Pangunahing mga Paniniwala sa Islam
Ang Shariah ng Islamiko (Batas ng Islam)
Ang Pinapahintulutan at Ang Hindi-Pinahihintulutan sa Islam
Mga tradisyon na nagiging sagabal sa Islam
Kahulugan ng Islam
Ang kahulugan ng Islam ay ang pagsuko sa mga kautusan at kagustuhan ng nag iisang Diyos (Allah). Ang pagsuko ay dapat magaling sa sariling kalooban, mula sa tamang paniniwala at pananalig kay Allah, na walang pag aalinlangan, ito din ay dapat magaling mula sa pagmamahal,pagtitiwala at pagkahumaling.
Si Allah ay hindi espesyal na panginoon para lamang sa mga Muslim, bagkus si Allah ang Diyos at ang Tagapaglikha ng lahat, kabilang dito ang sangkatauhan.
Si Propheta Mohammad (Sumakanya ang Kapayapaan)ay ang sugo ni Allah. Si Propheta Mohammad(sumakanya ang kapayapaan) ay nakatanggap ng mga salita(Rebelasyon) sa pamamagitan ni Arkanghel Gabriel(Anghel na naatasan para sa pagpapahayag ng rebelasyon at ang pinaka pinuno ng lahat ng Anghel). Ang rebelasyon na ito ay binubuo ng Relihiyong Islam.
Ang Quran ay ang tunay na koleksyon ng mga rebelasyon na naitala sa anyong aklat. Ito ang eksakto at walang pag babago na salita ni Allah para sa Sangkatauhan.
Ang isang Muslim kahit man isa syang lalake at babae na naniniwala kay Allah at kay Propheta Mohammad(Sumakanya ang Kapayapaan) bilang kanyang Sugo at sya ay nagpapatotoo sa paniniwalang iyon at pagsasaksi sa pag papahayag ng pag tanggap sa Islam bilang kanyang relihiyon.Ang’Muslim’ ay hindi dapat pagkamalan na isang’Arabo’; ang isang muslim ay isang tao na sumusunod sa rehiliyong islam at maari syang manggaling kahit saan man lahi at habang ang Arabo ay tumutukoy sa lahi, Ang isang arabo ay maaring pumili ng kahit anong relihiyon o systema ng paniniwala maging ito ay Kristyanismo, Islam, Budhismo,Hinduismo,Ateismo o kahit anong paniniwala. Ang mga Arabo ay binubuo ng mahigit kumulang labing walong porciento(18%)ng populasyong muslim sa Daigdig ngayon, kung saan tinatanya na maging mahigit isa at limang pangkalahatan na populasyon ng Mundo. O mahigit isang bilyon na tao.
Ang Islam ay simple at praktikal na relihiyon. Ito ay nagtatag ng malinaw at madaling unawain na paniniwala at batas na kahit sino mang tagasunod o studyante ng relihiyong islam ay madali itong intindihin.Ang Islam ay nag patibay ng decente at sibilisadong lipunan. Ang Islam din ay hindi nag didikta ng napaka sobrang kabutihan sa kanyang mga tagasunod, bagkus tinatanggap nito na lahat ng tao ay nakakagawa ng kamalian at kasalanan. Wala ang sino man ang hindi kasama.
Ang Islam ay nangangaral ng kapayapaan, awa, katarungan, pagtitimpi, pagkapantay-pantay, pagmamahal, pagkatotoo, kapatawaran, pagtitiis, moralidad, sinseridad at pagiging mabuti.
Pangunahing mga Paniniwala sa Islam
Kaisahan ng Diyos:”Tawheed”
Ang mga Muslim ay naniniwala na mayroon lamang nag iisang kataas-taasang Diyos(Allah). Sa Islam ang maniwala kay Allah ay hindi lamang maniwala sa Pagkakaroon ni Allah(Diyos) bagkus pati narin ang paniniwala sa lahat ng katangian ni Allah, sa pag-samba sa kanya ng nag-iisa, at ang pagsunod sa lahat ng kanyang pinaguutos. Ang Tawheed ay kabilang ang kaisahan ng pag kapanginoon,at kaisahan ng pagsamba, at kaisahan ng mga Pangalan at mga Katangian:
A) Ang Kaisahan ng pagkapanginoon: Na maniwala na si Allah lang ang tagapaglikha at tagapagtustos at Ang tagapag-utos.
B) Ang Kaisahan ng Pagsamba: Na maniwala na si Allah lang ang panginoon, na dapat sambahin at sundin sa kagaya ng pinag uutos nya.
C) Ang Kaisahan ng Pangalan at Katangian ni Allah: Na maniwala na si Allah ay perpekto at ang kanyang mga pangalan at katangian ay perpekto ayon sa sinabi ni Allah sa atin tungkol sa kanyang sarili sa Quran, na ang maniwala na ang lahat ng mga Pangalan nayun at mga katangian, at ang pag kaperpekto nito , ay pag-mamayari lamang ni Allah.
◊ Ang Muslim ay naniniwala na walang kabahagi ang pagkadiyos ni Allah kahit man ang Anghel o Tao.
Si Allah ay nagsabi”at si Allah ay walang kabahagi sa kanyang pagpapasya at ng kanyang pamamahala.
(Banal na Quran 18:26)
◊ Ang mga Muslim ay hindi naniniwala na si Allah ay natutulog,napapagod o namamatay. Yoong mga katangian na iyon ay para lamang sa kanyang mga nilikha. Si Allah ay walang kahit man na kahinaan o kapaguran.
◊ Ang mga Muslim ay hindi naniniwala na ang mga tao ay nilikha mula sa imahe ni Allah.
◊ Ang mga Muslim ay naniniwala na walang tagapamagitan na mag papalapit kay Allah o manawagan at humiling sa ngalan nino man.Sila ay naniniwala na kahit sinong indibidwal ay maaring manalangin kay Allah ng kahit anoman ang kanyang hilingin at gustuhin.
Kaisahan ng Sangkatauhan
◊ Ang Tao ay nilikha ng pantay-pantay sa mata ni Allah. Walang sino man ang nakakataas nino man sa iba sa kahit anong dahilan maliban sa pagkabanal at pagkamakatwiran.Ang mga Muslim ay kinakailangan rumispeto ng dangal o dignidad ng sangkatauhan. Hindi mahalaga kung anumang Relihiyon, Lipi , Lahi o Lugar ng kapanganakan, Ang lahat ng sangkatauhan ay pinaparangalan.
◊ Ang Tao ay hindi dapat husgahan sa mga dahilan na wala silang kagustuhan, kagaya ng kasarian, kulay, laki, lahi, kalusugan, atbp. Ang Islam ay nag tuturo sa pag-kakaiba ng tao at ito ay tanda ng kasaganaan sa Awa ni Allah at ng Kagandahan ng kanyang nilikha. Ang Propheta Muhammad ay nagsabi:”Kasiguraduhan, si Allah ay hindi tumitingin sa inyong mga anyo at hubog ng inyong mga katawan, bagkus sya ay nag mamasid sa inyong mga puso at inyong mga gawa”.
◊ Sa Islam walang pari, pagkapari o banal na tao at wala ang mayroon espesyal na tungkulin para sa paggamit ng mga sacramento, gayun pa man mayroong mga Scholar na maalam sa Islam at ang kanilang tungkulin ay ang makatotohanan na pagpapaliwanag ng Islam sa iba. Ngunit sila ay isa lamang mga tagapayo.
◊ Ang Islam ay nag tuturo sa tao na maging katamtaman sa kanilang buhay. Ang mga Muslim ay hindi dapat isuko ng buongbuo ang buhay na ito para sa kabilang buhay o isuko ang kanilang gawain para sa kabilang buhay para lamang sa buhay na ito.
Kaisahan ng Mensahe
Ang mga muslim ay naniniwala na si Allah ay nag padala ng mga sugo at propheta para sa bawat nasyon sa buong kasaysayan ng sangkatauhan. Ang mga Propheta ay may dala-dalang mag kakaparehong mensahe: na Sambahin ang kataas-taasang Diyos at sundin ang kanyang mga kautusan.
Ang Pagka-innosente ng Sangkatauhan sa Kapanganakan. Ang mga Muslim ay naniniwala na ang mga tao ay naipanganak ng walang anu man kasalanan at walang sinu man ang may responsibilidad sa mga pag-kakamali o kasalanan ng iba. Ito lang ay katanggap-tanggap kung sila ay umabut na sa edad ng pag dadalaga o pag bibinata, kung saan sila ay may malay na sa pag gawa ng kasalanan at sila ay may pananagutan sa kanilang mga gawa dito sa mundo at sa kabilang buhay.
Walang Orihinal na kasalanan sa Islam. Ang mga Muslim ay naniniwala na si Adan at Eva ay parehong na tukso sa pag-gawa ng kasalanan at silang pareho ay may responsibilidad dito sa pagsuway kay Allah. Silang pareho ay nagsisi ng taos puso at sila ay humingi na kapatawaran kay Allah, at silang pareho ay pinatawad ni Allah.
Ang mga Muslim ay naniniwala na walang kaluluwa ang responsable sa kasalanan at pagkakamali ng iba, bagkus ang mga maysala lamang, kahit man sya ay kanilang mga Magulang, mga Anak , mga asawang babae o asawang lalake ang mga may pananagutan nito.
Ang mga Muslim ay naniniwala na ang kapatawaran ay palagiang nariyan sa pamamagitan ng pagsisisi. Ang mga muslim ay nagdarasal upang humingi ng kapatawaran mula kay Allah ng Direkta . ng walang kahit anuman tagapamagitan
Ang kaligtasan sa Islam ay sa pamamagitan lamang sa paniniwala at gawain. Magkapareho silang mag kasama at mag-kaagapay. Upang magkaloob ng kaligtasan.
Mga Haligi ng Islam
Mayroong limang haligi ang Islam
- Shahada (Pag-saksi)
- Salah (Pag-darasal)
- Seyam (Pag-aayuno)
- Zakat (Pagkakawang-gawa)
- Hajj (Pag-lalakbay sa makkah)
Shahada (Pag-saksi)
Ang salita ng pangako at nangangako na walang diyos maliban kay Allah at si Muhammad ay sugo ng Allah.
Pindutin ito upang mapanood ang video.
Salah (Sapilitan na Pag-samba[Pag-darasal])
Ito ay tungkulin ng bawat muslim. Lalaki o babae, pagkatapus umabot sa edad ng pagbibinata o pagdadalaga, na magsagawa ng limang Salat(Pagdarasal) sa takdang oras sa araw at gabi, ang mga Ito ay isinasagawa sa: Madaling Araw, Tanghali, Hapon, Bago Lumubog ang Araw at sa Gabi. Ang ritwal na tinatawag na Wudu(Ang paglilinis ng ibat-ibang bahagi ng katawan na may malinis na tubig)ay kinakailangan sa lahat ng oras ng Salat. Ito ay importanteng gawin bago magsagawa ng salah at kung wala nito ang salah ng isang tao ay hindi katanggap-tanggap.
Ang Litrato sa itaas ay isang “Raka’a isang Kompletong pagkasunod-sunod, na pagtindig, pagyuko, pagtitirapa at pag upo sa sahig, Ang bawat salah ay binubuo ng mga ilang Raka’a. Ang mga muslim ay lubos na hinihikayat na mag dasal(Salah) sa masjid(Mosque), ngunit kapag ito ay hindi nila magawa, maari rin silang mag dasal kahit saan man lugar na malinis,at ang mga muslim ay hindi maaring magdasal sa mga maduduming lugar kagaya ng banyo, kusina atbp.
Seyam (Pag-Aayuno)
Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan(sa ika syam na buwan ng kalendaryong muslim na tinatawag ng lunar(buwan) ng kalendaryo) ay nagsisimula bago sumikat ang araw at matatapos sa paglubog nito, At ito ay obligasyon ng bawat muslim na nasa malusog na pangangatawan at nasa tamang edad. Ang pag-aayuno ay ang lubos na pagpipigil at pag-iwas sa pagkain, pag-inom,paninigarilyo, pag-nguya ng chewing gum, pakikipag-talik o pagnanasang sexual at ang pagpapalabas ng punlay at ano mang bagay na maaring pumasok sa katawan sa pamamagitan ng bibig, at ang pag injection.At kung ang isang tao ay may sakit at kinakailangan nyang inumin ang kanyang mga gamut sya ay maaring hindi mag ayuno at bawiin ito sa ibang mga araw, pag sya ay magaling na.Ang mga tao naman na wala talagang kakayahan gawin ito dahil sa katandaan o may karamdaman na nakakasama sa kanila ang hindi pagkain nararapat sa kanila na mag pakain ng mahihirap kada araw ng pagliban sa pagaayuno.Ang mga kababaihan na nagdadalang tao, may regla o nagpapasuso o sino man ang nag lalakbay ay maari rin ipag-paliban ang pag aayuno.Ang pag-aayuno din ay isang panahon upang disiplinahin ang sarili mula sa masasamang pag-uugali kagaya ng pakikipag talo ,pagmumura at pagsasabi ng masasamang salita.
Zakat (Pag-kakawang gawa)
Ang zakat ay taonan ginagawa at ito ay sapilitan na pagkakawang gawa ng bawat muslim, lalake o babae na mayroon mga ari-arian o pera sa nakaraang taon at umabot nato sa tinatawag na nisab ang porciento sa nakaraang kita mula sa trabaho , negosyo o anu paman. Ang kinakailangan na ibagay ng isang muslim ay 2.5% mula sa sobrang kita.upang ipamigay sa mahihirap bilang pagkain kagaya ng bigas, o kahit pera.
Hajj (Pamamanata)
Ang pagsasagawa ng hajj sa Makkah, Saudi Arabia, ay kinakailangan kahit isang beses man sa buong buhay ng bawat muslim. Kung sya ay may sapat na pananalapi at may kakayahan syang isagawa ito. Ang hajj ay nag sisimula sa bawat taon ng buwan ng Dul Hijjah; Ang Dul Hijjah ay ang pang labing dalawang buwan sa kalendaryong Muslim o tinatawag na Lunar(Buwan). Ang Hajj ay isang paglalakbay na esperitwal kung saan ang isang muslim ay nagagawang makalimutan ang lahat ng makamundong bagay at isinaalang- alang ang kanyang debosyon para lamang kay Allah.
Mga Haligi ng Pananampalataya
Sa Islam, ay mayroon anim na haligi ng pananampalataya; Paniniwala kay Allah, Sa kanyang mga Anghel, Sa kanyang mga banal ng aklat para sa sangkatauhan, Sa kanyang mga Sugo at Propheta, sa Araw ng paghuhukom at Tadhana.
1. Paniniwala sa Diyos(Allah)
Ang Islam ay nag tuturo na mayroon lamang nag Iisa at walang katulad na Diyos(Allah) na nararapat sambahin at sundin.
2. Paniniwala sa mga Anghel
Ang mga Muslim ay naniniwala na si Allah ay lumikha ng mga nilalang na hindi nakikita kagaya ng mga Anghel .Ang mga Muslim ay naniniwala din sa pagkakaroon nila, sa kanilang pangalan , tungkulin , gawain at pag lalarawan sa kanila kagaya ng naipaliwanag sa Quran at sa Sunnah(Mga katuruan ni Propheta Mohammad).
3. Paniniwala sa mga aklat ni Allah
Ang mga muslim ay naniniwala kay Allah mula sa naipahayag na Aklat para sa sangkatauhan sa pamamagitan ng kanyang mga Propheta. Ang mga Aklat na ito ay nag mula sa magkaparehong banal na pinagmulan; silang lahat ay may banal na kapahayagan. Ang mga Muslim ay naniniwala sa tunay na nakasulat sa mga aklat na ito noong sila ay naipahayag. Ang mga kilalang banal na Aklat ay:1)Banal na Aklat ni Abraham;2)Zabur(Psalms)naipahayag kay Propheta David;3) Tawrah(Torah)naipahayag kay Propheta Moses; 4)Injil(Ebanghelyo) naipahayag kay Propheta Hesus; 5) Quran naipahayag kay Propheta Muhammad.
4. Paniniwala sa mga Propheta ni Allah
Ang mga muslim ay naniniwala na si Allah ay nagpadala ng mga Propheta sa sangkatauhan bilang mensahero upang sila’y magabayan. Ang mga Muslim ay naniniwala sa pagkakaroon nila, ang kanilang pangalan, at ng kanilang mga mensahe dahil si Allah at ng kanyang propheta ay nagpa-alam nito sa kanila. Lahat sila ay mabubuti,tapat at banal na tao na pinili ni Allah upang maging ihemplo para sa sangkatauhan. Ang lahat ng kanilang mga salita at mga gawa ay nauukol sa banal ng kautusan.
5. Paniniwala sa Araw ng pag huhukom(Araw ng Paghuhukom)
Ang mga Muslim ay naniniwala na ang buhay dito sa mundo at ng lahat na napapaloob dito ay darating din ang kanilang katapusan sa itinakdang panahon. Kapag ang lahat ay nawasak. Ang Araw na ito ang lahat ay babangon mula sa libingan; Si Allah ang manghuhusga na may perpektong katarungan bawat tao at ito ay huhusgahan ayon sa kanyang mga mabubuti at masasamang gawa na kanyang nagawa noong sya ay nabubuhay, at bawat biktima ay mapapa sa kanya ang kanyang karapatan. At si Allah ay mag gagantipala sa sino man nanguna sa paggawa ng mabuti dito sa buhay at sila ay papapasukin sa Paraiso(Jannah). Si Allah ay nagpapatawad kong sino man ang kanyang naisin na patawarin mula sa mga taong nag suway sa kanyang mga kautusan o maari rin silang parusahan kung ito ay kanyang ninais-nais.
6. Qada wal-Qadar(Tadhana ng Diyos)
Ang mga Muslim ay naniniwala ng dahil ang buong daigdig ay lahat suma sailalim sa paguutos at pamamahala ni Allah. At ang lahat ng mga nangyayari dito sa daigdig mula sa pinaka maliit at sa mga pinakamalaking pangyayari ay pinamamahalaan ni Allah. Ang mga Muslim ay nagtitiwala kay Allah lamang. Gayun paman ang pagsasagawa ng taus pusong pagsusumikap at gawin ang kanilang makakaya at galing ay kinakailangan parin. At hindi lang simpleng umupo at hayaan ang mga baga-bagay na mangyari ng kusa. Ang mga paniniwalang ito ay nagbibigay sa isang tao ng matinding antas ng panloob na katiyakan, Tiwala sa sarili ,kapayapaan ng puso. At lalung laluna sa Oras ng kapighatian. Pati narin sya ay nabubuhay na may kasiguraduhan na kung anuman ang dumating sa kahit sino mang indibidwal ay ito’y kagustuhan ng makapangyarihang Diyos(Allah)kabilang dito ang kamatayan, at ang kamatayan ay hindi mabibigo ang pagdating, nito pag dumating na ang kanyang itinakdang Oras.
Ang Shariah ng Islamiko (Batas ng Islam)
Ang Shariah ay banal na alituntunin ng kaugalian na gumagabay sa isang muslim sa lahat ng nangyayari sa kanyang buhay. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi:Ebadat(systema na pagsamba), at Muamalat(systema ng pangangalakal pang ekonomiya at pakikitungo).Ang pangunahing pinagkukunan sa pamamahala ng lahat ng batas sa Islam ay dalawang pinag-mulan:Ang una ay ang Quran, ang aklat ni Allah at ang pangalawa ay ang Sunnah mga tunay na naiulat na mga sinabi, ginawa, kaugalian, at tradisyon ni Propheta mohammad at pati narin kung ano man ang sinabi ng kanyang kasama o tagasunod na walang bakas na pagtatanggi.
Ang Pinapahitulutan at Ang Hindi-Pinahihintulutan sa Islam
Ang pangunahing batas na may kinalaman sa paksa ng mga pinapahintulutan at hindi-pinapahintulutan ay ang lahat na mga bagay ay pinapahintulutan kapag ito ay nagmula sa mga batas pang Islamiko, kung hindi naman ito na aayon sa nabangit na pinapahintulutan sa batas pang islamiko ay napapabilang ito sa mga hindi-pinapahintulutan. Sa Islam pinag babawal ang pag-inom ng unumin nakakalasing.pag gamit ng mga pinagbabawal na gamut, at lahat ng mga Imoral na Gawain kagaya ng pangangalunya, at ang pakikipag talik ng hindi pa kasal at lahat ng iba pang pinagbabawal sa batas ng Islam. Pinag babawal din ang pag kain ng karne ng baboy. Mga mababangis na hayop at lahat ng patay na hayop na hindi nakatay. At pinagbabawal din ang pagkain ng dugo ng kahit anu mang hayop. Sa islam kaaya-ayang katayin ang hayop na hindi nila ito nararamdaman o sila ay hindi nahihirapan, kaya hinihikayat sa Islam ang paggamit ng matatalim na kagamitan sa pag katay sa mga hayop.
Digmaan
Ang Digmaan ay hindi layunin ng Islam o kahit ng mga muslim, ito ay maaring isagawa lamang bilang huling pagpipilian at ito dapat ay sumasailalim sa pinaka hindi-pangkaraniwang pangyayari, kapag ang lahat ng pagtatangkang ayusin ang lahat ng makatarungan at mapayapang solusyon sa mga hidwaan, ay nabigo. Sa Islam ang lahat ng tao ay may karapatan na matamasa ang malaya at mapayapang buhay, kahit anumang relihiyon, heograpiko o pangkat ng lahi. Kapag ang hindi-muslim ay naninirahan ng mapayapa o maski walang interes sa mga muslim. Walang parin karapatan o katwiran na mag hayag ng pakikidigma sa kanila o mag simula silang labanan, pumasok sa isang pagkilos ng pagsalakay, o lumalabag sa kanilang mga karapatan.
Jihad
Sa Islam, Ang Jihad ay hindi nangangahulugan na ‘Banal na Digmaan’ at hindi ito isang pag papahayag ng digmaan laban sa ibang mga relihiyon at tunay na hindi laban sa mga Kristyano at mga Hudyo, kagaya ng inaakala ng mga ibang tao.Ang Jihad sa literal na kahulugan”Pakikibaka” pakikibaka o ang pag susumikap ng husto para sa pagpapabuti ng sarili at ng kommunidad” mayroong itong panloob ,panlipunan at panlaban na aspeto.
Ang panloob na aspeto ng Jihad ay sumasaklaw sa pakikibaka laban sa masamang kagustuhan ng sarili; at napapaloob sa bawat pagsisigasig ng bawat muslim, at moral na pasusumikap upang mapigilan ang lahat ng panloob at panlabas ng kagustuhan sa pag gawa ng kasalanan at lahat ng uri nito. At kabilang dito ang pagsusumikap na masupil ang problema ,kahirapan , Gawain at mga tukso.
Ang panlipunang aspeto kabilang dito ang pagsusumikap laban sa mga kawalan katarungan panlipunan at paggawa ng pagkakakilanlan base sa pagkakawang gawa, respeto at pagkapantay-pantay. Ito din ay nagtatawag sa mga tao sa Kommunidad na manghikayat ng paggawa ng mabuti at magbawal ng masama.
Panghuli, ang pakikipaglaban na aspeto ng Jihad ay nasa anyo ng makatarungan na Digmaan upang gamitin laban sa pagsalakay o sa pag tatanggol laban sa mga pwersa ng kalupitan at masamang pang-aapi, at pati narin ang pagsunod sa mahigpit na limitasyon ng paguugali na inatas ng Islam na nag proprotekta at nangangalaga sa buhay ng mga innosenteng tao at ang kabanalan ng kapaligiran.
Ang Islam ay hindi-tumatanggap ng kahit anu mang uri ng terrorismo,pagmamalabis, o panatismo,pundamentalismo. Ang relihiyong Islam ay nag gagarantya sa kabanalan ng Buhay(Ang buhay ng mga hindi-Muslim ay itinuturing kasing sagrado na kagaya ng mga Muslim), ang dangal,ari-arian at kalayaan upang pumasok o umakap at gawin ang kahit anu mang relihiyon na kanilang piliin. At lahat ng ibang pag-uugali basta itong pag uugaling ito ay hindi nakakasakit ng iba, Ang pananakot sa tao o ang pagkalat ng takot kahit sa anumang lipunan at pananakit sa iba; ay itinuturing na napakalaking kasalanan sa Islam; si Allah ay nagpataw ng matinding kaparusahan sa sino mang masangkot sa mga ganitong mga Gawain.
Kababaihan sa Islam
Ang Tingin ng Islam sa mga babae ay pantay-pantay, na nasa tamang edad,at may kakayahan maging kabiyak ng lalake, kung wala ang sino man sa kanila ang Pamilya ay hindi mananatili, Ang Islam ay nag tuturo na ang mga kalalakihan at kababaihan ay lahat ay nilikha ni Allah, at sila ay may pantay-pantay na pag-papahalaga.
Sa Islam ang kasal ay hindi mangyayari maliban nalang kung ang babae ay may malayang pagdedesisyon at sya ay may kagustuhan nito. Ang Dote(Dowry) ay ibinibigay sa babae. Ang islam ay nagbibigay ng importansya sa mga lalaking asawa at mga babaeng asawa. Ang responsibilidad na mag sustento sa pangangailangan ng Pamilya ay obligasyon ng lalake habang ang resposibilidad naman sa pangangasiwa ng bahay at pagaaruga sa pagpapalaki ng mga anak ay nasa babae. Ito ang mga pangunahing prayoridad. Ngunit ang pakikipagtulungan sa pagitan ng mag-asawa ay kinakailangan at binibigyan ng mataas na pagpapahalaga.
Pananamit
Para sa mga lalake at babae , Sa islam kinakailangan ang pagsusuot nila ng tamang pananamit may pag-kadesente, pagkamahinhin at malinis ang damit.
Ang Muslim na kababaihan ay pinagutusan din ni Allah ayon sa Quran na mag suot ng katamtamang Hijab(Pagbalot sa buong katawan).Sa bahay na Kapag sila ay kasama ng kanilang mga kamag anak kagaya ng kanyang mga anak,mga kapatid,tiyuhin, mga lolo at iba pang lalake(Mga membro ng mga pamilya na hindi sila pwedeng pakasalan) at kasama ng ibang mga kababaihan. Ang Muslim na babae ay malaya sa pagpapaganda ng kanyang sarili kung anuman ang kanyang naisin.
Ang mga hindi pinapahintulut na mga pananamit at dekorasyon sa kababaihan ay:
Masisikip na pananamit,naaaninag ang panloob na katawan o hugis nito, ang mga damit na maaring lumabas ang ibang bahagi na katawan na maaring kaakit-akit at nakakapukaw ng pagnanasang sexual ,pagpapabango na maaring makaakit ng mga ibang tao sa publikong lugar at humantong sa hindi kanais-nais na pangyayari, peluka, artipisyal na piraso na buhok, ngunit ang Ginto,Sutla ay pinagbabawal lamang sa lalaki pero pinapahintulut sa Babae.
Sa pangkalahatan, sa Islam, Ang kagandahan ng kababaihan ay hindi para ipakita sa publiko.
Mga tradisyon na nagiging sagabal sa Islam
Ang Pagsunod sa Islam(kagaya ng ibang mga relihiyon) ay nagkakaiba ang lakas ng pananampalataya ng tao. Minsan ang Kultura at tradisyon ay nagiging sagabal sa relihiyon o kahit na nakahihigit pa sa relihiyon. Ang ibang mga tao ay nagaakin na ang kanilang kultura at tradisyon ay bahagi ng kanilang relihiyon, kahit na ito’y hindi o gumagawa ng mga bagay na walang katwiran sa Islam at pinag babawal; gayon din ay inilalarawan nila sa iba na ito ay kabilang sa turo ng relihiyong Islam.
Patinarin ang paniniwala at kagawian ng mga Muslim ay hindi dapat husgahan ayon sa mga paniniwala at batas ng ibang mga relihiyon dahil ang mga pinapahintulut na kagawian ng isang relihiyon ay maaring ipalabas ng ibang relihiyon bilang pinagbabawal or kahit na mali.
Minsan ang paguugali ng ibang mga tao ay maaring nakakasakit ng damdamin ng iba o kabaliktaran,sa kabila ng katotohanan na ang paguugaling ito ay hindi nangangahulugan na saktan ang damdamin ng iba, Halimbawa sa Islam, pinaguutusan ang mga muslim na ibaba ang kanilang pagtingin kapag sila ay nakikipag-usap sa tao bilang respeto at pagpaparangal sa kanila. Sa iba ito ay maaring makasakit ng damdamin sa ibang mga Kultura kung saan ang tinginan sa mata ay napaka importante sa pakikipag-usap.
Upang mamuhay ng mapayapa at may pagkakasundo sa mundong ito, dapat maunawaan ng isang tao , na ang mga tao ay nilikha na may pagkakaiba at ang pagkakaiba ng kulay ng balat, ng kanilang wika at ng kanilang relihiyon, kultura at tradisyon ay hindi dapat husgahan at laitin dahil wala silang kagustuhan sa pagkakaroon nito bagkus isipin na ang lahat ng yoon ay nagaling sa Diyos. Ang mga tao ay maaring iba-iba ngunit hindi ibig sabihin nito na sila ay salbahe o masama.