Ang Aking Di-kapani-paniwalang Pagkatuklas Ng Islam



Kamakailan lamang, may nagtanong sa akin kung paano ko narating ang lupi ng Islam. Ako ay nasindak at bahagyang nabigla. Di ko akalain na ang pagsali sa Islam ay isang kritikal na pagbabago. Kailan ko tinanong ang Katolisismo? Kailan ko unang ginusto maging isang Muslim? Ang mga kasagutan sa mga katanungang ito at sa iba pa ay nangangailangan ng masusing pag-iisip na di minsan sumaglit sa aking guni-guni. Para masagot ang mga katanungang ito, kailangan kong magsimula sa kauna-unahang yugto para inyong maunawaan kung saan ko nakamit ang buhay na naghikayat sa akin na tanggapin ng lubusan ang katotohanan ng Islam. Ako ay naging isang Muslim sa gulang na animnapu at pito (67), at nagpapasalamat ako na pinagpala niya akong maging isang taong lubos na naniniwala sa Islam.

“Kung sinuman ang kay Allah (sa kanyang plano) pitang gumabay, – Binubuksan Niya ang puso nila sa Islam; kung sinumang Kanyang pitang hayaang lumayo, – Kanyang isinasara ang puso at hinahapit, animong sila‘y dapat mangunyapit patungo sa langit: yan ang kaparusahan sa kanila na tumatangging maniwala.”

(Quran 6:125)

Ako ay lumaki sa sagradong tahanang Katoliko Romano, na gitnang anak na babae sa tatlong supling. Araw-araw ang aking ama ay nagtatrabaho nang husto at sa mahabang oras. Umaalis siya nang maaga sa araw-araw at uuwi na nang gabing-gabi. Ang lahat na ito para lamang ang aking ina ay manatili sa aming tahanan para alagaan ako at ang aking mga kapatid na babae. Isang malungkot at sawing araw nang sabihin ng aking ina na ang aming ama ay sinamang-palad na maaksidente sa sasakyan. Sa biglaang paglisan niya, ang aming mundo ay bumaligtad. Sa lahat ng mga pagbabago na aming pinagdaraanan, sinabi sa amin ng aming ina na nararapat na siyang bumalik sa kanyang hanapbuhay. Ang aking ina na minsan naging Nars, ay napilitang maghanapbuhay para kami ay maitaguyod. Nakakita siya ng hanapbuhay sa lokal na ospital, at maraming beses siyang nagtatrabaho ng dalawang rilyebo. Ngunit sa bagong hanap na responsibilidad, ang aking ina ay hindi na nasubaybayan ang pag-aalaga at pagpapalaki sa amin. Kahit na pinadala niya kami sa Katolikong eskuwelahan, ang kanyang hanapbuhay ang pumigil para kami lahat na anak niyang babae ay masubaybayan.

Kaya, sa pagkakaroon ng maraming oras na palilipasin, natagpuan ko ang sarili ko na gugulin ang oras sa aking mga kaibigan sa local na kapehan. Doon ko nakilala ang mabait na lalaking Muslim na di lumaon ay naging aking asawa. Walang kaalam-alam ang aking ina na sumasama ako sa lalaking ito. Sa katunayan, nang sabihin ko sa kanya na umiibig ako at nais na magpakasal, binalaan niya ako na kaming dalawa ay magka-iba ng pinagmulan at maaaring magkaroon ng maraming problema. Sinabi rin niya na, ang mga bata sa panahong hinaharap, ang mga problema tungkol relihiyon ay maaaring mabuo. Sa dalawampung taong gulang, di ko maisip na magkakaroon kami ng mga suliranin tungkol sa relihiyon. Ako ay labis na nagmamahal at sobrang saya ang nararamdaman ko na may isang nilalang na mag-aalaga sa akin. Ang asawa ko ay hindi naging relihiyoso noong araw, at naisip ko na madali ko siyang mapasampalataya sa Katolisismo. Sa aming kaibahan ng pinagmulan, aking isinasang-alang-alang na maging bukas ang aking kaisipan at tuwang-tuwa na tanggapin ang bagong kultura.

Lahat ng bagay ay tila sang-ayon sa patuloy na pagiging lubos sa mga susunod na ilang taon. Masaya kami at ni minsan ang kultura o relihiyon ay kailanma’y hindi naging sanhi ng anumang mga suliranin. Pinagpala kami ng Panginoon ng isang guwapong anak na lalaki at pagkatapos ng ilang mga taon ay isang magandang anak na babae. Gayunpaman, patuloy pa rin kaming namuhay at nagsimula akong dalhin ang aking mga anak sa simbahan. Ang aking asawa ay hindi kailanman akong pinigilan na magsimba sa araw ng Linggo. Samantala, pagkatapos ng ilang beses na pagdadala ko sa mga anak ko sa simbahan, kinausap niya ako na di siya sang-ayon na dalhin ang mga anak ko para pumunta sa simbahan. Lantaran akong nagalit at balisa. “Pero bakit hindi? ” ako’y tumutol. “Kahit na anong relihiyon ay mas mabuti kesa wala. ”, ako ay tumutol. Tunay na hindi ko maintindihan ang pinsalang idudulot ng pagdadala ko sa kanila sa simbahan. Dumating sa puntong ito, ni minsan di namin pinag-usapan ang relihiyon. Sa katunayan, ni minsan di di ko tinanong kung mayroong iba’t-ibang relihiyon higit sa Katolisismo. Pinanganak akong isang Katoliko at naisip ko na ang Katolisismo ang tamang relihiyon. Para sa mga paliwanag na di maturo ng aking mga daliri, parang mula sa araw na iyon, lumitaw ang napakaraming suliranin. Nagtatalo kami lagi – tungkol sa lahat ng bagay at tao. Ngayon, maliit na bagay ay nagiging malaking paksa. Ang relihiyon ay naging isang diskusyunin sa pagitan namin. Ang pagkakaiba ng kultura ay naging isang bagay na pinagtatalunan. Pinagtatalunan namin ang aming pinagbiyenan at ang pinakamasaklap, pinagtatalunan namin ang pagpapalaki sa mga bata. Lahat ng mga bagay na babala ng aking ina noon ay nagiging totoo.

Ang tanging kapayapaan at pagkakaisa na ngayon ay nasa pagitan namin ay ang karunungan, katapatan, pagmamalasakit at pagmamahal ng ama ng aking asawa, ang aking biyenan para sa aming kasal. Minamahal ng biyenan ko ang kanyang anak at mga apo, tunay na pagmamahal din sa akin bilang anak na babae. Siya ay isang napakarelihiyoso at madasalin na Muslim at isang napaka-matalinong tao. Sa panahon na iyon, dahil hindi ako napapaligiran ng Islam, ang biyenan ko ang unang nagpakilala sa akin ng Islam. Lagi siyang nananalangin, nag-aayuno sa buwan ng Ramadan, at siya ay mapagbigay sa mga mahihirap. Nararamdaman ko ang kaugnayan niya sa Diyos. Sa katunayan, ang aking biyenan ay napakabait sa mga maralita na sa araw-araw pagkadating sa bahay galing moske kung saan siya nagdadasal ng dhur, inaaanyayahan niya ang maralitang tao para kumain ng tanghalian sa kanyang tahanan. Ito ay lagi sa araw-araw. Hanggang sa kanyang kamatayan sa gulang na 95, ang mga kamag-anak niya ay patuloy siyang inaalala sa ganitong ugali.

Ayaw ng aking biyenan na lalaki na nagtatalo ako at ang asawa ko at pinayuhan niya kami na humanap ng kalunasan bago mahirapan ang aming mga anak sa hahantungan ng aming pag-aaway. Sinikap niyang maigi na makahanap kami ng kalunasan. Binalaan niya ang kanyang anak na payagan akong ituloy ang kaugalian ko sa aking relihiyon, pero hindi na tungkol sa relihiyon. Naramdaman ko ang pagkabigo at nagpasyang magpahinga. Nang sinabi ko sa aking asawa ang paghihiwalay, sumang-ayon siya at marahil iyon ang pinakamaayos na gawin sa aming pag-aasawa. Alam mo may kasabihang, “Kawalan ay ginagawang mairog ang puso.”. Ganap nga, pero hindi sa aming kalagayan. Sa katunayan, ang kawalan ay ginawa ang aming puso na mas malayo sa isa’t-isa. Pagkatapos ng paghihiwalay, ginusto naming maging manatiling hiwalay at nagkasundong mag-diborsyo. Bagama’t desperado akong tumira sa akin ang aking mga anak, pareho naming naramdaman na mas maigi silang arugain ng kanilang ama. Mas maayos ang kalagayan niya sa pananalapi, arugain at bigyan sila ng kaginhawaan; isang bagay na hindi ko pa kaya ibigay sa kanila. Gaano ko sila inaasam-asam bawat gabi. Bumalik ako sa aking ina at patuloy ko silang nakikita kada katapusan ng linggo. Ang aking dating asawa ay inihahatid sila tuwing Biyernes ng hapon at sinusundo tuwing Linggo ng umaga. Bagama’t masakit ang ganitong kasunduan, mas mabuti na rin kesa wala.

Gabi-gabi bago ako matulog, binabasa ko ang Bibliya. Kapag ang mga anak ko ay bumibisita sa akin, binabasahan ko sila ng mga salita ng Diyos, naiintindihan man nila o hindi. Pagkatapos ng pagbabasa ng mga salita, isang gabi humingi ako ng tulong kay Jesus, sumunod na gabi sa mga anghel, sumunod na gabi sa mga iba’t-ibang santo, sumunod na gabi kay Birheng Maria. Pero isang gabi, wala na akong mahingian ng tulong, naubusan na ako ng santo. Kaya sabi ko ‘ngayon hihiling tayo sa Diyos’. Tanong ng aking anak , ‘Okay, ngayon sino ang Diyos? ’ . Sagot ko, ‘Siya ang naglalang saiyo, naglalang sa akin. ’ ‘Siya ay habambuhay na kahangga natin. ’ Kaya siya ay nagnilay-nilay, iniisip niya ang tungkol sa mga sinabi ko. Sa aking paliwanag, hinagod ko muli ang krus. Sabi ko, ‘ngayon magpasalamat sa Diyos’. Pinagmasdan niya ang Diyos, at nagtanong‘ Mamma, sino siya?‘ Sagot ko, ‘Siya ang Diyos, Siya ang Anak ng Diyos. ‘ Sabi niya, ‘Binanggit mo lang kanina na ang Diyos ay walang hanggan. Papaano ang isang ito namatay? ’ Kailanma’y di ko mapagtanto ang katotohanan. Nagtanong siya sa akin kung saan nanggaling ang Diyos. At sinabi ko, Siya ay nanggaling sa sinapupunan ni Maria, ang ating Birheng Maria. Sabi niya, ’O, pinanganak pala siya noon. Sabi ko, ‘Ganap na totoo. ’ Pero pagkatapos, sinabi niya, ’Pero sinabi mo sa akin na Siya ay walang hanggan. ’ Di siya namatay at di siya ipinanganak. Ang aking anak na walong gulang na noon, nagtanong sa akin ng tahasan, “Mama, bakit di ka humingi ng tulong sa Diyos?“ Nagulat ako at natigilan sa pagkamangha na tatanungin niya ako tungkol sa relihiyon. Sinabi ko sa kanya na humihiling din ako sa Diyos. Di ko akalain, ang aking sariling anak na lalaki ay patuloy na magiging tinik sa aking tabi, laging magpapaalala sa akin tungkol sa nararapat na pagsamba sa Isa, Totoong Diyos, Salamat sa Diyos.

Hanggang ako ay nakasal muli pagkatapos ng ilang taon at napalipat sa Australia kasama ang aking bagong asawa. Ang aking dating asawa ay kinasal na muli, lumipat ang kanyang pamilya sa Saudi Arabia. Ako ay nananabik na makita ang aking mga anak pero sa huli sa Italya ako nagsimula ng aking bagong pamilya at naging ina ng tatlo ko pang anak na babae. Sa bawat gabi, ako ay nagdarasal pa rin, “Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo“. Napakabilis at napaka-inam na lumipas ang mga taon. Ako ay natutuwa na isang tag-araw; ang anak kong lalaki at babae ay darating para bisitahin ako. Maraming mga bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Magiging masaya kaya sila kapag nakita ako, pagkatapos ng napakahabang pagkalayo? Ano kaya ang aming pag-uusapan? Nagdasal ako para ako ay matulungan. Lahat ng pangamba ko ay naglaho sa unang pagkakataong nakita ko ang aking mga anak sa palapagan. Mayroong saglit na pagbubuklod sa pagitan ng ina at mga anak at iyon ay parang konting oras lamang ang lumipas. Ang aking anak na lalaki ang masalita sa dalawa kong anak. Sinisigurado niyang paalalahanan ako na hindi sila kumakain ng baboy, o kahit mga pagkaing may alkohol. Sinabi ko sa kanya na naaalala ko ang mga iyon tungkol sa kanyang relihiyon. Sinabi ko rin sa kanya na hindi rin ako kumakain ng baboy at ni hindi umiinom ng alkohol, isang kaugaliang aking tinandaan mula nang napakasal ako sa kanilang ama. Ang alak, ganap na sinigurado ko ang pagluluto na wala noon habang sila ay nasa aking tahanan.

Nagkaroon kami ng magandang tag-araw, pagkilala sa isa’t-isa, pagkilala nila sa kanilang mga bagong kapatid, pagpipiknik, pagliliwaliw, paglalangoy. Ayoko nang matapos iyon. Pero alam ko ang buhay nila ay sa Saudi Arabia at kailangan nilang bumalik doon. Tinanong ko ang aking anak na babae ng isang nangangambang katanungan kung paano siya tratuhin ng kanilang tiyahin, at sa totoo lang naramdaman ko ang kaligayahan ng sabihin niya sa akin na siya ay tinatratong parang tunay na anak na babae.

Ang aking mga anak ay bumisita na muli dalawang beses pagkatapos ng tag-araw. Nang ang aking anak na lalaki ay naging dalawampu’t isang gulang (21), dumating at nanirahan siya kasama ko sa loob ng anim na buwan. Nagtatalo kami tungkol sa relihiyon – Boy, dapat ba kaming magtalo sa relihiyon. Ang aking anak na lalaki at ako ay halos magkapareho ng personalidad, pero meron kaming pagkakaiba – at walang duda yan yon. Samantalang ako ay mainit ang ulo sa mga alitan, ang anak kong lalaki ay mas mahinahon, kaya nananatili siyang kalma samantalang ako ay nasa hangganan na ng pagkahibang! Sa kabila ng alitan, naniniwala ako na umaayon sa aming biyaya na magiging balanse habang kami ay nagdidikusyon. Kami ay sobrang magkapareho kagaya ng pagiging mapagmahal, mapagbigay at matulunging tao. Kung ano ang hinahangaan ko sa kanya ay ang kanyang dedikasyon sa lahat ng bagay na ginagawa niya. Siya ay mapagmahal, mapagbigay at matulunging tao. Kung ano man ang hinahangaan ko sa aking anak ay ang dedikasyon sa lahat ng mga bagay na ginagawa niya. Siya ay malambing, magiliw na tao, pero may malakas na etika at layunin na gampanan ang anumang kanyang isipin na akin namang iginagalang. Hinahangaan ko siya sa kanyang kakayahan na pagiging taas noo sa mabibigat na situwasyon. Siya ay labis na makatwiran at hindi tinatalakay nang matagal ang mga suliranin. Tatangkain niyang humanap ng kasagutan at hangga’t maaari ay wala siyang kinikilingan. Nagpatuloy akong nagdarasal na sana ang aking anak ay matagpuan sa puso niya ang pagsasampalataya sa Katolisismo. Aking lubos na hinihiling na siya ay maging isang pari—nararamdaman ko na siya ay magiging mabuting tagapangaral. Siya ay mabait na bata, may takot sa Diyos. Mayroon siyang maganda at akmang katangian sa pagiging pagpapari. Nung unang sinabi ko sa kanya na maaari siyang maging kahanga-hangang pari, siya ay ngumiti at sumagot na mas malamang na ang kanyang ina ang magiging Muslim kesa ako na magiging pari ng Katoliko.

Natapos ang anim na buwan, bagaman, ang aking anak na lalaki ay ipinahayag na nais niyang lumisan patungong Estados Unidos. Sa wakas nanirahan siya sa Amerika at nagtayo ng tahanan sa Miami, Florida. Samantala, ako ay naging balo na may isang naiwang dalagita kasama ko sa bahay. Gustong-gusto talaga ng aking anak na lalaki na ako ay manirahan kasama niya sa Amerika, kaya umalis ako papuntang Estados Unidos kasama ang aking anak na babae na may gulang na labimpito(17). Lubos naming nagustuhan ang Amerika at ang aking anak ay madaling nakapagsimula ng sarili niyang buhay. Walang nagbago sa aking anak na lalaki at ako –patuloy pa rin naming pinag-uusapan ang Katolisismo at Islam at wala sa aming dalawa ang sumusuko. Minsan, nang napag-usapan ang paksang Trinidad at hindi ako makasagot o makipagbulaan sa kanya, itataas ko na lang ang aking kamay at lumayo. Magagalit lang ako kapag inaatake ang aking relihiyon.

“Bakit hindi ka maging katulad ng iba,” ang tanong ko. “Ang ibang mga Muslim ay tinatanggap ako at hindi ako pinasasampalataya.” “Hindi ako kagaya ninuman,” ang sagot niya. “Mahal kita. Ako ang iyong anak na lalaki at gusto ko tutungo ka sa Paraiso.” Sinabi ko sa kanya na “Ako ay tutungo sa Paraiso – Ako ay isang mabuti, marangal na babae, hindi nagsisinungaling, nagnanakaw o nanloloko.” Sumagot ang aking anak na lalaki, “Ang lahat ng bagay na ito ay kailangan at kapaki-pakinabang sa ating malasalitang buhay, samantala sa Quran, nakatala nang maraming beses na ang Allah ay hindi pinatatawad ang Shirk (Polytheism). Isinasasaad sa Quran na ang tanging kasalanan na hindi mapapatawad ng Diyos ay makisama sa kanya, pero pinatatawad Niya ang kahit ano man kung sino ang Kanyang loobin.” Isinasamo niya akong magbasa at matuto at alamin ang Islam. Ang aklat ay dinala sa akin upang ibukas ko ang aking isipan. Tumanggi ako. Ipinanganak akong Katoliko, mamamatay akong Katoliko.

Sa sumunod na sampung taon, nanatili akong nakatira malapit sa tahanan ng aking anak na lalaki, kanyang asawa at pamilya. Ninais ko, kahit na, gusto ko ring paggugulan ng ilang oras ang aking anak na babae, kung saan nakatira siya sa Saudi Arabia. Di ganoong kadaling kumuha ng bisa. Binibiro ako ng aking anak na lalaki na kung tatanggapin ko ang Islam, madaling nang kumuha ng bisa para pumasok ng Saudi Arabia; makakakuha ako ng bisang Umrah . Pinagdidiinan kong hindi ako Muslim. Pagkatapos ng napakaraming mabibigat na gawain at kaunting kaugnayan, nabigyan ako ng bisa para bisitahin ang aking anak na babae, na isa nang ina ng tatlong bata. Bago ako umalis, niyapos ako ng aking anak na lalaki, at sinabi niya kung gaano niya ako kamahal, gaano katindi na ninanais niya na ang Paraiso para sa akin. Sinabi niya rin sa akin na nakamit na niya ang gusto niya sa kanyang buhay, puwera lang ang isang ina na Muslim. Sinabi niya na lagi siyang nagdadasal kay Allah sa bawa’t araw, na sana baguhin ang puso ko na tanggapin ang Islam. Sinabi ko sa kanya na hindi mangyayari iyon.

Binisita ko ang aking anak na babae sa Saudi Arabia at ako ay napaibig sa bansa, klima at mga tao. Ayaw ko nang umalis pagkatapos ng anim na buwan kaya humingi ako ng ekstensiyon. Pinapakinggan ko ang Athan (tawag ng pagdadasal) limang beses sa isang araw at nakikita ko ang mga naniniwala na isinasara ang kanilang tindahan at umaalis para magdasal. Kahit na nakakabagabag, itinuloy ko ang pagbabasa ng Bibliya sa umaga at sa gabi at laging nagrorosaryo. Ni minsan, ang anak kong babae o ibang taong Muslim ay hindi nagsasalita sa akin ng tungkol sa Islam o hinahangad na ako ay pasampalatayain. Iginagalang nila ako at pinapayagan akong isagawa ang aking relihiyon.

Ang aking anak na lalaki ay darating mula Saudi Arabia para ako ay bisitahin. Masayang-masaya ako – hindi ko pa siya nakikita. Nang dumating siya, nasa likod ko na naman siya, pinag-uusapan ang relihiyon at the Pagkakaisa ng Diyos. Galit ako. Sinabi ko sa kanya na nasa Saudi Arabia ako higit isang taon at wala kahit isa na nakipag-usap sa akin tungkol sa relihiyon. At siya, na nasa ikalawang gabi niya dito, napakabilis umpisahan ang pangangaral. Humingi siya ng paumanhin at muli niyang binanggit na kung gaano niya ninanais na tanggapin ko ang Islam. Sinabi ko uli sa kanya na di ko lilisanin ang Kristiyanismo. Tinanong niya ako tungkol sa Trinidad and paano ako maniniwala sa isang bagay na hindi lumikha ng lohikal na kahulugan. Pinaalalahanan niya ako na mayroon din akong mga katanungan tungkol dito. Sinabi ko sa kanya na lahat ng bagay ay walang kabuluhan – magkaroon ka lamang ng pananampalataya. Tila tinanggap niya ang kasagutan ko at maligaya ako na sa wakas nanalo ako sa diskusyon sa relihiyon. Pagkatapos, sinabi niya sa akin na ipaliwanag ang milagro ni Jesus sa kanya. Aha, Akala ko! Sa wakas, magkakaintindihan kami. Ipinaliwanag ko ang milagro ng kapanganakan ni Jesus, ni Birheng Maria, Jesus na namatay dahil sa aking mga kasalanan, Ang Diyos na hinihinga ang kanyang espiritu sa Kanya, Jesus bilang Diyos, Jesus bilang anak na lalaki ng Diyos. Tahimik siya sa buong oras na nagsasalita ako – walang sagot – anak kong lalaki, tahimik? Pagkatapos, malumanay niya akong tinanong, “ Mamma, kung si Jesus ay namatay sa araw ng Biyernes dahil sa ating mga kasalanan, pagkatapos ang sabi mo , siya ay nabuhay na muli, pagkalipas ng tatlong araw sa araw ng Linggo, kung gayon sino ang namuno sa mundo sa tatlong araw na iyon? Mamma, ipaliwanag mo sa akin iyon?” Inisip ko ang kahulugan ng katanungan na iyon at sa sandaling iyon, alam ko wala iyong anumang kahulugan.

Sinabi ko,“ Si Jesus ay anak ng Diyos. Si Jesus at Diyos ay iisa at pareho.“ Sumagot ang aking anak,“ Ang baka ay may guya; maliit na baka. Ang pusa ay may kuting; maliit na pusa. Ang tao ay may mga anak; maliit na tao. Kapag ang Diyos ay may anak na lalaki, ano siya? Isang maliit na Diyos? Kung ganon, may dalawa kang Diyos?“ Pagkatapos nagtanong siya, “Mama, maaari ka bang maging Diyos?“ Kakutya-kutya tanong yan, ang sabi ko sa kanya. “Ang mga tao ay di kailanman magiging Diyos.“ (Ngayon, galit na galit ako). Nagtanong siya, “Si Jesus ba ay tao? “ Sagot ko, “Oo.“ Sinabi niya, “Samakatwid, hindi siya kailanman magiging Diyos.“ Ang pag-angkin na ang Diyos ay naging tao ay isang kahangalan. Hindi angkop sa Diyos na gayahin ang katangian ng tao sapagkat ang ibig sabihin non ay Ang Lumikha ay naging Kanyang Nilikha. Gayunpaman, ang nilikha ay produkto ng malikhaing gawa ng Lumikha. Kung ang Lumikha ay naging kanyang nilikha, ang ibig sabihin non ay ang Lumikha ay nilikha ang kanyang sarili, na kung saan ay walang duda na ito ay kahangalan. Para malikha, hindi siya dapat nabubuhay pa, paano Siya makakalikha? At saka, kung Siya ay nilikha, ang kahulugan non ay mayroon siyang pinagmulan, kung saan salungat sa Kanyang pagiging eternal. Ayon sa kahulugan ang sangkalikasan ay kailangan ng tagalikha. Para mabuhay ang ililikha, kailangang may tagapaglikha para sila ay mabuhay. Hindi nangangailangan ng tagapaglikha ang Diyos, dahil ang Diyos ang Tagapaglikha. Samakatuwid mayroong malinaw na pagkasalungat sa pagpapahayag. Ang pag-angkin na ang Diyos ay naging Kanyang nilikha ay nagpapahiwatig na kailangan Niya ng Tagapaglikha kung saan ito ay katawa-tawang kuro-kuro. Ito ay salungat sa pangunahing kuro-kuro ng Diyos bilang di-nilikha, di kailangan ng tagapaglikha at bilang isang Tagapaglikha. Sa kaalaman kong wala akong isasagot, sinabi ko Hayaan mong isipin ko ang mga kasagutan.

Nang gabing iyon, nag-isip ako ng matagal at nahirapan tungkol sa mga sinabi ng aking anak na lalaki. Ang palagay na si Hesus ang anak ng Diyos ay hindi na makahulugan sa akin. Hindi ko na rin matanggap ang katotohanan na si Hesus at ang Diyos ay iisa at pareho. Bago matulog ng gabing iyon, sinabi ng aking anak na lalaki na magdasal sa Diyos bago matulog at humiling lamang sa kanya na gabayan ako sa tamang daan. Ipinangako ko sa aking anak na buong puso akong magsusumamo sa Diyos para sa kasagutan. Pumunta ako sa aking kuwarto at nagbasa ng aklat na binigay nga aking anak. Sumunod, binuksan ko ang Banal na Quran at nagsimulang basahin ito. Parang isang bagay ang nabunot sa aking puso. Iba ang aking pakiramdam. Nakita ko ang katotohanan ng Islam. Ano nga ba ang ipinaglalaban ko sa mga maraming taon?

Nang gabing iyon, nagdasal lang ako sa isang Diyos – hindi kay Hesus, hindi kay Maria, hindi sa mga anghel o santo o banal na espiritu. Tanging sa Diyos ako umiyak at humingi ng gabay. Nagdasal ako na kung ang Islam ang tamang pinili ko, sana baguhin niya ang puso at isipan ko. Natulog na ako at kinabukasan, gumising ako at ipinahayag ko sa aking anak na handa na akong tanggapin ang Islam. Siya ay namangha. Pareho kaming umiyak. Ang anak kong babae at apong babae ay tinawag at nagmasid nang ako ay sumang-ayon,

أشهد أن لا إله إلاَّ الله و أشهد أن محمد رسول الله
“ASH-HADU ANLA ELAHA ILLA-ALLAH WA ASH-HADU ANNA MOHAMMADAN RASUL-ALLAH”.
“Non c’è altro Dio al di fuori di Dio, e Mohammed è il Messaggero di Dio.”
“There is no God except Allah and Muhammad (PBUH) is His Messenger and Last Prophet.”
“Walang ibang Diyos kundi si Allah at si Muhammad (pbuh) ang kanyang Sugo at Huling Propeta.”

Shahada / Ang Testimonya ng Pananampalataya video

Naramdaman kong isa akong bagong babae. Masaya ako, parang ako ay iniangat ng isang tao mula sa tabing ng kadiliman mula sa aking puso. Lahat nang nakakaalam sa akin ay hindi makapaniwala na ako ay mapasampalatay. Minsan di ako makapaniwala. Pero ang Islam ay ramdam kong nararapat, mapayapa at maaliwalas!

Matapos bumalik sa Estados Unidos ang aking anak, natutuhan ko nang bigkasin ang Surah-al-Fatiha sa Arabi at mula noon ay natutunan ko nang isagawa ang mga dasal. Itinuloy ko ang aking buhay kagaya noon; maliban sa ako ay Muslim na ngayon. Gustong-gusto kong dumadalo sa mga patitipon ng pamilya kasama ang anak kong babae, at gayundin sa mga sosyal na pagdiriwang. Dumadalo ako sa mga kasalan ng pamilya at mga kaibigan, salu-salo henna, pagsalubong sa panganganak, at ang pagtitipon kapag may yumao. Humigit-kumulang na anim na buwan pagkatapos na ako ay sumampalataya sa Islam, nasa pagtitipon ng libing na talagang tumimo sa aking puso at patibayin na napakagandang relihiyon ang Islam. Isang musmos na bata ang namatay sa sakit. Nang ang aking anak na babae ay handa nang umalis para sa makiramay, tinanong ko siya kung kilala niyang mabuti ang pamilyang iyon. Sumagot siya na hindi. “Kung gayon bakit ka pupunta?” ang tanong ko. Sapagkat ang pamilya ay nagdadalamhati, at tungkulin ko sa Islam at marahil ihahandog ko ang anumang suporta na kaya ko. Nagpasya akong magbihis at sumama sa kanya. Magkasama kami ng anak kong babae para iparating ang aming pakikiramay sa pamilya ng batang lalaki at ako ay napuspos sa dami ng mg tao na dumalo. Ako ay namangha at tumimo na napakaraming mga tao ang dumating para magbigay ng suporta sa pamilya. Sa lahat ng mga naisip ko nang makita ko ang pamilya na nagdadalamhati, napakaganda ng relihiyong Islam, maraming mga tao ang nararamdaman ang kanilang responsibilidad na magbigay ng suporta. Sa tanging pangyayari na iyon, kung saan ang mga Muslim ay nagpapakita ng panlabas na simpatiya ay isa pa ring mga sandali na, pinatunayan ang kagandahan ng Islam.

Ako ay Muslim na tatlong taon na ngayon, Alhamdullilah. Mula nang panahon na iyon, ako ay nagsagawa ng Umrah dalawang beses kasama ang aking anak na lalaki at babae. Ang anak kong lalaki, anak kong babae, at ako ay bumisita sa Kabaah at sa Banal na Moske ng Propeta sa Madinah. Kailan lang, ipinagdiwang ko ang aking ika-pitumpung kaarawan Alhumdullilah. Minsan inaaalala ko ang mga kahirapan at dalamhati na dinulot ko sa aking anak na lalaki, pero ang aking anak na lalaki ay sukdulang napakasaya na paglingkuran ako sa pamamagitan na maging paraan na dalhin ako sa Islam. Sinabi niya na ang Propeta ay nagsalita sa isang tao, “Ang Paraiso ay nakasalalay batay sa mga yapak ng mga ina.” Ang ibig sabihin ng Hadith na ito ay dapat na iyong paglingkuan ang iyong ina at alagaan siya. “Sigurado sa pamamagitan ng aking mga yapak, magkakaroon ng paraiso para sa ating dalawa. “ Di kataka-taka na kung ang aking anak na babae ay matiyaga at mapursigi, siguro ako ay magiging Muslim sa lalong madaling panahon. Pero ang aking anak na lalaki ay pinaalalahanan ako na, si Allah ang pinakamahusay na Tagaplano. At Siya lamang (SWT) ang makapagbibigay sa tao ng Hidaya (Gabay).

“Sa katunayan hindi lamang ginagabayan ang sinumang iyong minamahal, datapwa’t si Allah ay ginagabayan sinuman ayon sa kanyang kagustuhan.”

(Quran 28.56)

Ang pinakamabuting bagay na tinanggap ko kay Allah ay sa pamamagitan ng pag-gabay sa akin sa landas ng Islam at paglikha sa akin bilang isang Muslim, at inshAllah papasok kasama ang aking anak na lalaki sa Paraiso. ”Ameen.”