya sa balon upang punuin ng tubig ang kanyang sapatos, at kanyang pinainum ang aso, Ang Panginoon ay nagpatawad ng kanyang mga ginawang kasalanan, ‘Ang Propheta ay tinanong:Sugo ng Allah, tayu ba ay gagantimpalaan sa kabaitan natin sa mga hayop, sabi nya,’Mayroon gantimpala sa kabaitan sa lahat ng mga nilalang’.

Mula sa Koleksyon ng Hadith ni Bukhari, Muslim, Tirmidhi at bayhagi.

Anu ang Limang mga Haligi ng Islam?

Ang limang haligi ng Islam ay ang pondasyon at paniniwala ng muslim: paniniwala,pag-darasal, pagtulong sa mga nangangailangan,Pag aayuno at pag lalakbay sa Makkah upang mag sagawa ng hajj (mga may kakayahan mag sagawa nito.)

1.Paniniwala

Ang Shahada ay nakasulat sa ibabaw ng pasukan ng Palasyo ng Ottoman Topkapi (Ang Museo nag lalaman, ng kagamitan na isinuot ng Proheta, kasama dito ang ibang mga mahahalagang bagay) sa Istanbul, Turkey.

“Walang ibang diyos na karapatdapat sambahin maliban kay Allah at si Muhammad ang kanyang sugo.”

Ang pagpapahayag ng paniniwala ay tinatawag na Shahada, ang simpleng pormula sa pagpapahayag ng paniniwala. Sa Arabic. Ang Unang Bahagi ay: La ilaha illa Llah – ‘Walang ibang diyos maliban sa diyos(Allah)’; ang Ilaha(Diyos) ay pwedeng ipang tukoy sa anumang bagay na maaring gawin natin na diyos sa lugar ng diyos – Kayamanan, Kapangyarihan, atbp. Ang susunod ang illa Llah: ‘Maliban sa diyos’ Ang Pinagmulan ng lahat ng mga Nilikha.

Ang pangalawang bahagi ng Shahada ay Muhammadun rasulu’Llah: ’si Muhammad ay sugo ng panginoon.’ Isang Mensahe ng patnubay na dumating sa isang tao.

 

2. Pagdarasal

Ang Salah ay tawag sa mga obligadong dasal na isinasagawa ng limang beses sa isang araw at ang tuwid na ugnayan sa pagitan ng mananampalataya at ng Diyos. Walang kinakailangan na katungkulan sa islam para isagawa ito, at walang partikular na imam, ang padarasal ay maaring pamunuan ng kahit na sinu man na may alam sa Quran at pinagpilian ng mga magdarasal. Ang limang mga Dasal(Salah) ay mayroong binabasang mga talata mula sa Quran at ito ay binibigkas sa Arabic. Ang Wika ng rebelasyon, ngunit ang mga pansariling panalangin ay maari rin bigkasin ng tahimik sa kanilang wika.

Ang mga obligadong salah ay may paraan sa pag tawag sa mga tao para mag dasal ginagawa ito upang malaman nila ang takdang oras sa pag darasal at ito ay tinatawag na Adhan. Ang adhan ay tinatawag sa mikropono o simpleng boses na kahit walang kasangkapan pang musika. At ginagawa ito sa Madaling araw, Tanghali, Paglubog ng araw at Gabi. Kahit na mas kaaya-aya ang pagdarasal ng sama-sama sa mosque, ang mga Muslim ay maari rin magdasal kahit saan man, kagaya sa bukid, opisina, pabrika, at mga Universidad, basta ang lugar na pinagdadasalan ay malinis at nakaharap sa direksiyon ng makkah o Qibla.

New Mexico, sa Ustados Unidos
Ang pagtawag ng dasal Mula sa Abiquiu Mosque.

 

Ang pagsasalin sa pagtatawag ng Salah ay:

Ang Diyos ang pinakadakila, Ang Diyos ang pinakadakila
Ang Diyos ang pinakadakila, Ang Diyos ang pinakadakila
Ako ay sumasaksi na walang Diyos maliban sa Diyos
Ako ay sumasaksi na walang Diyos maliban sa Diyos
Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay ang sugo ng Diyos
Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay ang sugo ng Diyos
Halina at Mag dasal, Halina at Mag dasal,
Ang Diyos ang pinakadakila, Ang Diyos ang pinakadakila,
Walang ibang diyos maliban sa diyos

3. Ang Zakat

Ang zakat ang nag papanatili sa pag daloy ng salapi sa loob ng pamayanan, Sa Cairo.

Isa sa mga pinaka importanteng alituntunin sa Islam ay ang lahat ng bagay ay pagmamayari ng Diyos at samakatuwid ang kayamanan na pagmamayari ng mga tao ay pinagkatiwala lamang. Ang salitang zakat ay na ngangahulugan na paglilinis at paglago. Ang Ating mga ari-arian ay nagiging dalisay sa pamamagitan ng pag tabi ng parte nito para sa mga nangangailangan at kagaya ng pagputul ng mga sanga at dahon ng halaman, ang pagbabawas na ito ay nag babalanse at nanghihikayat ng bago pang paglago.

Ang bawat muslim ay nagkukwenta ng kanilang sariling zakat. Na kadalasan binabayad kada taon sa halagang dalawa at kalahating porciento ng isang puhunan.

Ang relihiyosong tao ay maari ring mag bigay hanggang sa kanyang naisin bilang sadaqah at mas mainam naito ay sekreto, Kahit na ang salitang ito ay pwedeng isalin bilang ‘Kusang loob na kawanggawa’ ito ay may malawak na kahulugan. Ang Propheta ay nagsabi Kahit man ang pagsalubong sa iyong kapatid na may maliwalas na mukha ay isang kawanggawa.

Ang Propheta ay nagsabi:

‘Ang kawanggawa ay kinakailangan sa bawat Muslim’ sya ay tinanong:’ Paano kung ang isang tao ay walang wala’,Ang Propheta ay nag sabi: ‘Kailangan nyang mag trabaho sa pamamagitan ng kanyang mga kamay, para sa kanyang pakinabang at atyaka mag bigay sa mga kita nito sa pag kakawang gawa’ Ang mga kasamahan nya ay nagtanong: ‘Paano kung hindi nya kayang makapag trabaho’ Ang Propheta ay nagsabi:’Kailangan nyang tulungan ang mahihirap at mga nangangailangan na tao ‘ Ang mga kasamahan nya ay nag tanung muli:’Paano kung hindi nya kayang gawin kahit nayun’ Ang sabi ng propheta:’Kailangan nyang hikayatin ang iba na gumawa ng mabuti.’ Ang kasamahan nya ay nag tanong:’Paano kung wala din sya noon?’ Ang sabi ng propheta:’Kailangan nyang tignan ang kanyang sarili mula sa pag gawa ng masama. Ito rin ay pagkakawanggawa.

4. Ang Pag-aayuno

Kada taon sa buwan ng Ramadan, lahat ng mga muslim ay nag aayuno, bago sumikat ang araw at bago ang paglubog nito, sila ay nag pipigil kumain , uminom at ang pakikipag-talik. Ang mga may karamdaman at matatanda o mga manlalakbay at mga nag-dadalang tao o nag papasuso ay pinapahintulutan na wag mag ayuno , at maari nila itong pag patuloy o bawiin pag sila ay nasa maganda kalusugan o may kakayahan na. Kung sila ay wala talagang kakayahan na gawin ito nararapat sa kanila na pakainin ang mga mahihirap kada araw na pagliban nito. Ang mga bata ay nag sisimulang mag-ayuno mula sa pag-bibinata o pag-dadalaga ,bagama’t ang iba ay nag sisimula ng mas maaga.

Bagama’t ang pag aayuno ay napaka kapakipakinabang sa kalusugan. Ito din ay itinuturing na pangunahin pamamaraan ng paglilinis ng sarili, sa pamamagitan ng pag iwan sa makamundong kaginawahan sa maikling panahon. Ang isang nag aayuno ay nagkakaloob ng tunay na simpatiya sa mga taong nagugutom at ito rin ay nagpapalago ng buhay pang esperitwal.

5. Paglalakbay sa Makkah (Hajj)

Ang mga namamanata ay nag darasal sa Mosque ng Masjid Alharam sa Makkah.

Ang taonan na paglalakbay sa Makkah(Hajj)- ay isang obligasyon para lamang sa mga may kakayahan pisikal at may pananalapi para isagawa ito, gayun paman, mahigit sa dalawang milyon katao ay nag tutungo sa Makkah kada taon mula saan man sulok ng mundo, nakakapagbigay ito ng kakaibang pagkakataon sa mga iba’t ibang nasyon. Na makapag sama-sama sa iisang lugar, bagama’t ang Makkah ay palagiang napupuno ng mga panauhin, ang taonang hajj na nag sisimula sa ika labing dalawang buwan ng taon ng islamiko,(na uukul sa lunar-buwan, at hindi solar–Araw). Kaya minsan ang Hajj at Ramadan ay nagsisimula minsan sa tag-init at minsan naman ay sa tag-lamig) Ang mga namamanata ay nag susuot ng especial na damit: simpleng pananamit(dalawang puting tela) kung saan nag lalayu sa pagkakaiba ng uri at kultura, kaya ang lahat ay pantay pantay na nakatindig sa harap ng Diyos.

Ang mga tent ng Pilgrim sa panahon ng Hajj.

Ang mga ritwal ng Hajj, nakung saan ay nag mula kay Abraham, kabilang dito ang pag-ikot sa ka’ba ng pitong beses at ang pag lakad papaikot sa pagitan ng bundok ng safa at marwa na kagaya ng ginawa ni Hagar(Asawa ni Abraham) ng siya ay nag hahanap ng makakain para sa anak na si Ismael. Pagkatapos ng ritwal na ito ang mga namamanata ay tatayo o mananatili sa arafa mag hapon, na kung saan sila ay mananalangin ng taimtim at hihingi ng kapatawaran sa diyos. Na kadalasan iniisip bilang pasulyap sa huling pag huhukom.

Sa mga nakalipas na siglo , Ang Hajj ay mapanganib isagawa. Sa ngayon,kahit papaano ang Saudi Arabia ay nakapag bigay sa mga milyon-milyon na panauhin, ng tubig, makabagong sasakyan at makabago at modernong pasilidad pang kalusugan.

Ang pag tatapos ng Hajj ay tanda ng pagdiriwang ng Eid al-Adha, na kung saan ay ipinagdiriwang ito na may dasal. At ang mga pamayanang muslim ay nag hahandog at nag papalitan ng mga regalo. Ang Eid al-fitr naman ay araw ng kapistahan sa pag-gugunita ng pagtatapus ng Ramadan. Itong dalawang kasiyahan na ito ay pangunahing kapistahan sa Kalendaryo ng mga Muslim.


Ang Islam ba ay nagpapahintulut sa ibang paniniwala?

Ang sabi sa Quran:

Ang Diyos ay hindi nagbabawal sa inyo, patungkol sa mga taong hindi kayu nilalabanan sa inyong paniniwala o hindi nila kayu pinapaalis sa inyong bahay. Na pakitunguhan sila ng maayus at maging makatarungan sa kanila. Ang Panginoon ay nag mamahal sa mga taong makatarungan.

(Quran 60:8)

Ito ang isa sa mga tungkulin sa batas pang islamiko, na protektahan ang karapatan ng mga minorya at dahil dito ang mga lugar dalanginan ng mga hindi muslim ay umunlad saan man sa bansang Islamiko. Ang kasaysayan ay nag-bigay ng maraming halimbawa sa mga muslim ng may pagtitimpi sa mga ibang paniniwala: Noong Si Khalifa Omar ay pumasok sa Jerusalem noon taong anim na daan at tatlongpu’t Apat(634), Ang islam ay nagkaloob ng kalayaan sa pagsasamba, sa lahat ng relihiyosong pamayanan ng lungsod.

Sa batas pang islamiko, pinapahintulutan din ang mga minoryang hindi muslim na mag tayo ng kanilang sariling hukuman, na nagpapatupad ng batas pang pamilya, na pinaburan naman ng mga minoridad.


Anu ang tingin ng mga Muslim kay Hesus?

Ang mga Muslim ay rumirespeto at gumagalang kay Hesus, sila rin ay nag hihintay sa kanyang pagdating. Sila ay nag tuturing sa kanya bilang isang pinakadakilang sugo sa sangkatauhan. Ang mga muslim ay hindi nag tutukoy sa kanya bilang simpleng Hesus, Bagkus sila ay palagiang nagda-dagdag ng katagang ‘Sumakanya ang kapayapaan’. Ang Quran ay nagpatunay ng kanyang kapanganakan(ang kabanata sa quran na may pamagat na ‘Maryam’) at si Marya ay itinuturing pinaka dalisay na babae sa lahat ng nilikha. Ang Quran ay naglalarawan sa kanyang pahayag:

Masdan mo! Sabi ng Anghel.’ Ang panginoon ay pinili ka at nilinis ka, hinirang ka sa lahat ng kababaihan sa lahat ng nasyon. O Marya, ang diyos ay nabibigay sa iyo ng magandang balita mula sa kanya, ang kanyang pangalan ay ang Messiah, Si Hesus anak ni Marya , pinarangalan dito sa mundo , at sa kabilang buhay. At isa sa mga nag palapit sa diyos. Sya ay magsasalita sa mga tao mula sa duyan at sa kanyang pag tanda sya ay magiging mabuting tao.

Sabi nya: O Aking panginoon! Paano ako magkakaroon ng anak. Kung walang lalake nakagalaw sa akin? Sabi nya: Kahit na; Ang diyos ay naglilikha kung anong naisin nya. Kapag itinakda nya ang isang bagay, ang sabi nya dito, “Maging!” at ito ay magiging’.

(Quran 3:42-47)

Si Hesus ay naipanganak ng mahimala sa pamamagitan ng magkaparehong kapangyarihan na nag bigay buhay kay Adan na walang ama:

Katotohanan, Ang kahalintulad ni Hesus sa Panginoon ay kasing tulad ni Adan. Na nilikha mula sa alabok. At sya’y nag sabi sa kanya ‘Maging’ at sya naging.

(Quran 3:59)

Noon sa kanyang misyon bilang propheta si Hesus ay gumawa ng napakaraming miraglo. Ang Quran ay nagsasabi sa atin na sinabi nya:

Ako ay naparito sa inyo na may tanda mula sa inyong panginoon: Ako ay gumawa mula sa putik, na kagaya noon, Ang anyo ng isang ibon at hinipan ko ito at sya’y naging isang ibon, sa pahintulut ng panginoon. At Ako ay nag-pagaling ng isang bulag, at may ketong, at Ako ay nag-pabangon sa patay sa pahintulut ng panginoon.

(Quran 3:49)

Ni hindi si Muhammad o si Hesus ang dumating upang baguhin ang pangunahing doktrina ng paniniwala sa nag-iisang diyos, na dinala ng mga naunang mga propheta, bagkus pinatotoo nya ito at binago ito.Sa Quran si Hesus ay naiulat na nag sabi na sya’y dumating:

Upang mag patunay sa batas na nakaraan sa akin. At upang gawin legal ang mga bagay na pinagbabawal sa inyo; Ako’y naparito sa inyo na may tanda mula sa inyong panginoon, Kaya katakutan nyo ang diyos at sumunod sa akin.

(Quran 3:50)

Ang Propheta Muhammad ay nag sabi:

Kung sino man ang maniwala na walang diyos maliban sa diyos ng nag-iisa na walang kasama, na si Muhammad ay kanyang sugo, na si Hesus ay tagapaglingkod at sugo ng diyos, at ang kanya (diyos) salita ay nahipan kay marya at ang espirito ay nanggaling sakanya, at ang paraiso at ang impiyerno ay totoo, at sya’y tatanggapin ng panginoon sa Langit.

(Hadith mula sa Bukhari)

Bakit ang Pamilya ay napaka importante sa mga Muslim?

Ang Pamilya ay ang pundasyon ng lipunang islamiko. Ang kapayapaan at seguridad na inaalok ng matatag na pamilya ay sadyang pinapahalagahan. At nakikita itong kinakailangan para sa paglago ng esperitwal ng mga membro nito. Ang magkakasundong kaayusan sosyal ay nagagawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kamag-anak, mga pamilya. Ang mga anak ay pinakaingat-ingatan at madalang silang lumayo sa bahay hanggang sila ay magpakasal.


Ang Tungkol sa kababaihang Muslim?

Sa Islam nakikita ang kababaihan, kasal man o hindi , bilang isang indibidwal na may sariling karapatan. Karapatan na mag karoon at magwaldas ng kanyang sariling pag mamayari o pananalapi. Ang dote(dowry) sa kasal ay binibigay ng lalake sa babae bilang gamit pang personal at ang babae ay nagpapanatili ng kanyang sariling apilyido imbis na sa asawang lalake.

Ang mga kalalakihan at kababaihan ay inaasahan na mag damit sa paraan na may pagka mahinhin at marangal; ang tradisyon ng mga babae sa pananamit ay makikita sa mga bansang muslim na kadalasan ay nag papahiwatig ng lokal na kinaugalian.

Ang Sugo ni Allah ay nagsabi:

Ang pinaka perpekto sa paniniwala ay yaong mga nananampalataya na may mabuting paguugali at mabait sa kanilang mga asawang babae;


Ang Isang Muslim ba ay maari magkaroon ng higit sa isang asawa?

Ang relihiyong Islam ay naihayag sa lahat ng mga pamayanan at sa lahat ng oras ito ay tumatanggap ng malawak na pagkakaibang sosyal sa pangangailangan. Sa mga pag kakataon, may karapatan ang pag-aasawang muli, ngunit dapat ito ay may kapahintulutan ng naunang asawa, Ayon sa Quran ang kondisyon ay dapat, ang asawang lalake ay patas sa lahat.


Ang kasal ba ng Muslim ay katulad ng kasal ng Kristyano?

Ang kasal ng Muslim ay hindi ‘Sakramento’, bagkus isang simple, at legal na kasunduaan, na kung saan, kahit alin man sa nag-iisang dibdib ay malayang mag dagdag sa mga Kondisyon. Ang kaugalian sa kasal ay may malaking pag-kakaiba sa iba’t ibang bansa, bilang resulta, ang diborsiyo ay hindi pangkaraniwan. Kahit na ito ay hindi pinagbabawal,bilang isang pagpipilian. Ayon sa Islam. Walang babaeng Muslim ang maaring ipakasal ng labag sa kanyang kagustuhan: ang kanyang mga magulang ang syang mag mumungkahi ng binatang lalake , na satingin nya’y nababagay sa kanya.


Paano ba pakitunguhan ng mga Muslim ang Matatanda?

Sa Mundong Islamiko walang tahanan para sa matatanda, Ang pagod sa pagaalaga sa isang magulang sa pinaka mahirap na oras ng kanilang buhay, ay itinuturing bilang karangalan at biyaya, at isang oppurtunidad, upang pagandahin at palawigin ang atin esperitwal, Nag utos ang diyos na hindi lang dapat natin ipag dasal ang ating mga magulang, bagkus, gumawa ng walang humpay na pagkaawa, na tandaan na noong tayu ay musmos pa at walang kamuwang-muwang na bata, mas pinipili nila tayu higit sa kanilang sarili. Ang mga Ina ay lalunang pinaparangalan; Ang Propheta ay nag turo na ang ‘Paraiso ay nasa pa’a ng kanyang Ina’ Pagka sila ay dumating sa katandaan, ang mga muslim na magulang ay pinapakitunguhan ng may awa, at may magkaparehong kabaitan at sakripisyo.

Sa Islam, ang paglilingkod sa isang magulang, ay isang tungkulin, pangalawa lamang sa pag darasal, at karapatan nila itong asahan. Itinuturing na kasuklamsuklam ang pag papahiwatig ng kahit anumang pag-kayamot o pag-kainis, kapag sila ay nangangailangan ng tulong, wala itong kamalian sa kanila, kapag ang matanda ay naging pasanin.

Ang sabi sa Quran:

’Ang inyong panginoon ay nag uutos sa inyo na sambahin sya wala ng iba, at maging mabait sa mga magulang, kapag sinu man sa kanila ang dumating sa katandaan sa inyo. Wag niyu silang pag salitaan ng masasakit na salita, bagkus pagsalitaan nyu sila ng salitang pag paparangal, at kagandahang loob. Pakitunguhan sila ng may kababaang loob, at sabihin, O aking Panginoon, kaawaan nyu sila, dahil sila ang nag aruga sa akin noon ako’y musmus palamang.

(Quran 17:23-24)

Paano ang tingin ng mga Muslim sa kamatayan?

Katulad ng Hudyo at Kristyano, Ang mga Muslim ay naniniwala na ang kasalukuyang buhay ay isang pagsubok lamang, bilang pag-hahanda sa susunod na tutuong buhay. Ang mga pangunahing artikolo ng paniniwala ay kabilang: Ang araw ng pag-huhukom,Araw ng pag-kabuhay, Langit at Impiyerno. Kapag ang isang Muslim ay pumanaw, Siya ay papaliguan,kadalasan ng kanyang mga Pamilya o kamag anak, at ito ay babalutin sa malinis at puting tela, at sya ay ibabaon na may kasamang dasal(Salatul Janazah)ito ay kaaya-ayang gawin sa magkaparehong araw ng pag-panaw sa loob ng dalawamput’ apat na oras, Ang mga Muslim ay itinuturing ito bilang huling paglilingkod na kanilang magagawa sa kanilang mga kamag anak. At ang pagkakataon na iala-ala ang maikling buhay nila sa mundo.

Ang propheta ay nagturo na mayroon tatlong bagay na maaring mag patuloy sa pag tulong sa isang tao kahit na sya’y pumanaw na; pagkakawang-gawa na ibinigay nya, ka’alaman na kanyang itinuro, at ang panalangin sa ngalan ng mabuting bata.


Anu ang sinasabi ng Islam Tungkol sa Digmaan?

Kagaya ng Kristyanismo, ang Islam ay nagpapahintulut sa paglaban bilang pagtatanggol sa sarili, pagtatanggol sa relihiyon o sa mga ibang taong pilit at puwersahan pinapaalis sa kanilang sariling mga tahanan.Ang Islam ay nagbigay ng mahigpit na patakaran sa pakikidigma kabilang dito ang pagbabawal laban sa pamiminsala o pananakit sa mga innosenteng sibilyan at laban sa pagsisira sa mga pananim, mga puno at mga alagang hayop.Bilang isang Muslim nakikita nila, na hindi makatarungan sa mundo, kapag ang mabubuting tao ay nag walang bahala at hindi handa na ilagay ang kanilang sarili sa panganib para sa mabuting kapakanan Ang Quran ay nagsabi:

Kayu ay lumaban sa kapakanan ng Dyos laban sa mga sino man na lumalaban sa inyo, Ngunit wag kayong lumampas sa hangganan. Ang diyos ay hindi nag mamahal sa mga suwail.

(Quran 2:190)

Kapag sila ay humingi ng kapayapaan, At inyo itong ibigay, At magtiwala sa diyos dahil sya ang pinaka nakaririnig at nakakaalam sa lahat ng bagay.

(Quran 8:61)

Ang Digmaan, Samakatuwid, ay huling pagpipilian , at ito ay sumasailalim sa mahigpit na mga kondisyon na inilatag ng sagradong batas. Ang katawagang ‘Jihad’ ay literal na kahulugan ay ‘Pakikibaka’ ,Ang pakikibaka sa kalooban, nakung saan ang bawat isa ay nakikibaka sa pansariling mga hangarin para isaalang-alang na marating ang panloob na kapayapaan.


Anu ang Tungkol sa Pagkain?

Kahit ito ay mas simple kaysa sa batas ng pagkain na sinusunod ng mga Hudyo at ng mga sinaunang mga Kristyano, Ang alituntunin na sinusunod ng mga muslim ay ang pagbabawal ng pag kunsumo ng karne ng baboy o ng kahit anung uri ng inumin nakakalasing, Ang propheta ay nag turo ‘Ang inyong katawan ay may karapatan sa inyo’ at ang pag kunsumo ng mga masusustansyang pagkain at ang pag hantong sa malusog na klasing buhay ay nakikita bilang isang obligasyon.

Ang propheta ay nag sabi:

’Hingin nyo sa diyos ang katiyakan[Ng paniniwala] at ng kalusugan; Dahil sa pag katapos ng katiyakan, walang sino man ang makapagbibigay ng kahit anung regalo na mas mainam kaysa sa kalusugan’.


Paano ginagarantya ng Islam ang Karapatang Pangtao?

Ang kalayaan ng Konsensya ay nailatag ng Quran mismo:’ Walang pamimilit sa relihiyon’.

(Quran 2:256)

Ang buhay at ari-arian ng lahat ng mga mamamayan sa bansang islamiko ay itinuturing sagrado kahit man ikaw ay isang taong muslim o hindi, ang Quran ay nagsasabi ang pagkapantay-pantay ng tao sa sumusunod na salita:

O Sangkatauhan. Kami ay naglikha mula sa isang kaluluwa, ng lalake at babae at ginawa naming kayu sa mga nasyon at tribo, Upang kayu ay mag kakilala sa isa’t isa, katotohanan, ang pinaka marangal sa inyo sa mata ng diyos ay ang pinakadakila sa inyo sa pagiging banal, Ang diyos ay nakaaalam ng lahat, at nakakabatid sa lahat.

(Quran 49:13)

Ang Islam sa Estados Unidos?

Mosque sa New Mexico. Ustados Unidos

Hindi kapanipaniwala ang lahatin tungkol sa mga Muslim na Amerikano: mga yumakap sa islam,Dayuhan,Manggagawa sa pabrika,Manggagamot,O lahat ng mga nag aambag sa kinabukasan ng Amerika, Itong napaka lawak na Kommunidad, ay nagkakaisa sa kanilang pangkaraniwang paniniwala , Ito din ay napapalakas sa pamamagitan ng mga laganap na libo libong mosque.

Ang mga Muslim ang naunang dumating sa Hilagang Amerika, sa labing walong siglo meron sa kanila ang nasa maraming libo. Sila ay nag trabaho bilang, alipin sa mga pataniman, Itong mga naunang Kommunidad, ay naputol mula sa kanilang nakagisnan at mga pamilya.at naglaho din ang kanilang pagkakakilanlan pang islamiko habang umuusad ang panahon. Sa ngayon maraming Afrikano- Amerikanong Muslim ang may importanteng tungkulin sa mga Kommunidad ng mga Muslim.

Ang Centro ng Kulturang Islamiko, sa Washinton DC.

Sa ika labing syam na siglo, kahit papaano, nakita ang simula ng pag dasa ng mga Arabong Muslim, Karamihan sa kanila, ay nanirahan sa malaking centro ng industriya, kung saan sila ay sumasamba sa loob ng paupahang kwarto. Bago sa ika dalawampung Siglo, nasaksihan ang pag dating ng napakaraming daang libong mga muslim mula sa silangan europa; Ang Unang Albanian Mosque ay binuksan sa Maine sa taon 1915; ang iba ay sumunud din, ang mga ibang pangkat ng mga Muslim mula sa Poland ay nag bukas rin ng mosque sa Brooklyn sa taong 1928.

Sa 1947 ang Washington Islamic center ay naitatag noong unang termino ni Presidente Truman at napakaraming organisasyon sa buong bansa ang nag tatag nito sa 1950. Ang kaparehong kapanahunan, na nakita ang pagsi-tayuan sa iba pang mga Kommunidad, kung saan ang kanilang pamumuhay ay Modelo pagkatapos ng Islam, Sa mga kamakailan lang, maraming mga miyembro ng mga pangkat na ito ang nagsipasukan sa ‘pagsasang ayon sa muslim’. Sa ngayon may mahigit na limang milyon na mga muslim ang nasa Amerika.


Ang Mundo ng Muslim

Ang bakuran ng ‘Great Mosque’,
Herat, sa Afghanistan.

Ang Populasyon ng Muslim sa buong mundo ay nasa hanggang isang bilyon. 30% ng mga muslim ay naninirahan sa mga kontinenteng Indiano, at 20% ay sa Sub- Saharan Afrika, ang 17% sa timog-kanluran ng Asiya, 18% sa bansang Arabo, 10% sa Russia at China. Turkey, Iran, Afghanistan ay binubuo ng 10% na hindi-Arabo sa Gitnang Silangan.Kahit mayroon minorya Muslim halos saan mang lugar, kabilang ang Latin Amerika at Australia. Mayroon din marami sa kanila ay nasa Russia, India, sa Sentro ng Africa. At Mayroon limang milyong mga muslim sa Ustados Unidos.

O Sangkatauhan. Kami ay naglikha mula sa isang kaluluwa, ng lalake at babae at ginawa naming kayu sa mga nasyon at tribo, upang kayu ay mag kakilala sa isa’t isa, katotohanan, ang pinaka marangal sa inyo sa mata ng diyos ay ang pinakadakila sa inyo sa pagiging banal, Ang diyos ay nakaaalam ng lahat, at nakakabatid sa lahat.

(Quran 49:13)
Mosque ng Universidad ng Al Azhar Centro ng pagaaral noon 969 AD.
Iran | Mali
Al Khulafa Al Rashidin Mosque –
Asmara Eritrea.
Shibam, Hadramout, Yemen
(Ang Lupain ng Reyna Sheiba).