Ang Layunin ng Buhay

 

Malaking karangalan para sa a‘kin ang pagkakataong ito na makapagpahayag sa inyo dito. At nais kong sabihin na ito’y hindi isang “lecture”… Sa tingin ko’y hindi ako handang mag-“lecture”. Kundi ito ay parang…payo sa aking sarili. Sapagkat nakikita ko ang aking sariling nakaupo sa mga upuang ito sa harapan ko. Sa nakaraang ilang araw, sa nakaraang ilang mga taon, sa nakaraang ilang sandali pa lamang – ako ay nakaupo diyan kung nasaan kayo ngayon, anumang nasyonalidad – hindi ‘yon mahalaga. Isang tao na walang alam sa Islam. At sa mga panahong iyon, ako ay isang taong hindi nakakaalam… sa layunin ng buhay!

Kaya sa puntong iyon, ako’y makikiusap sa inyo na isipin ang aking sinasabi sa inyo bilang impormasyon at payo – hindi isang talakayan“lecture”. Ang impormasyong nais kong ibahagi sa inyo, ay maaaring maging malawak. Kung iisipin ninyo ang kapasidad ng utak ng tao at ang dami ng impormasyon na kaya nitong ipunin at kaya nitong unawain – sa ilang mga pahina ng impormasyon ngayon, natitiyak kong hindi ito magiging mabigat na pasanin sa inyo.

Responsibilidad kong ipahayag ang mga paksa ng ating pag-uusap ngayon – Ano ang layunin ng ating buhay? At itanong din kung – “Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa Islam?” Ang ibig kong sabihin – ano ba talaga ang alam ninyo tungkol sa Islam? Hindi kung ano ang naririnig ninyo tungkol sa Islam; Hindi kung ano ang inyong nakitang mga gawain ng ilang mga Muslim, kundi – ano ang alam ninyo tungkol sa Islam?

Karangalan ko ang pagkakaroon ng oportunidad na ito, at nais kong magsimula sa pagsasabing kayong lahat ay mayroong pantay-pantay na responsibilidad… At ang responsibilidad na iyon ay ang magbasa at makinig – na bukas ang puso at isipan.

Sa mundong puno ng mapaminsalang paghusga at kulturang mapamuri“cultural conditioning” napaka hirap makahanap ng mga taong makapagbibigay ng sandali para mag-isip. Mag-isip tungkol sa buhay nang makatuwiran. Ang subuking marating ang katotohanan tungkol sa mundong ito at ang tunay na layunin ng ating mga buhay. Sa kasamaang palad, kapag tinanong mo ang karamihan ng mga tao ng katanungang – “Ano ang layunin ng ating buhay?” na kung saan ay isang pangunahin at mahalagang tanong – hindi nila sasabihin sa inyo kung ano ang kanilang napagpasyahan sa pamamagitan ng mga obserbasyon o analitikal na pangangatwiran. Sa karamihang sitwasyon, tiyak na sasabihin nila kung ano ang sinabi ng ibang tao…O kaya naman ay sasabihin nila sa inyo kung ano ang karaniwang mga akala ng iba. Ang sabi ng tatay ko ang layunin ng buhay ay, ang sabi ng ministro ng aking simbahan ang layunin ng buhay ay, ang sabi ng aking guro sa eskwelahan, ang sabi ng kaibigan ko.

Kung tatanungin ko ang sinuman tungkol sa dahilan ng ating pagkain, “Bakit tayo kumakain?” Karamihan sa mga tao ay sasagot, sa isang salita o iba pa, “Para sa nutrisyon!” Sapagkat ang nutrisyon ang nagbibigay-buhay… Kapag tinanong ko ang sinuman kung bakit sila nagtratrabaho? Sasabihin nila, dahil ito ay kinakailangan upang masuportahan ang kanilang mga sarili at maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Kapag tinanong ang sinuman kung bakit sila natutulog, bakit sila naglilinis, bakit sila nagdadamit, at iba pa., ang kanilang isasagot – “Ito ay pangkaraniwang pangangailangan ng mga tao.” Maaari nating sundan ang ganitong linya ng pagtatanong ng daan-daang mga katanungan at makatanggap ng pare-pareho o kahawig na sagot galing kanino man, sa anumang wika, sa anumang lugar sa mundo, simple! “Bakit ganoon, kapag itinatanong ang katanungang, ‘Ano ang layunin ng buhay?’, ay maraming iba’t-ibang kasagutan ang ating nakukuha?” Iyan ay dahil ang mga tao ay naguguluhan, hindi nila talaga alam. Sila ay nangangapa sa dilim. At sa halip na sabihing, “hindi ko alam”, sila ay magbibigay ng kahit anong sagot na sa kanila ay nakatakda nang isagot.

Pag-isipan natin ito. Ang layunin ba natin sa mundong ito ay ang simpleng kumain, matulog, magdamit, magtrabaho, magkaroon ng ilang mga materyal na bagay at magsaya? Ito ba ang ating layunin? Bakit tayo isinilang? Anu ang Dahilan ng ating buhay, at ano ang kaalaman sa likod ng pagkakalikha ng tao at ng pagkalaki- laking daigdig na ito? Pag-isipan ninyo ang katanungang iyan!

Ang ilang mga tao ay nakikipagtalo na walang katunayan ng anumang banal na pinagmulan, walang katunayan na mayroong Diyos, walang katunayan na ang daigdig na ito ay dumating nang dahil sa anumang banal na layunin. May mga taong nanininwala nang ganito – at sinasabi nila na marahil ay nagkataon lamang ang pagdating ng mundong ito. Isang malaking pagsabog, at ang buong kalakhang mundo kasama ang lahat nang orkestrasyon nito ay sabay-sabay na dumating. At sila ay nakikipagtalo na ang buhay ay walang anumang tiyak na layunin at walang mapapatunayan sa pamamagitan ng alinman sa lohika o siyensya na mayroong Diyos, o layunin, o anumang banal na dahilan sa likod ng mundong ito.

Nais kong magbanggit ng ilang mga Talata mula sa Quran na tumutugon sa paksang ito.

“Katotohanan! Sa pagkakalikha ng kalangitan at kalupaan, at sa pagsasalitan ng gabi at araw, katiyakang naririto ang mga Tanda sa mga tao na may pang-unawa. Ang mga nag-aala-ala sa Allah nang nakatayo, nakaupo at nakahilig sa kanilang tagiliran, at nag-iisip nang malalim tungkol sa pagkakalikha ng kalangitan at kalupaan (na nagsasabi): “Aming Panginoon! Hindi Ninyo nilikha ang (lahat) ng ito ng walang layunin, luwalhatiin Kayo! Inyong gawaran kami ng kaligtasan sa kaparusahan ng Apoy.”

[Quran 3: 190-191]

Sa mga Talata sa itaas, napakalinaw na binanggit ni Allah sa atin, una sa pagbaling ng ating pansin sa paglikha sa ating sariling katauhan. Ang iba’t-ibang pustura ng katawan ng tao, ang iba’tibang ugali ng mga tao. Ibinaling Niya ang ating pansin sa kalangitan. Ang pagsasalitan ng gabi at araw. Ang papawirin, ang mga bituin, ang mga konstelasyon… At saka sinabi Niya sa atin na hindi Niya nilikha ang lahat ng mga ito para sa anumang hangal na layunin! Dahil kung makikita ninyo ang disenyo nito, malalaman ninyo na ang disenyo nito ay napaka-makapangyarihan at sadyang napak-Perpekto. At isang bagay na napaka-makapangyarihan at sadyang napaka-perpekto na lampas pa sa sarili nating imahinasyon at pagtantya – hindi ito maaaring maging isang kahangalan. Hindi ito maaaring basta nalang sama-samang itapon.

Halimbawa, kung ikaw ay kumuha ng sampung holen at nilagyan mo sila ng mga bilang mula isa hanggang sampu. At lahat sila ay iba-iba ang kulay. At inilagay mo sila sa loob ng isang bag at inalog mo ang bag. At saka, habang nakapikit ang iyong mga mata, inabot mo ang loob ng bag at sinabi ko sa iyo, “ilabas mo ang holen na may unang bilang. At saka ilabas mo ang holen ng ikalawang bilang. At saka ilabas mo ang holen ng ikatlong bilang, nang nasa ayos.” Ano ang chansa mo na mailabas ang mga holen nang nasa ayos. Alam mo ba kung ano ang mga pagkakataon? Dalawampu’t anim na milyon sa isa! Kaya ano ang pagkakataon na ang kalupaan at mga kalangitan ay itinapon ng isang malaking pagsabog, at iniayos sa kung paano sila? Ano ang chansa ‘nun?

Mga minamahal kong respetadong mga panauhin – kailangan nating tanungin ang ating mga sarili ng isa pang tanong…Kapag nakakita ka ng isang tulay, gusali, o isang sasakyan – agad mong iisipin ang tao o ang kompanya na gumawa nito. Kapag nakakita ka ng isang eroplano, isang rocket, isang satelayt, o isang barko – iisipin mo rin kung gaanong nakakamangha ang sasakyang iyon. Kapag nakakita ka ng isang plantang nuklear, isang umiikot na estasyong pangkalawakan, isang internasyonal na paliparan na puno ng lahat ng kagamitan, at kung iisipin mo rin ang iba pang mga estrakturang naririto, sa bansang ito – ikaw ay lubos na mapapahanga sa mga pamamaraan ng paggawa nito.

Ngunit, ito ay mga bagay lamang na gawa ng mga tao. Ano naman ‘yung tungkol sa katawan ng tao kasama ng mga napakalawak “massive” at komplikadong systema nag papagana dito“control system”? Pag-isipan mo! Pag-isipan mo ang tungkol sa utak – paano ito mag-isip, paano ito gumagana, paano ito mag-intindi, mag-ipon ng impormasyon, umalala ng impormasyon, makakilala at uriin ang impormasyon, sa mahigit isang segundo! Palagiang ginagawa ng utak ang mga iyan. Mag-isip tungkol sa utak ng ilang sandali. Ito ay ang utak na gumagawa ng mga kotse, sasakyan pang kalawakan, sa mga barko at kung anu-ano pa. Isipin ang utak at kung sino ang gumawa nito. Isipin ang puso, paano ito tumitibok nang tuluy-tuloy sa loob ng animnapu o pitumpung taon – sa pagdala o pagdiskarga ng dugo sa buong katawan, at pagpapanatili ng matatag na kondisyon sa buong buhay ng taong iyan. Isipin mo! Isipin mo ang mga bato(kidney)– anong klasing tungkulin ang nagagawa nila? Ang kasangkapan ng katawan sa paglilinis, na nagsasagawa ng daan-daang pag susuri chemical analyses nang sabay-sabay at, nagpapanatili ng libel ng dumi sa dugo. Kusa itong ngyayari. Isipin ang iyong mga mata – na tila baga’y isang kamera na parang tao na nag-babago ng lapit at layu, naguunawa, nagsusuri at nagbibigay kulay nang kusa. Ang natural na pagtanggap at pag-bago sa liwanag at distansya – lahat ay kusang nangyayari. Isipin mo iyon – sino ang lumikha nga mga iyan? Sino ang nagpakadalubhasa niyan? Sino ang nagplano niyan? At sino ang nangangalaga niyan? Mga tao – kanilang mga sarili? Hindi – siyempre hindi.

Ang tungkol sa Daigdig na ito? Isipin mo. Ang Daigdig ay isang planeta sa ating kalawakan. At ang ating kalawakan ay isa sa mga Sistema sa Milky Way. At ang Milky Way ay isa sa mga konstelasyon sa kalawakan. At mayroong milyon-milyong kalawakan tulad ng Milky Way. Isipin mo iyon. At lahat sila ay nasa ayos. Lahat sila ay perpekto. Hindi sila nagbabanggaan; hindi sila nagsasalungat. Sila ay umiikot sa orbit na itinakda para sa kanila. Ang mga tao ba ang nagtakda sa kanilang paggalaw? At ang mga tao ba ang nangangalaga sa pagpapanatili ng pagiging perpekto nito? Hindi, siyempre hindi sila.

Isipin ang mga karagatan, mga isda, mga insekto, mga ibon, mga halaman, at ang bakterya, mga elementong kemikal na hindi pa natutuklasan at hindi maaring tuklasin kahit ng pinakamakabagong kagamitan. Ngunit, bawat isa sa kanila ay may alituntunin na sinusunod. Ang lahat ba ng pagkakaisa, pagkakapantay- pantay, pagkakatugma, pagkakaiba-iba, disenyo, pangangalaga, operasyon, at walang hanggang bilang– nagkataon lang bang nangyari ang mga ito? At, ang mga bagay ba na ito ay nagkataon lang na maging perpekto at gumana nang habang-panahon? At nagkataon lang ba na sila ay patuloy na dumami at nag papanatili ng kanilang mga sarili? hindi, siyempre hindi.

Ang isipin iyon ay kahangalan at walang katuwiran. Kahit papano ay tinutokoy dito nakahit dumating man doon, ito ay labas sa antas ng kakayahan ng tao. Lahat tayo sasang-ayon diyan. Ang nararapat lamang na purihin at pasalamatan ay ang makapangyarihan sa lahat – ang Panginoon. Ang Panginoon na siyang may likha ng lahat ng ito, at ang responsable sa pagpapanatili ng lahat ng ito. Samakatuwid, ang Panginoon lang ang nagiisang nararapat na purihin at pasalamatan.

Kapag binigyan ko ang isa sa inyo ng isang daang dolyar, ng walang dahilan,para lang sa pagpunta dito, kayu marahil ay mag sasabi ng, “Salamat.” Sa gayun paman, paano naman ang inyong mga mata, mga bato(kidney), ang inyong utak, ang inyong hininga, ang inyong mga anak? Paano ang mga iyon? Sino ang nagkaloob sainyo ng mga iyon? Hindi ba Siya nararapat na purihin at pasalamatan? Hindi ba Siya karapat-dapat na inyong sambahin at kilalanin? Aking mga kapatid, sa madaling salita, ang layunin at pakay ng buhay na ito.

Sinabi ni Allah sa Quran:

“Hindi ko nilikha ang mga ‘Jinn’ at ang mga tao, para sa ibang dahilan, maliban sa dahilan na sambihin nila ako”.

(Quran 51: 56)

Ito ang sinabi ng Panginoong makapagyarihan mula sa talatang iyon, Kaya ang layunin ng ating buhay ay kilalanin Ang Tagapaglikha at magpasalamat sa Tag apaglikha. Ang sambahin ang Tagapaglikha. Ang isuko ang ating mga sarili sa Tagapaglikha, at ang mga Alituntunin na itinalaga nya para sa atin. Sa madaling salita, ibig sabihin nito ay pagsamba.ito ang layunin ng ating buhay, At anuman ang gawin natin pag tahak sa landas ng pagsamba – ang pagkain, ang pag-inom, ang pagdamit, ang pagtratrabaho, ang kasiyahan sa pagitan ng buhay at kamatayan – ang lahat ng ito ay mga resulta lamang. Tayo ay nalikha para sa pagsamba – at iyon ang layunin ng ating buhay. Ako’y naniniwala na kahit ang isang taong siyentipiko at analitiko ay sasang-ayon sa layuning iyan. Maaaring sila ay mayroong lihim na layunin sa kanilang kalooban, pero iyan ay isang bagay na kailangan nilang harapin sa pagitan ng kanilang mga sarili at nang Dyos na makapangyarihan.

Ngayon sa ikalawang bahagi ng ating usapin. Ano ang alam nyo tungkol sa Islam? Hindi kung ano ang naririnig nyo tungkol sa Islam. Hindi kung ano ang mga nakita nyo sa mga gawain ng mga Muslim, sapagkat may kaibahan sa pagitan ng Islam at mga Muslim. Katulad sa kaibahan ng isang lalaki at isang ama. Ang lalaking may mga anak – siya ay isang ama, ngunit ang pagiging isang ama ay isang responsibilidad. Kung ang lalaki ay hindi magawang gampanan ang mga responsabilidad nayun, hindi siya maituturing na mabuting ama. Ang Islam ay isang batas at kautusan. Kapag hindi magawang gampanan ng isang Muslim ang mga batas at kautusan nayun, siya ay hindi isang mabuting Muslim. Kaya hindi mo maihahalintulad ang Islam sa mga Muslim.

Madalas nating naririnig ang mga salitang ‘Islam’ at ‘mga Muslim’. At nababasa natin ang tungkol sa Islam at mga Muslim sa mga pahayagan, sa mga aklat pang colehio at unibersidad. Marami tayong naririnig at nakikitang hindi tama, at mapanirang information na walang katotohanan na naipapahayag sa mga balita. At inaamin ko na ang ilang mga mapanirang impormasyon at mga kasinungalingang ito ay mismong nagagawa ng ibang mga Muslim. Ngunit isa sa bawat limang tao dito sa mundo na may ilang limang bilyong katao ay isang Muslim! Isa sa limang tao sa mundo ay Muslim! Ito ay isang Talaan na mapapatunayan sa encyclopedia, o sa almanac, o sa iba pang mga mapagkukunan ng impormasyon na nais ninyong tingnan. Paano naging ganyan kung isa sa bawat limang tao sa mundo ay isang Muslim, na wala tayong alam tungkol sa Islam? Ang katotohanan tungkol sa Islam. Kapag sinabi ko na isa sa limang tao sa mundo ay Instik, na isang katotohanan – mayroong isang bilyong mga Intsik sa mundo, isa sa limang tao ay Intsik! Kung kaya ay alam natin ang pangheograpiko, panlipunan, pang-ekonomiko, pampulitika, pilosopiko, pang-kasaysayan na mga bagay tungkol sa Tsina at mga Intsik! Paanong nangyaring hindi natin alam ang tungkol sa Islam?

Ano ba itong nagdudutong sa napakaraming mga ibat-ibang nasyon at itong pangkahalatang kaayusan“ universal configuration” na humahantong sa pangkaraniwan na kapatiran? Paano nangyari na ang isang kapatid sa Yemen ay naging aking kapatid, at ako’y nag mula sa Amerika. At itong kapatid na mula sa Eritrea na naging aking kapatid. At isa pang kapatid mula sa Indonesia na naging aking kapatid. At mula sa Africa na naging aking kapatid. At isa pang mula sa Thailand na naging aking kapatid. At galing sa Italy, Greece, Poland, Austria, Colombia, Bolivia, Costa Rica, China, galing Spain, sa Russia, at iba pa… Paano ko sila naging mga kapatid? Kami na may iba-ibang pinanggalingang kultura at pag-uugali! Ano ba’ng mayroon sa Islam na kusang nag papalapit at nag samasama samin sa isat isat bilang isang kapatiran? Ano ba ang tamang katangian ng hindi maunawaang pamamaraan ng buhay na ito ang sinusunod ng malaking bahagi ng sangkatauhan?

Susubukan kong mabigyan kayo ng mga katunayan. Pero sa karagdagan ito, katulad ng nauna kong nabangit, mahalaga para sa inyo na maging bukas ang inyong isipan at puso – sapagkat, kung babaliktarin ko ang baso at bubuhusan ko ito ng tubig, wala akong makukuhang tubig. Ito ay dapat nasa tamang posisyon. Ang mga katunayan lang ay hindi maaring humantong patungo sa pag-unawa, bagkus ang pinagsama-samang pagtitimpi, Mitiin, at ang kakayahang magpahalaga at tumanggap ng katotohanan kapag ito’y inyong narinig.

Ang salitang ‘Islam’ ay nangangahulugan ng pagsuko, pagpapasakop, at pagsunod. Pagsuko, pagpapasakop, at pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon. Maaari mong sabihing ‘Allah’. Maaari mong sabihing ‘Ang Tagapaglikha’.

Maaari mong sabihing ‘Ang Kataas-taasang Panginoon’, ‘Ang Kataas-taasang Lakas’, ‘Ang Nakakaalam sa lahat’, ang lahat ng ito ay ang kanyang mga pangalan.

Ginagamit ng mga Muslim ang salitang Arabik na Allah para sa Panginoon, sapagkat ang panginoon mismo ang nagngalan nito. Ang salitang Allah ay hindi maaaring gamitin sa anumang bagay na nilikha. Ang ibang salita na ginagamit ng mga tao para sa salitang Panginoon (almighty) ay ginagamit din sa ibang nilikhang bagay. Halimbawa ng “the almighty dollar.” Oh I love my wife, she is tops!” O, “He’s the greatest.” Ngunit hindi ito tama… Kundi ang salitang ‘Allah’ ay maaari lamang gamitin sa Iisang lumikha ng lahat ng mga ito na nauna nating nailarawan. Kaya sa puntong ito, gagamitin ko ang salitang ‘Allah’, at alam na ninyo kung sino ang aking tinutukoy.

Ang salitang Islam ay nanggaling sa salitang- ugat na “Salama” – na ang ibig sabihin ay ang maging mapayapa. Samakatuwid, ang isang Muslim ay isang taong sumusuko, nagpapasakop at sumusunod sa mga kautusan ng Makapangyarihang Panginoon. At sa pamamagitan ng pagpapasakop na ito ay nakakamit ang kapayapaan at katahimikan para sa kanilang sarili. Agad nating makikita na, sa nasabing pagpapaliwanag, ang Arabik na salitang ‘Allah’ ay naglalarawan sa kaparehong pag-uugali at asal ng lahat ng mga dakila at respetadong mga propeta at mga sugo ng Panginoon… lahat sila kabilang sina Adam, Noah, Abraham, Moses, David, Solomon, Isaac, Ishmael, Jacob, John the Baptist, Hesus na anak ni Maria, at Muhammad (Sumakanila nawa ang kapayapaan ng Allah). Ang lahat ng mga taong ito, ang mga propeta at mga sugo na ito, ay nanggaling sa iisang Panginoon, na may iisang mensahe, na may iisang mission sa pagpapahayag ng katotohanan, at sila ay nagsabi ng iisang bagay – sundin ang Panginoon! Sambahin ang Makapanyarihang Diyos at tuparin ang layunin ng buhay at gumawa ng mabubuting gawain, at kayo ay gagantimpalaan ng isa pang buhay. Iyon lang lahat ang kanilang sinabi! Huwag gawin itong higit pa doon! Iyon lang lahat ang kanilang sinabi, hindi mahalaga kung anong wika at anong panahon, sino ang pinuntahan nila – Iyon lang lahat ang kanilang sinabi, Kung babasahin niyo nang maigi ang mga banal na kasulatan, na walang sarili niyong interpretasyon o nang kanino mang pagdaragdag o gawa-gawa – malalaman niyo na ito ‘ay simpleng mensahe ng lahat ng mga propeta na iyon na nag patunay sa isa’t-isa. Na Walang ni isa sa mga propetang iyon ang nagsabing, “Ako ang Panginoon – sambahin ninyo ako”. Hindi niyo makikita alinman sa mga banal na aklat na mayroon kayo – hindi sa Bibliya, hindi sa Torah, hindi sa Bagong Tipan, hindi sa mga Salmo ni David – hindi niyo makikita ito sa anumang aklat. Hindi niyo makikita sa pananalita ng sinumang propeta. Umuwi kayo ngayong gabi at magbaybay sa lahat ng mga pahina ng iyong Bibliya, at sinisigurado ko sa inyo – hindi niyo makikita ito kahit minsan. Kahit saan!. Kaya saan ba ito nanggaling?, Iyan ay kailangan mong siyasatin.

Madali nating makikita na sa nasabing pagpapaliwanag, ipinaliwanag sa salitang Arabik kung ano ang ginawa ng lahat ng mga propeta. Lahat sila ay dumating at inialay ang kanilang mga sarili sa Panginoon; Isinuko ang kanilang mga sarili sa Panginoon; Tinawag ang mga tao papunta sa Panginoon; At nakiusap sa mga tao at nagpipilit sa mga tao na gumawa ng mabubuting gawa Ang Sampung Kautusan ni Moses – ano ‘yun? Ang salita ni Abraham – ano ‘yun? Ang mga Salmo ni David – anu ‘yun? Ang mga kasabihan ni Solomon – Ano ang sinabi niya? Ang Ebanghelyo ni Hesu Krito – ano ang sinabi niya? Ano ang sinabi ni John the Baptist? Ano ang sinabi nina Isaac at Ishmael? Ano ang sinabi ni Muhammad? Wala nang iba pa ‘dun!

“At sila ay pinagutusan nang hindi hihigit dito: na Sambahin ang Allah, na magbigay sakanya ng taos pusong debosyon, pagiging tunay (sa pananampalataya);na magsagawa ng palagiang pagdarasal; na magsagawa ng palagiang pagkakawang- gawa; at iyan ang Relihiyion Tama at Matuwid”.

[Quran 98:5]

Ito ang sinabi ni Allah. At walang pinagutos sa kanila maliban ang sambahin si Allah, maging tapat sa Kanya. At ito ang tuwid na landas, ito ang tunay na mensahe. Batay sa iisang pagpapatunay, nararapat lang din na ituring na mga Muslim ang mga propeta at mga sugo bilang muslim, ang ‘Muslim’ ay ano? Huwag isipin ang Arabik na pagkakahulugan. Huwag isipin kung paano natin sila tatawagin – huwag isipin ang Mecca, o Saudi Arabia, o Egypt. Huwag! Bagkus Isipin ano ang ibig sabihin ng salitang ‘Muslim’. ‘Siya ay nag susuko sakanyang sarili sa Diyos na makapangyarihan, at sumusunod sa mga kautusan ng Panginoon, magpagayun paman maging ito man ay likas o sa dyalektikong pamamaraan – ang lahat ng nagsusuko sa kautusan ng Panginoon ay isang Muslim!

Kaya, sa tuwing lumalabas ang isang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina sa panahong iniutos ng Panginoon – ano ‘yun? Ito ay isang Muslim. Kapag umiikot ang araw sa orbit nito – ano ‘yun? Ito ay Muslim! Kapag ang Buwan ay umiikot sa palibot ng Araw – anu ‘yun? Ito ay Muslim! Ang “law of gravity” – anu ‘yun? Ito ay isang batas ng Muslim! Ang lahat ng nagpapasakop sa Panginoon ay isang Muslim! Samakatuwid, kapag taos puso nating sinusunod ang Panginoon tayo ay mga Muslim! Si Hesu Kristo ay isang Muslim. Ang kanyang pinagpalang ina ay isang Muslim. Si Abraham ay isang Muslim. Si Moses ay isang Muslim. Ang lahat ng mga propeta ay mga Muslim! Ngunit sila ay pumunta sa mga tao at nagsasalita ng iba’t-ibang wika. Si Propheta Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan) nagsasalita sa wikang Arabik. at kaya naman, sa wikang Arabik ang isang nagpapasakop at isinusuko ang sarili sa Panginoon ay Muslim. Ang bawat propeta at sugo ng Panginoon ay nagdala ng magkakapareho at nag iisang mensahe ang ‘Sambahin ang Panginoon at maging matapat sa Kanya’. Habang sinusuri natin ang mensahe ng bawat isa sa mga dakilang propeta, madali nating mapaggpapasyahan ang katotohanang ito.

Kapag may nagsasalungat, ito ay isang bunga ng maling mga pagpapahayag, gawa-gawang kwento, pagmamalabis sa storya, mga sariling interpretasyon ng mga ‘di-umano’y mga manunulat, mananalaysay, iskolar, at mga indibidwal. Halimbawa, hayaan ‘nyo akong magpahayag ng isang bagay na maaaring nakita ‘nyo na. Bilang isang Kristyano noon, nakita ko na ito bago pa ako maging isang Muslim, at… hindi ko ito naintindihan. Paano nangyari sa buong Lumang Tipan ang Panginoon ay parating tinutukoy bilang Nag-iisa – ang Amo(Master), ang Panginoon at ang Hari ng sangkatauhan. At sa naunang kautusan na ibinigay kay Moses, hindi Niya pinahintulutan ang sinuman na sumamba sa anumang naka-ukit na larawan. O ang yumuko sa anumang bagay sa kalangitan, o sa kalupaan, o sa ibaba ng karagatan– hindi Niya kailanman papahintulutan iyan. Ang lahat ng mga propeta ay nagsasabi na mayroon lamang nagiisang dyos. Ito ay paulit-ulit na sinabi sa kabuuan ng Lumang Tipan. At, sa isang iglap nagkaroon tayo ng apat na mga pagpapatotoo – apat na ebanghelyo na tinatawag na Matthew, Mark, Luke at John. Sinong Matthew? Sinong Mark? Sinong Luke? Sinong John? Apat na iba’t-ibang ebanghelyo na naisulat ng may apatnapu’t walong taon na pagitan. At wala sa mga taong ito, na nakipag-tulungan sa isa’t-isa, wala sa kanila ang nagsulat ng kanilang apelyido. Kung binigyan kita ng cheke para sa iyong sahod ngayong buwan naito at isinulat ko ang aking pangalan sa cheke at sinabi ko sa iyo na dalhin ito sa bangko – tatanggapin mo ba ang chekeng iyon? Malamang hindi mo tatanggapin…Kapag pinahinto ka ng isang pulis at hiningan ka ng mga pagkakakilanlan, o passport at tanging unang pangalan mo lang ang nakasulat, tatanggapin ba niya ito? Makakakuha ka ba ng passport gamit lang ang paunang pangalan mo? Ang ibinigay ba na pangalan ng iyong ama at ina ay iisa lamang? Saan sa kasaysayan ng tao tinatananggap lamang ang iisang pangalan bilang isang kasulatan, saan? Wala saanman! Maliban sa Bagong Tipan.

At paano mo ibabatay ang iyong pananampalataya sa apat na Ebanghelyo na isinulat ng apat na mga tao na tila hindi alam ang kanilang mga apelyido? At saka, pagkatapos ng apat na mga ebalhelyong iyon, mayroon pang labing’lima karagdagang mga aklat na isinulat ng isang taong nagtraydor na pumatay ng mga Kristiyano, Nagpahirap sa mga Kristiyano, at tapos sasabihin nya na may pangitain pa sya na nakita nya si Hesus. At siya ay naatasang maging disipulo ni Hesus. Kapag sinabi ko sa inyo na si Hitler, pagkatapos niyang patayin ang napakaraming Hudyo, napagpasyahan niya sa kanyang sarili na nais niyang makaligtas. At nakatagpo niya si Kristo o si Moses sa daanan at siya ay naging isang Hudyo. At nagsulat siya ng labin’limang aklat at idinagdag ang mga ito sa Torah – ito ba ay magiging katanggap-tanggap sa mga Hudyo? Hindi, hindi niyo tatanggapin iyon. Kaya paano’ng ang apat na aklat na isinulat ng mga taong walang apelyido, at ang labin’lima pang ibang aklat na isinulat ng isa pang tao – at ito ang unang pagkakataon na ang Panginoon ay tinawag na tao, at ang unang pagkakataon ang Panginoon ay tinawag na tatlo – at ang unang pagkakataon na ang Panginoon ay binigyan ng isang anak – paano ito natatanggap ng mga Kristiyano? Paano? Isipin niyo ‘yon! Hindi natin pagtataluhan ang puntong iyon. Ako’y magbibigay lamang ng bagay na dapat ninyong pag-isipan.

Ang pagdating ni propeta Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan) ay hindi nagdala ng bagong relihiyon o pamamaraan ng buhay tulad ng mga taong nag aangkin nito. Sa kabilang banda, pinatunayan ng propeta (Sumakanya ang Kapayapaan) ang buhay at mensahe ng lahat ng mga propetang nauna at mga sugo. Kapwa sa pamamagitan ng kanyang sariling pag-uugali at sa pamamagitan ng banal na rebelasyon na natanggap niya galing sa Panginoon Makapangyarihan. Ang banal na kasulatan na dinala ni Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan) ay tinatawag na, ang Quran. At ang ibig sabihin nito ay “ang binigkas”. Sapagkat hindi si Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan) ang nagsulat ng Quran. Hindi siya ang manunulat ng Quran. Walang sinumang dumating at tumulong sa kanyang magsulat ng Quran. At walang sinuman ang nakipagtulungan sa kanya ukol dito. Si Anghel Gabriel ang nagbigkas ng mga salita sa kanya! At ginawa ng Makapangyarihang Diyos ang kanyang puso na sisidlan nito. Ang puso ni propeta Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan) ang naging sisidlan ng rebelasyon at nasa atin ang Quran na ito na pinangalagaan ng ilang mga taon na walang pag-babago. Mayroon bang ibang aklat dito sa mundo na alam niyo na pinangalagaan kung paano ito inihayag nang walang pag-babago? Walang aklat… Tanging ang Quran lamang.

Huwag niyong ibatay sa aking mga pananalita ang paniniwala niyo tungkol dito! Magpunta kayu sa mga silid-aklatan at tingnan kung ano ang sinasabi ng Encyclopedia Britannica, o ang World Encyclopedia, o ang Americana’s Encyclopedia, o kahit na anong iba pang unibersal na encyclopedia ng mundo na hindi isinulat ng mga Muslim. Tingnan kung ano ang sinasabi nito tungkol sa Islam, sa Quran, at kay Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan). Basahin kung ano ang sinasabi ng ‘di mga Muslim tungkol sa Quran, Islam, at kay Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan). At marahil tatanggapin ninyo ang mga sinasabi ko na malinaw at dokumentado sa buong daigdig! Na si Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan) ay ang pinaka-matalinong indibidwal sa kasaysayan ng sangkatauhan. Tingnan kung ano ang kanilang sinasabi. Na ang Quran ay ang pinaka dakila, at ang pinaka malalim na panitikan sa talaan ng kasaysayan! Tingnan kung ano ang kanilang sinasabi. Na ang pamamaraan ng buhay Pang-Islamiko ay naka-ayos at napaka-wasto at buhay na buhay! Ito ay hindi nagbago.

Ang banal na kasulatan na natanggap ni Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan) ay tinatawag na ‘Quran’. At ang bawat isa sa mga propeta at mga sugo ay nakatanggap din ng banal na kasulatan. Sa Quran, ang mga propetang ito, ang kanilang banal na mga kasulatan, ang kanilang mga kwento, at mga alituntunin ng kanilang misyon ay binanggit nang buong detalye. Si Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan) ba ay nakipagkita sa kanila, nakipag-usap ba sa kanila, kumain kasama nila, at nakipagtulungan sa kanila para sa pagsusulat ng kanilang talambuhay? Hindi, syempre hindi nya ginawa ‘yun. Sa Quran, si Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan) ay kinikilala bilang sugo ng Makapangyarihang Diyos at ang Tanda na mga nangaunang propeta –kung saan Limitado lang ang kanyang papel bilang isang tao.

Si Muhammad ay hindi ama ng kahit na sinumang kalalakihan sa inyo, kundi siya ay Sugo ni Allah, ang pinakahuli sa lahat ng mga Propeta. At si Allah ang Siyang walang-hanggang Nakababatid sa lahat ng bagay.”

[Quran 33:40]

Ang mga Muslim ay hindi sumasamba kay Muhammad, hindi kami mga ‘Muhammadan’. Wala kaming karapatang baguhin ang pangalang ‘Muhammad’ at sabihing kami ay mga ‘Muhammadan’. Hindi. Ang mga taong sumunod kay Moses, hindi sila mga ‘Mosean’. Ang mga taong sumunod kay Jacob ay hindi mga ‘Jacobites’. O ang mga taong sumunod kay Abraham ay hindi mga ‘Abrahamian’. O ‘Davidians’. Hindi,. Kung ganun paanong tinatawag ng mga tao ang kanilang mga sarili na ‘Kristiyano’? Si Kristo ay hindi tumawag sa kanyang sarili na ‘Kristiyano’, kaya’t paanong tinatawag ng mga tao ang kanilang sarili na mga ‘Kristiyano’?

Si Hesu Kristo (Sumakanya ang Kapayapaan) ay nagsasabi kung anuman ang kanyang matanggap sa Makapangyarihang Diyos ay ang salita ng Dyos, at kung ano ang kanyang narinig ay siyang kanyang sinabi! Iyan ang ginawa niya! Kung gayun, paanong tinatawag ng mga tao ang kanilang mga sariling mga ‘Kristiyano’? Tayo ba ay dapat maging katulad ni Kristo! At ano ba ang gaya ni Kristo? Siya ay tagapaglingkod ng Makapangyarihang Diyos; kung gayun nararapat tayo maging tagapaglingkod ng Makapangyarihang Diyos, ‘yun lang!

Tulad sa huling banal na kasulatan at banal na rebelasyon, Ang Quran ay nagbibigay ng ganap na malinaw at maiksi ngunit puno ng laman na pahayag,

“Sa araw na ito, Aking kinumpleto ng ganap ang inyong relihiyon(Deen) at kinumpleto ang Aking biyaya sa inyo at pinili ko ang Islam bilang ganap ninyong pamamaraan ng buhay.”

[Quran 5:3]

Kaya sa pamamagitan ng Quran, dumating ang salitang ‘Islam’.

Sapagkat, kapag nakumpleto na ang gusali, tinatawag nyu itong isang ‘bahay’. Kapag ang sasakyan ay nasa pagawaan pa, hindi pa ito ‘isang kotse’ – ito ay nasa proseso pa lang ng pagbubuo! Kapag ito ay nakumpleto na, at ito ay nasuri na ng husto, at sinubukan ng maniuhin – ito ay isa nang “kotse’. Noong makumpleto ang Islam bilang isang rebelasyon, bilang isang aklat, bilang isang halimbawa sa pamamagitan ni Propeta Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan), ito ay naging ‘Islam’. Ito ay naging ganap na pamamaraan ng buhay.

Marahil ito ay salitang bago … Ngunit hindi ang gawain…hindi ang propeta…hindi ang utos galing sa Panginoon…hindi bagong Diyos..hindi bagong rebelasyon… Tanging ang pangalan lamang na, Islam. At gaya ng nauna kong sinabi, sino ang lahat ng mga propeta? Silang lahat ay mga Muslim. Isa pang kaibahan na dapat isaisip na si Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan), hindi katulad ng kanyang mga nahalili – hindi siya nagpunta sa mga Arabo o sa kanyang sariling mga tao lamang. Hindi… Samakatuwid, ang Islam ay hindi isang rellihiyon ng mga Arabo. Bagama’t si propeta Muhammad, anak ni Abdullah, ay isinilang sa Mecca, isang lungsod sa Saudi Arabia, at ipinanganak na Arabo, hindi niya dinala ang Islam sa mga Arabo lamang. Dinala niya ang Islam sa lahat ng mga tao.

Bagama’t ang Quran ay inihayag sa wikang Arabik, iniwaksi niya ang anumang kagustuhan o deklarasyon na ang mensahe ni Muhammad ay nakalaan lamang para sa mga Arabo. Sinabi ni Allah sa Banal na Quran,

“At hindi ka Namin ipinadala, O Muhammad, kundi bilang Habag sa sangkatauhan at sa lahat ng mga nilikha.”

[Quran 21:107]

Si Propheta Mohammad ay nagsabi: Lahat ng tao ay nanggaling kay Adan at Eva, At ang isang Arabo ay hindi nakakataas sa hindi arabo, At hindi rin nakakataas ang hindi arabo, sa isang arabo, at ang maputi ay hindi nakakataas sa isang maitim, ni hindi rin nakakataas ang isang maitim , sa isang maputi, Maliban sa kababaang loob at Mabuting Gawa Sa gayon, si Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan) ay ang huli at ang korona ng mga dakilang propeta at sugong nangauna sa kanya. Karamihan sa mga tao – wala silang alam tungkol dito.

At dahil ako ay sumasangguni sa Quran para ipagtibay ang aking pagsasalaysay, ako ay magbibigay ng mga impormasyon ukol sa Quran mismo. Una sa lahat, inaangkin ng Quran na ito ay bunga ng banal na rebelasyon. Na iyon at ipinabatid ng panginoon makapangyarihan kay Mohammad bilang isang inspirasyon.

Sabi ni Allah,

“Ni sinabi Niyang ito’y anuman sariling pagnanais.”

“Ngunit ito ay inspirasyon na ipinabatid Sakanya.”

[Quran 53:3-4]

Si Muhammad ay hindi nagsasalita tungkol sa kanyang sarili o kanyang mga ideya,o kanyang mga ambisyon, o sariling damdamin at nararamdaman . Kundi, ito ay isang rebelasyon na inihayag sa kanya! Ito ang pahayag ni Allah. Samakatuwid, kung kayo ay aking kukumbinsihin sa pagiging tunay ng Quran, dapat kong patunayan – una, na imposible para kay Muhammad na gumawa ng ganoong aklat. Ikalawa, dapat kong patunayan na napaka imposible para sa lipon ng mga tao na makagawa nito. Pag-isipan natin ito.

Binanggit sa Quran ang pahayag na ito,

“At nilikha namin ang mga tao mula sa namuong dugo na nakakapit sa sinapupunan.”

[Quran 23:13]

“Ang tao’y nilikha mula sa nakakapit na laman.”

[Quran 96:2]

Paano nalaman ni Propeta Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan) na ang embrayo ay mula sa namuong dugo at nakakapit sa sinapupunan ng kanyang ina? Mayroon ba siyang teleskopyo? Mayroon ba siyang cystoskopyo? Mayroon ba siyang parang “x-ray vision”? Papaano niya nakuha ang mga kaalaman na ito, Kung natuklasan lang ito sa nakalipas na Pitumpong taon?

Gayon din, paano niya nalaman na ang karagatan ay mayroong harang sa pagitan nila upang maghiwalay ang asin at sariwang tubig?

“At Siya ang nagpalaya sa dalawang karagatan (uri ng tubig), ang isa ay matabang at sariwa, at ang isa naman ay maalat at mapait, at Nilagyan niya ito ng harang at kumpletong partisyon sa pagitan nila.”

[Quran 25:53]

Paano niya nalaman ang mga ito?

“At si Allâh ang siyang lumikha ng gabi; upang makapagpahinga ang mga tao, at ganoon din ang araw; upang sila ay makapaghanap-buhay, at nilikha Niya ang araw (shams o sun) bilang tanda ng umaga, at nilikha Niya ang buwan bilang tanda ng gabi, at bawa’t isa sa dalawa ay nasa ‘Falak’ (orbit’ o ligiran) na nakalutang.”

[Quran 21:33]

Paano niya nalaman na ang araw, ang buwan, at ang mga planeta ay nakalutang at umiikot sa isang orbita na iniayos para sa kanila?

Paano niya ito nalaman?– paano niya nalaman ang mga bagay ito? Ang mga ito ay natuklasan lamang noong nakaraang dalawampu’t lima o tatlumpung taon. Ang teknolohiya at siyensya, ang karunungan na ikaw at ako ay ganap na nakakaalam na ito’y kailan lang natuklasan. Paano ito nalaman ni Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan), na nabuhay sa nakaraang mahigit Isang Libo at limang daang (1500) taon – isang mangmang na nag papastol at walang pinag-aralan na lumaki sa desyerto, na walang alam sa pagsusulat o pagbasa – paano niya malalaman ang ganitong bagay? Paano siya makakagawa ng ganitong bagay? At paano magagawa ng kahit sinuman sa nakasama niya sa buhay, bago, o pagkatapos, ang isang bagay na kailan lang natuklasan. Imposible ‘yun! Paano magagawa ng isang tao na hindi umalis sa Bansang Arabia“Arabian Peninsula”, isang taong hindi kailanman naglayag sa isang barko, na nabuhay lamang noong nakaraang Isang Libo at limang daang(1500) taon – na gumawa ng isang malinaw at kamang-hamanghang mga paglalarawan na kailan lang natuklasan sa higit na kalahating siglo na ito At saka, kung hindi pa ito sapat, hayaang niyong banggitin ko, na ang Quran ay mayroong isang daan at labing-apat na mga kabanata, mahigit na anim na libong mga bersikulo. At mayroong daan-daang mga tao sa panahon ng Propeta Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan) ang naisinaulo ang buong aklat. Paano nangyari iyon? Isa ba siyang henyo? Mayroon bang sinuman ang nakapagsaulo ng ebanghelyo – mayroon ba sa kanila? Mayroon bang sinuman ang nakapagsaulo ng Torah, ng mga Salmo, Ang Lumang Tipan, at ang Bagong Tipan? Walang sinuman ang nakagawa ‘nyan. Kahit na ang Santo Papa.

Ngunit mayroong milyon-milyong mga Muslim ngayon ang nakapagsaulo ng buong aklat na ito. Ito ang hangarin ng bawat Muslim. Hindi ng iilan – kundi Karamihan! Ilang mga Kristiyano na ba ang nakilala niyo sa buong buhay niyo, na nagkapagsaulo ng Bibliya? Wala. Wala pa kayong nakilalang sinumang Kristiyano na nakapagsaulo ng buong Bibliya, sapagkat wala pa kayong nakikilalang isang Kristiyano na kahit man lang alam kung ano ang kabuuan ng Bibiliya. Bakit ganon? Sapagkat, ang mga Kristiyano mismo ay mayroong mahigit pitong daan na sekta, at mayroong halos tatlumpu’t siyam na iba-ibang mga bersyon ng Bibliya – kasama ng iba-ibang mga aklat at iba’t-ibang mga bersyon. Iba’t-ibang bilang ng mga bersikulo at iba’t-ibang bilang ng mga kabanata. At hindi sila sumasang- ayon diyan. Kaya paano man lang nila maisasaulo ang hindi nila naipagkakasunduan.

Iyon ay ilan lang na mga katunayan tungkol sa Quran. Ang Quran ay pinangalagaan ng husto na walang kahit man lang napakaliit na pag-babago sa anumang uri sa loob ng labinlimang siglo. At hindi ako nagsasalita nang may pamimintas. Ako’y isang taong dating Kristiyano. Isang taong nakatuklas sa mga bagay na ito sa sarili kong pagsisiyasat. Isang taong ibinabahagi ang impormasyong ito sa inyo. Nagbabaligtad ng ilang malalaking bato para makita ninyo ang ilalim. At nasasa inyo na ito!

Isipin ninyo na lang kung ang lahat ng ito ay totoo. Sasang-ayon ba kayo na ang aklat na ito ay dakila? At natatangi?kahit papaano, Kayo ba ay magiging tapat para sabihin ‘yun? Siyempre naman, kung kayo ay tapat. At kayo ay tapat. Sa inyong kalooban, kailangan ninyo makarating sa ganoong palagay. Maraming ibang ‘di mga Muslim ang nakarating sa ganoong palagay. Ang mga tao tulad nina Benjamin Franklin, Thomas Jefferson, Napoleon Bonaparte, at Winston Churchill, para magbanggit ang ilan. Marami pang iba at maaari akong magpatuloy, at tuloy-tuloy. At Nakarating sila sa ganoong palagay. Kung Natanggap man nila ang Islam nang hayagan, o hindi. Narating nila ang ganoong palagay na walang ibang panitikan sa mundo ang kasing dakila ng Quran, ang pinagmumulan ng karunungan at nagbibigay-lunas, at gabay.

Ngayong naiayos na natin ang usapin tungkol sa pagiging tunay ng Quran, pumunta naman tayo sa isa pang paksa: ang mga pangunahing tema ng Quran. Ang pagiging isa ng Makapangyarihang Diyos, na kabilang ang Kanyang mga pangalan, mga katangian, ang kaugnayan sa pagitan ng Diyos na Makapangyarihan at Kanyang mga likha, at kung paano mapapangalagaan ng mga tao ang kaugnayan ito. Ang pagpapatuloy ng mga propeta at mga sugo, ang kanilang buhay, ang kanilang mga mensahe, at ang kanilang kabuuang misyon. Ang paggiit sa pagsunod sa huli at pandaigdigang halimbawa ni Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan), Tanda ng mga Propeta at Sugo. Nagpapaalala sa mga tao sa iksi ng buhay na ito at tinatawag sila patungo sa walang hanggang buhay sa kabilang buhay. Ang Kabilang buhay, ibig sabihin pagkatapos dito. Kabilang buhay, iiwan niyo ang lugar na ito at magpupunta kung saan; hindi sinasabing mamayang gabi. Kundi pagkatapos ninyong mamatay at iwan ang mundong ito, kayo ay magpupunta kung saan, tanggapin niyo man, o hindi niyo alam ang tungkol doon; Pupunta kayo doon, at ikaw ay responsable, sapagkat ikaw ay pinagsabihan – kahit ito ay iyong tanggihan. Sapagkat ang layunin ng buhay na ito ay hindi ang maupo rito, at pagkatapos nito ay wala at walang epekto. Bawat sanhi ay may epekto! At ikaw ay dumating sa buhay na ito para sa isang dahilan at isang layunin. At mayroon dapat itong epekto! Kailangan nitong tiyaking may epekto! Hindi ka nagpupunta ng paaralan para lang manatili doon! Hindi ka nagtratrabaho para hindi bayaran! Hindi ka magtatayo ng isang bahay at hindi lilipat doon! Hindi ka magpapagawa ng kasuotan at hindi susuotin! Hindi ka lumaki mula sa pagkabata at hindi magiging matanda! Hindi ka nagtratrabaho nang hindi umaasa ng suhol! Hindi ka mabuhuhay na hindi umaasang mamamatay! Hindi ka mamamatay na hindi umaasa ng libingan! At hindi ka maaaring umasa na ang libingan ang katapusan. Sapagkat iyon ay mangangahulugang ikaw ay nilikha ng Panginoon na Walang saysay na layunin. At hindi ka nagpunta ng eskwelahan, nagtrabaho, o gumawa ng anuman, o pumili ng asawa, o pumili ng pangalan ng iyong mga anak para sa isang walang saysay na layunin. Paano mo itatalaga sa Panginoon ang isang bagay na mababa na higit sa iyong sarili.

Sa pagtatangkang mabihag at makonbisi ang imahinasyon at kakayahan ng pangangatwiran, ang Quran ay dumadaan sa napakahaba at di maipaliwanag na kagandahan ng mga karagatan at mga ilog, mga puno at halaman, mga ibon at mga insekto, mga mababangis at maaamong hayop, mga kabundukan, mga lambak, ang lawak ng kalangitan, mga bagay sa kalangitan “Celestial bodies” at ng daigdig, mga isda at mga buhay sa katubigan, mga anatomiya ng mga tao at biyolohiya, mga sibilisasyon ng mga tao at kasaysayan, mga larawan ng paraiso at impyerno, mga ebolusyon ng embrayo ng tao, mga misyon ng lahat ng mga propeta at sugo, at mga layunin ng buhay dito sa Kalupaan. At paano magagawa ng isang pastol, na isinilang sa desyerto, na lumaking walang pinag-aralan at hindi marunong magbasa – paano niya maipapaliwanag ang tungkol sa mga bagay na hindi pa niya kailanman nakita?

Ang pinaka-natatanging aspeto ng Quran, ay ang ito ay nagpapatunay sa lahat ng banal na kasulatan na naihayag sa nakaraan at, pagkatapos suriin ang relihiyon ng Islam, kailangan mong magpasya na maging isang Muslim, hindi mo kailangang isipin ang iyong sarili na pinapalitan ang iyong relihiyon! Hindi mo pinapalitan ang iyong relihiyon… Tingnan mo, kapag pumayat ka, hindi mo itatapon ang iyong kasuotang nagkakahalaga ng Limang daang dolyar($500) – siyempre hindi! Dadalhin mo ‘yun sa isang mananahi at sasabihing, ‘Makinig ka, gawin mo itong mas maliit para sa akin, pakiusap. Baguhin mo ito dahil gusto ko itong kasuotan na ito’. Gayundin, sa iyong pananampalataya, ang iyong dangal, ang iyong pag-uugali, ang iyong pagmamahal kay Hesu Kristo, ang iyong ugnayan sa Panginoon, ang iyong pagsamba, ang iyong katapatan, at ang iyong dedikasyon sa Makapangyarihang Diyos – hindi mo babaguhin at itatapon ang mga iyon! Ito ay iyong panghahawakan! Ngunit, may gagawin kang pag-babago sa kung saan alam mong ang katotohanan ay naihayag sa iyo! ‘Yun lang!

Ang Islam ay simple: ang sumaksi na walang ibang dapat sambahin maliban ang Makapangyarihang Diyos. Kung tatanungin ko ang sinuman sa inyo na sumaksi na ang iyong ama ay iyong ama – ilan sa inyo ang magsasabing, ‘Oo, ang aking ama ay ang aking ama; Ang aking anak ay ang aking anak; Ang aking asawa ay ang aking asawa; Ako ay ako’. Kung gayon, bakit kayo nag-aalinlangan na sumaksi na ang Makapangyarihan ay Iisa at ang Makapangyarihang Diyos ay tanging Nag-iisa, at ang Makapangyarihang Panginoon ay iyong Diyos at iyong tagapaglikha? Bakit kayo arogante na gawin ito? Kayo ba ay maluwalhati? Taglay niyo ba ang isang bagay na hindi taglay ng Panginoon? O, ikaw ba ay naguguluhan? ‘Yan ang katanungan na dapat ninyong itanong sa iyong sarili.

Kung mayroon kang pagkakataon na itama ang mga bagay-bagay kasama ng inyong konsensya at itama ang mga bagay kasama ang Panginoon, gagawin mo ba? Kung mayroon kang pagkakataon na tanungin ang Panginoon na tanggapin ang pinakamaganda mong mga gawain, gagawin mo ba? Kung mayroon kang pagkakataon na gawin ito bago ka pumanaw, at naisip mong ikaw ay mamamatay ngayong gabi, hindi ka ba mag-aalinlangan na sumaksi na iisa lang ang Panginoon? Kung naisip mo na ikaw ay papanaw ngayong gabi at sa iyong harapan ay isang paraiso at sa iyong likuran ay impyerno, hindi ka ba mag-aalinlangan na sumaksi na si Muhammad ay ang huling sugo ng Panginoon at kinatawan ng lahat ng propeta? Hindi ka mag-aalinlangan na sumaksi na ikaw ay isa sa mga iyon na gustong maisulat sa aklat ng Panginoon katulad sa mga nagpasakop!

Pero, isipin mong ika’y mabubuhay ng maikling sandali. At siyempre hindi ka handang magdasal arawaraw! ‘ng dahil inaakala mong ikaw ay mabubuhay ng isang saglit lang. Ngunit gaano nga ba kaikli ang ‘isang maikling sandali’? Gaano katagal na ba ‘noong na kumpleto ang buhok mo sa ulo? Gaano katagal na ba ‘noong itim pa ang lahat ang mga buhok mo? ‘Nung magkaroon ka ng mga kumikirot at masasakit na tuhod at mga siko at sa ibang bahagi ng katawan! Gaano katagal na ba ‘nung ikaw ay musmus pa lamang, na tumatakbo at naglalaro na walang kamalay malay? Gaano na ba katagal ‘yun? Kahapon lang ‘yun! Oo. At ikaw ay maaring pumanaw bukas. Kaya gaano katagal ka pang maghihintay?

Ang Islam ay ang pagsaksi na ang Makapangyarihang Diyos ay Diyos, ang nag-iisang Panginoon, na walang sinumang mga kasama. Ang Islam ay ang pagkilala sa Pagkakaroon ng mga Anghel na ipinadala kasama ng tungkulin ng paghahayag ng mga rebelasyon sa mga propeta. Dala-dala ang mensahe para sa mga propeta. Namamahala sa hangin, kabundukan, karagatan, at kinukuha ang mga buhay ng mga iniutos ng Panginoon na mamatay. Ang Islam ay pagkilala na ang lahat ng mga propeta at mga sugo ng Makapangyarihang Diyos ay mga taong mabubuti. At na sila ay ipinadala ng Makapangyarihang Diyos na kinikilala ang katotohanang mayroong huling araw ng paghuhukom para sa lahat ng mga nilalang. Ang Islam ay ang pagkilala na ang kabutihan at kasamaan ay naisukat ng Makapangyarihang Diyos. At ang huli, ang Islam ay ang pagtanggap na tiyak na mayroong magaganap na muling pagkabuhay pagkatapos ng kamatayan.

A ng Islam ay parang isang malaking bahay. At ang bawat bahay ay kinakailangang itayo nang may pondasyon at mga haligi na susuporta sa isang bahay. Mga haligi at pondasyon. At kailangan mong magtayo ng isang bahay na may mga batas. Ang mga haligi ay ang mga batas! At kung magtatayo ka ng iyong bahay ay dapat mong sundin ang mga batas.

Ang mga pangunahing tungkulin na nakaatas sa bawat Muslim ay simple, at pinaiksi sa limang mga payak na batas, na tinatawag na Ang Limang Haligi ng Islam: Pagpapahayag, Pagdarasal,Pagbibigay ng zakah(Abuloy) Pag-aayuno, at Paglalakbay sa Makkah.

Ang pinakamahalagang batas ng Islam ay ang sumang- ayon sa istriktong alituntunin na iisa lang ang Diyos. ‘Yan ay, ang hindi pagtanggap ng sinuman kasama ng Panginoon. Ang hindi pagsamba sa kahit na anuman kasama ng Panginoon. Ang mananampalataya ay sumasamba sa Panginoon nang tuwid at walang namamagitang mga pari o ministro o mga santo. Ang hindi pagsabi ng anumang bagay tungkol sa Panginoon na wala kang karapatang sabihin. Ang hindi pagsabi na, ‘mayroon siyang ama’, anak na lalaki, anak na babae, ina, tiyuhin, tiyahin, lupon ng mga katiwala’. Ang hindi pagsalita tungkol sa Panginoon ng anumang bagay na wala kang karapatang sabihin. Kung ikaw ay sumasaksi, hinahatulan mo ang iyong sarili. Gagawin mo ang hatol na gusto mo. Maaaring hatulan mo ang iyong sarili ng kapayapaan at paraiso, o hatulan mo ang iyong sarili ng pagkalito, kabiguan, apoy ng impyerno at kaparusahan. Hinahatulan mo ang iyong sarili.

Kaya tanungin mo ang iyong sarili, “Ako ba ay sumasaksing iisa lang ang Panginoon?” Kapag itinanong mo ‘yan sa iyong sarili, kailangan mo itong sagutin, “Oo ako ay sumasaksi”. Pagkatapos ay tanungin mo ang iyong sarili ng susunod na tanong. Ako ba ay sumasaksi na si Muhammad ay isang sugo ng Makapangyarihang Diyos “Oo, ako ay sumasaksi”. Kung ikaw ay sumasaksi sa mga ‘yan, ikaw ay isang Muslim. At hindi mo kinakailangang baguhin kung ano ang nakaraan mo. Kailangan mo lang ng mga pag-babago sa kung ano ka dati – sa pag-iisip at gawain.

Sa wakas, tatanungin ko kayo ng isang tapat at direktang katanungan: Naunawan niyo ba ang aking sinabi sa inyo? Kung sumasang-ayon kayo sa aking sinabi at handang pumasok sa Islam, kayo ay handang maging Muslim. Para maging isang Muslim, dapat mo munang Magpahayag ng Shahada “ang pagsaksi”, na isang pagpapahayag sa paniniwala sa kaisahan ng Diyos at ang pagtanggap kay Muhammad na propeta ng Diyos.

لا إله إلا الله محمد رسول الله
La ʾilaha ʾillā-llah, muhammadun rasulu-llah
Walang ibang diyos maliban kay Allah (Panginoon),
at si Muhammad ay ang sugo ng Panginoon.

Ako ay tunay na sumasaksi iisa lamang ang Diyos
Ako ay tunay na sumasaksi na si Muhammad ay ang sugo ng Diyos.

Mangyaring tingnan ang Video para sa tamang pagbigkas!

Sumaatin nawa ang pagpapala ni Allah. Patnubayan nawa tayo ni Allah. Nais kong sabihin sa lahat ng mga ‘di-Muslim na mambabasa ng pahayagang ito – Maging tapat sa inyong sarili. Pag-isipan ang inyong nabasa. Dalhin niyo ang mga impormasyong ito at ilagay sa inyong kalooban. Maupo kasama ng isang Muslim at hayaan mong kanyang ipaliwanag nang husto sa iyo ang kagandahan ng Islam. Gawin mo na ang susunod na hakbang!

Kung ikaw ay handa nang tanggapin ang Islam at maging isang Muslim, linisin ang iyong sarili bago pormal na maging isang Muslim. Tanggapin ang Islam. Alamin ang Islam. Gawin ang Islam. At magdiwang sa mga biyaya na ipinagkaloob sa iyo ni Allah, sapagkat ang pananampalataya ay hindi isang bagay na maaari mong ipagsawalang bahala. Kung hindi mo ito gagawin, ito’y maglalahong parang halimuyak ng pabango. Nawa’y patnubayan tayo ni Allah, Nawa’y tulungan tayo ni Allah. At pinapahalagahan ko ang karangalan na makapagsalita sa inyo sa pamamagitan ng pahayagang ito.

السَّلاَمُ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَةُ اللهِ وَبَرَكَاتُهُ
Assalamu Alaikum wa rahmatullahi wa barakatuh
[Wikang Tagalog “Sumainyo nawa ang Kahabagan at Kapayapaan ni Allah at nang Kanyang mga Biyaya.”]

Kung nais niyong maging isang Muslim o kailangan niyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa Islam, mag-email po sa amin sa info@islamicbulletin.org.


Tingnan / I-print ito Artikulo sa Flipping Book

Paano Maging isang Muslim Video