ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM ang maikling paglalarawan ng pamamatnubay tungo sa pag-unawa sa islam Pangalawang Edisyon I. A. Ibrahim Salin sa Wikang Pilipino ni: Muhammad Ameen C. Cave Mga Pangkalahatang Patnugot Dr. Willaim (Daoud) Peachy Michael (Abdul-Hakim) Thomas Tony (Abu-Khaliyl) Sylvester Idris Palmer Jamaal Zarabozo Ali AlTimimi Mga Patnugot ng Siyensiya Professor Harold Stewart Kuofi Professor F. A. State Professor Mahjoub O. Taha Professor Ahmad Allam Professor Salman Sultan Associate Professor H. O. Sindi Sa Ngalan ng Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain Islamic Information towards Understanding, Peace & Prosperity of our Nation ISCAG – CAVITE, PHILIPPINES
ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Karapatang Magpalathala (Copyright) © 2007 I. A. Abu-Harb. Ang lahat ng Karapatang Magpalathala ay nakalaan sa may-akda ng aklat na ito. Ang aklat na ito o anumang bahagi ng aklat na ito ay hindi maaaring ilimbag, ilathala o ibahagi sa anumang uri o pamamaraan, maging pang-electronic, mekanikal, kabilang din ang pagsipi sa pamamagitan ng Xerox, pagsasatunog-boses, at pagpapanitili sa anumang gamit na nag-iimbak at nagbibigay ng impormasyon na walang kasulatang pahintulot mula sa may akda, maliban lamang sa pinapahintulutang kalagayan na matatagpuan sa ibaba. Para sa Paglilimbag: Ilimbag o sipiin ang aklat na ito sa kondisyong walang gagawing anumang pagbabago, pagdaragdag at pagbabawas sa mga nilalaman nito at ito ay ipamamahagi nang libre. Makipagugnayan sa may-akda para sa libreng sipi ng aklat na ito sa computer para sa magandang uri ng imprenta. Ang web site at kabuuan ng aklat na ito, at marami pang mahahalagang impormasyon hinggil sa Islam ay matatagpuan sa www.islam-guide.com/tg Unang Edisyon - Unang Lathala ISBN:9960-57-191-2
1 MGA NILALAMAN ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM PAUNANG SALITA ………………………...........….. 3 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ..................................................... 5 (1) Ang Mga Himalang Makasiyensiya sa Banal na Qur’an... 5 A) Ang Qur’an Hinggil sa Paglaki ng Bilig sa Sinapu-punan ng Tao.. 6 B) Ang Qur’an Hinggil sa mga Bundok ………….....................…. 11 C) Ang Qur’an Hinggil sa Simula ng Sanlibutan …….................... 14 D) Ang Qur’an Hinggil sa Cerebrum (Utak) ………................…... 16 E) Ang Qur’an Hinggil sa mga Dagat at Ilog ……...…..............…. 17 F) Ang Qur’an Hinggil sa mga Malalim na Dagat at mga Panloob na Alon......................................................................................... 20 G) Ang Qur’an Hinggil sa mga Ulap ............................................... 22 H) Ang mga Komentaryo ng mga Siyentipiko Hinggil sa mga Himalang nasa Qur’an ………...……….................................… 27 (2) Ang Matinding Hamon na Lumikha ng Isang Kabanata na Katulad ng mga Kabanata ng Banal na Qur’an ....... 32 (3) Ang mga Hula sa Bibliya Hinggil sa Pagdating ni Muhammad , ang Propeta ng Islam ………...….…... 33 (4) Ang mga Talata sa Qur’an na Bumanggit sa mga Pangyayari sa Hinaharap na Nagkatotoo ……..…...…. 35 (5)Mga Himala na Ginawa ni Propeta Muhammad ....… 36 (6) Ang Simpleng Buhay ni Muhammad .....………....... 37 (7) Ang Pambihirang Pag-unlad ng Islam ……………….. 40 mga nilalaman Kabanata 2 ILAN SA MGA PAKINABANG SA ISLAM …........................41 (1) Ang Pintuan Patungo sa Walang-hanggang Paraiso..… 41 (2) Kaligtasan Mula sa Impiyerno ...............……..…...…. 42 (3) Ang Tunay na Kaligayahan at Kapayapaan ng Kalooban .. 43 (4) Kapatawaran sa Lahat ng mga Nakaraang Kasalanan .. 44
2 MGA NILALAMAN ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Kabanata 3 PANGKALAHATANG KAALAMAN TUNGKOL SA ISLAM ..... 45 Ano ang Islam? ................................................................... 45 Ilan sa mga Pangunahing Paniniwala sa ............................ 45 1) Paniniwala sa Allah ..................................................................... 45 2) Paniniwala sa Pagkakaroon ng mga Anghel ….......................…. 47 3) Paniniwala sa mga Aklat na Ipinahayag ng Allah …................... 48 4) Paniniwala sa mga Propeta at Sugo ng Allah ……...............…... 48 5) Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom …….....…....................…. 48 6) Paniniwala sa Al-Qadar (Tadhana) .............................................. 48 Mayroon bang Ibang Banal (Kasulatan) na Pinagkukunan Maliban sa Qur’an? ............................................................. 49 Mga Halimbawa ng mga Salawikain ni Propeta Muhammad ….............................................................… 49 Ano ang Sinasabi ng Islam Hinggil sa Araw ng Paghuhukom? ……..................................................…...…. 50 Papaano Magiging Muslim ang Isang Tao? ........................ 52 Ano ang Qur’an? …….................................................….... 54 Sino si Propeta Muhammad ? …...…….............……….. 54 Papaano Nakaapekto ang Paglaganap ng Islam sa Pag-unlad ng Siyensiya?...................................................................... 56 Ano ang Paniniwala ng mga Muslim Hinggil kay Hesus?.. 57 Ano ang Sinasabi ng Islam Hinggil sa Terorismo? …...…. 59 Ang Mga Karapatan ng Tao at Katarungan sa Islam .......... 61 Ano ang Katayuan ng mga Kababaihan sa Islam? …..….... 63 Ang Pamilya sa Islam ………..............................……….. 64 Papaano Pinakikitunguhan ng mga Muslim ang Kanilang mga Matatanda? ........................................................................... 64 Ano ang Limang Haligi ng Islam? .......................................... 65 1) Ang Pagsaksi sa Pananampalataya ............................................. 65 2) Pagdarasal …….......................................................................…. 66 3) Pagbibigay ng Zakat (tulong sa mga Nangangailangan o Mahihirap).. 66 4) Pag-aayuno (Fasting) sa Buwan ng Ramadan ……..................... 67 5) Ang Peregrinasyon (Paglakbay) sa Makkah ….......................…. 67 Para sa Karagdagang Impormasyon sa Islam ..................... 69 Para sa mga Mungkahi at Komentaryo sa Aklat na ito ........69 Mga Reperensiya ................................................................ 70 Ang Paglalagay ng mga Bilang ng mga Hadeeth ............... 74
3 PAUNANG SALITA ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM paunang salita Ang aklat na ito ay isang maikling paglalarawan ng pamamatnubay tungo sa pag-unawa sa Islam. Ito ay mayroon tatlong kabanata. Ang unang kabanata, “Ilan sa mga Patotoo Hinggil sa Katotohanan ng Islam,” nagbibigay kasagutan sa ilang mahahalagang katanungan ng ilang mga tao. • Ang Qur’an ba ay totoong literal (letra-por-letra) na salita ng Diyos, na Kanya mismong ipinihayag? • Si Muhammad 1 ba ay tunay na Propetang isinugo ng Diyos? • Ang Islam ba ay tunay na relihiyon na mula sa Diyos? Sa kabanatang ito, anim na uri ng mga patotoo ang nabanggit: 1) Ang mga Himalang makasiyensiya (makaagham) sa Banal na Qur’an: Ang bahaging ito ay tinalakay na (may paglalarawan) sa ilang makaagham na katotohanan na kailan lamang natagpuan na naihayag sa Qur’an, labing-apat na dantaon na ang nakararaan. 2) Ang Matinding Hamon na Lumikha ng Isang Kabanata na Katulad ng mga Kabanata ng Banal na Qur’an: Sa Qur’an, hinamon ng Allah ang lahat ng sangkatauhan na gumawa ng katulad na kabanata na nasa Qur’an. Simula pa nang ihayag ang Qur’an, labing-apat na dantaon na ang nakaraan, hanggang sa ngayon, walang sinuman ang nakatugon sa hamon na ito, kahit na sa pinakamaiksing kabanata ng Qur’an (Kabanata 108) na mayroong 10 salita lamang. 1 () - ‘Salla Allahu Alaihi wa Sallaam’, isang pangungusap sa wikang Arabik na ang kahulugan ay: ‘Nawa’y itampok ng Allah ang pagbanggit sa kanya at iligtas siya sa anumang masama at paninira.’
4 PAUNANG SALITA ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 3) Ang mga Hula sa Bibliya sa Pagdating ni Muhammad , ang Propeta ng Islam: Sa bahaging ito ay tinalakay ang ilan sa mga Hula sa Bibliya sa pagdating ni Propeta Muhammad . 4) Ang mga Taludtod sa Qur’an na Bumanggit ng mga Pangyayari sa Hinaharap na Pagkatapos ay Nagkatotoo: Ang Qur’an ay bumanggit ng mga pangyayari sa hinaharap na pagkatapos ay nagkatotoo, halimbawa, ang pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Persiyano. 5) Mga Himala na Ginawa ni Propeta Muhammad : Maraming mga himalang ginawa si Propeta Muhammad . Ang mga himalang ito ay nasaksihan ng maraming tao. 6) Ang Simpleng Buhay ni Muhammad : Ito ay maliwanag na palatandaan na si Muhammad ay hindi bulaang propeta na nagangkin ng pagkapropeta upang magtamo ng materyal na mga bagay, kadakilaan o kaya’y kapangyarihan. Mula sa anim na uri ng mga patotoo, kami ay nagpapatibay na: • Ang Qur’an ay totoong literal (letra-por-letra) na salita ng Diyos, na Kanya mismong ipinahayag. • Si Muhammad ay tunay na Propetang isinugo ng Diyos. • Ang Islam ay tunay na relihiyong mula sa Diyos. Kung ibig nating malaman kung ang isang relihiyon ay totoo o huwad, kinakailangang huwag tayong manangan sa ating mga damdamin, at mga emosyon o kaya’y mga kaugalian. Bagkus, tayo’y bumatay sa ating katwiran at karunungan. Nang isugo ng Diyos ang mga propeta, Kanyang sinuportahan sila sa pamamagitan ng mga himala at patotoong nagbigay katibayan na sila’y tunay na mga propetang isinugo ng Diyos, kaya’t, ang relihiyong kanilang dinala ay totoo. Ang pangalawang kabanata, “Ang Ilang mga Pakinabang sa Islam,” ay nagbanggit ng ilang mga pakinabang na naibigay ng Islam sa mga tao, tulad ng: 1) Ang Pintuan Patungo sa Walang-hanggang Paraiso 2) Kaligtasan Mula sa Impiyerno. 3) Tunay na Kaligayahan at Katiwasayang-loob. 4) Kapatawaran sa Lahat ng mga Nakaraang Kasalanan. Ang pangatlong kabanata, “Ang Pangkalahatang Kaalaman Tungkol sa Islam,” ay nagbigay ng pangkalahatang kaalaaman tungkol sa Islam, nagtuwid ng mga maling pala-palagay tungkol dito, at sumagot sa mga pangkaraniwang katanungan, tulad ng: • Ano ang sinasabi ng Islam hinggil sa terorismo? • Ano ang katayuan ng mga kababaihan sa Islam?
Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 5 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Kabanata 1 ang ilan sa mga patotoo hinggil sa katotohanan ng islam Binigyang suporta ng Diyos ang Kanyang Huling Propeta na si Muhammad ng mga maraming himala at napakaraming patotoo na nagpapatunay na siya ay tunay na Propetang isinugo Niya. Gayundin, sinuportahan Niya ang Kanyang huling kapahayagan, ang Banal na Qur’an, ng maraming himala na nagpatunay na ang Qur’an ay tunay na literal (letra-por-letra) na salita ng Diyos, na Kanyang ipinahayag, at hindi akda ng alinmang tao. Ang kabanatang ito ay nagtatalakay sa ilang mga patotoo. (1) Ang Mga Himalang Makasiyensiya (makaagham) sa Banal na Qur’an Ang Qur’an ay literal na salita ng Diyos, na Kanyang ipinahayag sa Kanyang Propeta na si Muhammad sa pamamagitan ni anghel Gabriel. Isinaulo ito ni Muhammad at pagkatapos kanyang idinikta sa kanyang mga Kasamahan. Kanila ring isinaulo ito, isinulat at nirepaso na kaharap si Propeta Muhammad . Bukod pa rito, ay nirepaso ni Propeta Muhammad ang Qur’an sa harap ni angel Gabriel minsan tuwing isang taon at dalawang ulit sa huling yugto ng kanyang buhay. Simula pa nang maipahayag ang Qur’an hanggang sa ngayon, lagi nang mayroong malaking bilang ng mga Muslim ang nakapagsasaulo ng buong Qur’an, letra-por-letra. Ilan sa kanila ay nakayanang isaulo ang buong Qur’an sa gulang na sampung taon. Walang ni isa mang letra sa Qur’an ang nabago sa loob ng maraming siglo. Ang Qur’an na naipahayag may labing-apat na dantaon na ang nakaraan ay nagbanggit sa mga katotohanan na ngayon lamang natuklasan o napatunayan ng mga siyentipiko. Ang Banal na Qur’an (1) Ang Mga Himalang Makasiyensiya (makaagham) sa Banal na Qur’an
6 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Ito ay nagpapatunay na walang pagduruda na ang Qur’an ay literal na salita ng Diyos na ipinahayag Niya kay Propeta Muhammad at ito ay hindi akda ni Muhammad o ng alinmang tao. Ito ay nagpapatunay din na si Muhammad ay tunay na Propetang isinugo ng Diyos. Lumalagpas sa katwiran na ang isang taong nabuhay labing-apat na dantaon na ang nakaraan ay mapag-aalaman ang mga katotohanan na kailan lamang natuklasan o napatunayan sa pamamagitan ng makabagong mga gamit at modernong pamamaraan ng siyensiya. Ang ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod: A) Ang Qur’an Hinggil sa Paglaki ng Bilig sa Sinapupunan ng Tao: Sa Banal na Qur’an, ang Allah ay nagsabi tungkol sa mga yugto sa paglaki ng bilig sa sinapupunan ng tao: Katiyakang nilikha Namin ang tao mula hinangong putik. Pagkatapos, ginawa Naming isang Nutfah (pinagsamang patak ng similya mula sa lalake at babae) sa lugar ng panirahanan, mahigpit na nakakabit. Pagkatapos, ginawa Namin ang Nutfah na isang Alaqah ( bagay na nakabitin at namuong dugo), pagkatapos ay ginawa Namin ang Alaqah na maging Mudghah (tulad sa isang nanguyang sangkap)….1 (Qur’an, 23:12-14) 1 Nawa’y isaisip na ang mga nakasulat sa loob ng espesyal (natatanging) panaklong --- sa aklat na ito ay salin lamang ng kahulugan ng Qur’an. Hindi ito ang tunay na Qur’an na nasa wikang Arabik. 2 Ang Lumalaking Tao (The Developing Human), Moore at Persaud, ika-5 ed., p. 8. 3 Ang Paglaki ng Tao na Inilarawan sa Qur’an at Sunnah (Human Development as Described in the Qur’an and Sunnah), Moore at mga iba pa, p. 36 Sa literal na kahulugan sa salitang Arabik, ang alaqah ay 1) linta, 2) bagay na nakabitin, at 3) namuong dugo. Sa paghahambing ng linta sa bilig sa yugto ng alaqah, makikita natin ang pagkakatulad ng dalawa2, tulad ng makikita natin sa Larawan bilang 1. Gayon din ang bilig sa ganitong yugto ay kumukuha ng pagkain mula sa dugo ng ina na katulad ng isang lintang nabubuhay mula sa dugo ng iba.3 Ang pangalawang kahulugan ng alaqah ay “bagay na nakabitin”. Ito ang makikita natin sa mga Larawan bilang 2 at 3, ang pagkabitin ng bilig sa yugto ng alaqah sa sinapupunan ng ina. A) Ang Qur’an Hinggil sa Paglaki ng Bilig sa Sinapupunan ng Tao
Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 7 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Larawan 1: Mga larawang nagpapakita ng pagkakahawig sa pagitan ng linta at bilig ng tao sa yugto ng alaqah (pagkalinta). (Larawan na linta mula sa ‘Paglaki ng Tao (HumanDevelopment) na inilarawan sa Qur’an at Sunnah’, Moore at mga iba pa, p. 37, inayos mula sa pinagsama-samang prinsipyo ng SOOLOHIYA, Sama-samang Prinsipyo sa Soolohiya (Integrated Principles of Zoology), ni Hickman at mga iba pa. Ang larawan na bilig mula sa ‘Ang Lumalaking Tao’ (Developing Human), Moore at Persaud, ika-5 ed., p. 73. Larawan 2: Makikita natin dito sa larawangguhit ang pagkakabitin ng bilig sa yugtong alaqah (pagkalinta) sa sinapupunan ng ina. ‘Ang Lumalaking Tao’ (TheDevelopingHuman), Moore and Persaud, ika5 ed., p. 66. Larawan3: Salarawang ito(photomicrograph), ay makikita natin ang pagkabitin ng bilig (marka B) sa yugto ng alaqah (pagkalinta) mga 15 araw ang gulang) sa sinapupunan ng ina. Ang sukat ng laki ng bilig ay mga 0.6 mm. ‘Ang Lumalaking Tao’ (The Developing Human), Moore ika-3 ed. mula sa p. 66 mula sa Histolohiya (Histology), Leeson at Leeson. A) Ang Qur’an Hinggil sa Paglaki ng Bilig sa Sinapupunan ng Tao
8 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Ang pangatlong kahulugan ng alaqah ay “namuong dugo”. Makikita natin na ang panlabas na anyo ng bilig at ang kanyang ayos sa yugto ng alaqah (pagkalinta o namumuong dugo) ay katulad nga ng namumuong dugo. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng maraming dugo sa bilig sa yugtong ito1, tingnan ang larawan bilang 4. Gayon din sa yugtong ito, ang dugo sa bilig ay hindi dumadaloy (kumakalat) hanggang sa katapusan ng ikatlong linggo2. Kaya nga ang bilig sa yugtong ito ay natutulad sa namumuong dugo. Larawanbilang4: Larawangguhit ng primitibong sistema ng cardiovascular sa bilig sa panahon ng alaqah. Ang panlabas na anyo ng bilig at ang kanyang ayos ay katulad ng isang namumuong dugo, dahil sa pagkakaroon ng maraming dugo sa bilig. ‘Ang Lumalaking Tao’ (The Developing Human), Moore, ika-5 ed. p. 65. 1 Ang Paglaki ng Tao (Human Development) sa pagsasalarawan ng Qur’an at Sunnah, Moore at iba pa, pp. 37-38. 2 Ang Lumalaking Tao (The Developing Human), Moore at Persaud, ika-5 ed., p. 65. 3 Ang Lumalaking Tao (The Developing Human), Moore at Persaud, ika-5 ed., p. 8. Samakatuwid, ang tatlong kahulugan ng salitang alaqah ay wastungwastong tumutugon sa pagkakalarawan sa bilig sa yugto ng alaqah. Ang sumunod na yugtong nabanggit sa taludtod ng (Qur’an) ay ang yugtong mudghah. Ang kahulugan sa salitang Arabik na mudghah ay tulad ng isang nanguyang sangkap. Kapag ang isang tao ay kumuha ng isang pirasong chewing gum at nginuya ito sa kanyang bunganga at pagkatapos ay inihambing sa bilig sa yugto ng mudghah, maipapalagay natin na ito’y tulad sa isang nanguyang sangkap. Ito ay dahil sa marka sa likod ng bilig bilang tanda na may pagkakapareho sa pinagdaanan ng ngipin sa isang nanguyang sangkap3. (Tingnan ang larawan bilang 5 at 6) Papaanong nalaman ni Muhammad ang lahat ng ito, may labingapat naraang taon na ang nakararaan, samantalang kailan lamang natuklasan ng mga siyentipiko ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng mga makabagong kagamitan at mabibisang mikroskopyo na hindi pa noon umiiral sa nasabing panahon? Sina Hamm Leeuwenhoek, ang A) Ang Qur’an Hinggil sa Paglaki ng Bilig sa Sinapupunan ng Tao
Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 9 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Larawan bilang 5: Larawan ng bilig sa yugto na mudghah (28 araw na gulang). Ang bilig sa ganitong yugto ay nagiging tulad ng isang nginuyang sangkap, dahil sa markang tanda sa likod ng bilig katulad ng pinagdaanan ng ngipin sa isang nanguyang sangkap. Ang aktuwal na laki ng bilig ay 4 mm. ‘Ang Lumalaking Tao’ (The Developing Human), Moore at Persaud, ika-5 ed., p. 82. mula kay Professor Hideo Nishimura, Kyoto, Unibersidad ng Kyoto, Japan) Larawan bilang 6: Sa paghahambing sa bilig sa yugtong mudghah sa isang nanguyang chewing gum, mapapansin natin ang pagkakatulad ng dalawa. A) Larawan ng bilig sa yugtong mudghah., makikita natin ang marka sa likod ng bilig na katulad ng pinagdaanan ng ngipin, ‘Ang Lumalaking Tao’ (The Developing Human), Moore at Persaud, ika-5 ed., p.79. B) Larawan ng isang chewing gum pagkatapos na manguya. A) Ang Qur’an Hinggil sa Paglaki ng Bilig sa Sinapupunan ng Tao
10 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM unang siyentipiko na nakapuna sa selula (selula ng tao) (spermatozoa) gamit ang espesyal na mikroskopyo noong 1677 (mahigit-kumulang na 1000 taon pagkaraan ni Muhammad . Sila ay maling nag-akala na ang bilig ay may lamang maliit na nabuong tao na lumalaki kapag nailagay na sa ari ng babae1 1 Ang Lumalaking Tao (The Developing Human), Moore at Persaud, ika 5 ed. p. 9. 2 Ang reperensiya sa pangungusap na ito ay ‘Ito Ang Katotohanan’ (This is the Truth). Video tape. 3 Ito Ang Katotohanan (This is the Truth), video tape. Si Professor Emeritus (Professor na retirado nguni’t taglay pa rin ang titulo) Keith L. Moore ay isa sa mga pinakakilalang siyentipiko sa mundo sa larangan ng anatomiya at pag-aaral ng bilig at may-akda ng aklat na pinamagatang, ‘Ang Lumalaking Tao’ (Developing Human), na isinalin sa 8 wika. Ang aklat na ito ay isang siyentipikong babasihan at pinili ng espesyal na lupon sa Estados Unidos bilang pinakamahusay na aklat na akda ng iisang tao. Si Dr. Keith Moore ay Professor Emeritus sa Anatomiya at Biyolohiya ng Selula (Anatomy and Cell Biology) sa Unibersidad ng Toronto, sa Toronto, Canada. Siya doon ay isang Kasamang Dekano ng Mga Pangunahing Siyensiya (Associate Dean of Basic Sciences) sa mga nagtuturo ng medisina at walong taong naging tagapangulo ng departamento ng Anatomiya. Noong taong 1984, siya ay ginawaran ng pinakatanyag na gantimpala sa larangan ng Anatomiya sa Canada, ang J.C.B. Grant Award mula sa Lupon ng mga Anatomiyo sa Canada. Pinangasiwaan niya ang maraming mga Pandaigdigang Samahan tulad ng Samahan ng mga Anatomistang Taga-Canada at Taga-Amerika at Kapisanan ng Nagkakaisang Biyolohikal ng mga Siyensiya (Canadian and American Association of Anatomists and Council of the Union of Bilogical Sciences). Noong taong 1981, sa panahon nang Ikapitong Komperensiya sa Medisina (Seventh MedicalConference) sa Dammam, Saudi Arabia, si Professor Moore ay nagsabi, “Isang malaking kagalakan para sa akin na makatulong sa pagbibigay ng kaliwanagan sa mga pangungusap sa Qur’an hinggil sa paglaki ng tao. Maliwanag para sa akin na ang mga pangungusap na ito ay galing kay Muhammad mula sa Diyos, sapagka’t halos ang lahat ng kaalamang ito ay hindi natuklasan hanggang sa marami pang mga sumunod na siglo. Ito ay nagpapatunay sa akin na si Muhammad ay sugo ng Diyos.”2 Sa gayon, si Professor Moore ay tinanong ng ganitong mga katanungan: Ito ba ay nangangahulugan na kayo ay naniniwala na ang Qur’an ay gawa ng Diyos? Siya ay sumagot, “Hindi mahirap para sa akin na tanggapin ito.”3 Sa panahon nang isang kapulungan, si Professor Moore ay nagsabi “…Sapagka’t ang pagyuyugto-yugto sa paglaki ng bilig ay masalimuot (mahirap unawain), dahil sa patuloy na pagbabago sa panahon ng paglaki, iminumungkahi na isang bagong sistema ng pagbubukod-bukod ay A) Ang Qur’an Hinggil sa Paglaki ng Bilig sa Sinapupunan ng Tao
Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 11 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM maaaring mabuo sa paggamit ng mga terminong nababanggit sa Qur’an at Sunnah (kung ano ang sinabi ni Muhammad , ginawa o pinahintulutan). Ang panukalang sistema ay payak (simple), malawak ang saklaw at tumutugma sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa bilig (embryological knowledge). Ang masusing pag-aaral sa Qur’an at Hadeeth (mga pinagkakatiwalang salin na ulat ng mga Kasamahan ni PropetaMuhammad kung ano ang kanyang sinabi, ginawa o pinahintulutan) sa huling 4 na taon ay nag-ulat ng sistema para sa pagbubukod-bukod ng bilig ng tao na lubos na kahanga-hanga dahil ito ay naiulat noong ika-7 siglo pagkatapos sinugo si Hesus Kristo. Bagama’t si Aristotle, ang nagtatag ng siyensiya sa pag-aaral ng bilig (science of embryology) mula sa kanyang pag-aaral sa itlog ng manok noong ikaapat na siglo, bago isinugo si Hesus Kristo, hindi siya nakapagbigay ng detalye tungkol sa mga yugto nito. Sa kaalaman mula sa kasaysayan sa pag-aaral sa bilig (embryology), kaunti lamang ang kaalaman hinggil sa pagyuyugto-yugto at pagbubukod-bukod ng bilig ng tao hanggang sa ikadalawampung siglo. Dahil dito, ang paglalarawan sa bilig ng tao sa Qur’an ay hindi nabatay sa kaalaman ng siyensiya sa ikapitong siglo. Ang makatwiran lamang na pagpapasiya ay: ang mga paglalarawan na naihayag kay Muhammad ay nagmula sa Diyos. Wala siyang paraang malaman ang mga detalye nito sapagka’t siya ay isang taong di-makabasa at di-makasulat at walang pagsasanay sa siyensiya.1 1 Ito ang Katotohanan (This is the Truth), video tape. 2 Daigdig (Earth), Press at Siever, p. 435. Tingnan din ang Siyensiya ng Daigdig (Earth Science), Tarbuck at Lutgens, p. 157. B) Ang Qur’an Hinggil sa mga Bundok (Kabundukan): Ang isang aklat na pinamagatang Daigdig (Earth) ay isang reperensiyang ginagamit sa maraming unibersidad sa mundo. Isa sa mga may-akda ay si Professor Emeritus (Professor na retirado nguni’t taglay pa rin ang titulo) Frank Press. Siya ay tagapagpayo tungkol sa siyensiya sa dating Pangulong si Jimmy Carter at sa loob ng 12 taon siya ay Pangulo ng Pambansang Akademiya ng Siyensiya (National Academy of Sciences), sa Washington, DC. Ang aklat niya ay nagtatalakay na ang mga kabundukan ay mayroong mga ugat sa ilalim ng lupa.2 Ang mga ugat na ito ay malalim na nakabaon sa lupa, kaya ang mga bunkok ay may hugis tulad din ng mga talasok (tingnan ang Larawan 7, 8 at 9). Ganito kung paano inilarawan ng Qur’an ang mga bundok (kabundukan). Sinabi ng Allah sa Qur’an: Hindi ba Namin ginawa ang kalupaan na patag at ang mga bundok bilang mga talasok? (Qur’an, 78:6-7) B) Ang Qur’an Hinggil sa mga Bundok (Kabundukan)
12 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Larawan bilang 7: Ang mga bundok ay mayroong mga malalalim na ugat sa ilalim ng lupa. ‘Daigdig’ (Earth), Press at Siever, p. 413. Larawan bilang 8: Larawang-guhit (Schematic section). Ang mga bundok, tulad ng mga talasok, ay may mga malalim na mga ugat na nakabaon sa lupa. Anatomiya ng Daigdig (Anatomy of the Earth), Cailleux, p. 220 Larawan 9: Isa muling larawan na nagpapakita na ang mga bundok (kabundukan) ay katulad ng anyo ng mga talasok, dahil sa malalalim na mga ugat. ‘Ang Siyensiya ng Daigdig’ (Earth Science), Tarbuck at Lutgens. P. 158.) Ang makabagong siyensiya ng daigdig ay nagpatunay na ang mga kabundukan ay may mga ugat na malalalim sa loob ng lupa (tingnan ang larawan bilang 9) at ang mga ugat na ito ay umaabot nang makailang B) Ang Qur’an Hinggil sa mga Bundok (Kabundukan)
Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 13 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM ulit na lalim kaysa kanilang inaabot na taas sa kalupaan.1 Kaya’t, ang pinakaangkop na pagsasalarawan sa mga kabundukan sang-ayon sa ganitong impormasyon ay ang salitang “talasok,” dahil halos lahat ng maayos na nakabaong mga talasok ay nakatago sa ilalim ng lupa. Ang kasaysayan sa siyensiya ay nagsasabi sa atin ng teoriya na ang mga kabundukan na mayroong malalim na mga ugat ay ipinakilala lamang noong 1865 ng Maharlikang Astronomiyo (Astronomer Royal) na si Sir George Airy.2 Ang mga kabundukan ay mayroong din mahalagang papel sa ikatatatag ng Daigdig. Sinabi ng Allah sa Qur’an: 1 Ang Geolohikal na Konsepto ng mga Kabundukan sa Qur’an (The Geological Concept of Mountains in the Qur’an), El-Naggar, p. 5). 2 Daigdig (Earth), Press at Siever, p. 435. Tingnan din ang ‘Ang Geolohikal na Konsepto ng mga Kabundukan sa Qur’an’ (The Geological Concept of Mountains in the Qur’an), p 5. 3 ‘Ang Geolohikal na Konsepto ng mga Kabundukan sa Qur’an’ (The Geological Concept of Mountains in the Qurr’an), p 5. At Kanyang itinatag nang matibay ang mga kabundukan sa daigdig upang hindi sila umuga kasama ninyo… (Qur’an, 16:15) Gayon din, ang makabagong teoriya hinggil sa geolohiya (ang pagkakaayos ng buong kalupaan) ay naninindigan na ang mga kabundukan ay nagsisilbing tagapamalagi ng kalupaan. Ang kaalamang ito bilang tungkulin ng kabundukan na magpanatili ng lupa ay ngayon lamang naunawan dahil sa plate tectonics (pagkakaayos ng kalupaan) sa taong 1960.3 Mayroon kayang nakaaalam sa panahon ni Propeta Muhammad hinggil sa tunay na anyo ng kabundukan? Mayroon kayang nakaisip na ang malaking bundok na nakikita sa kanyang harapan ay aktuwal na nakabaon sa ilalim ng lupa at ito ay mayroong mga ugat tulad ng iginigiit ng mga siyentipiko? Ang makabagong geolohiya (kaalaman sa geolohiya) ay nagpapatunay sa katotohanan ng mga taludtod ng Qur’an. B) Ang Qur’an Hinggil sa mga Bundok (Kabundukan)
14 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM At pagkatapos ay hinarap Niya ang langit nang ito ay isang usok… (Qur’an, 41:11) Ang siyensiya sa makabagong kosmolohiya, sa pagsusubaybay at pagpapalagay (science of modern cosmology, observational and theoretical), ay maliwanag na nagtuturo na noong unang panahon, ang buong Sanlibutan ay isa lamang ulap na ‘usok’ (yaon ay, isang mainit at makapal na usok na parang gas na hindi nalalagusan ng liwanag1. Ito ay isa sa mga hindi mapabubulaanang prinsipyo ng makabagong kosmolohiya. Ang mga siyentipiko ay maaari na ngayong magmasid sa mga bagong bituin na nabubuo mula sa mga naiwan ng ‘usok’. (Tingnan ang ika-10 at ika-11 larawan). Ang nagliliwanag na mga bituin na nakikita natin sa gabi ay para lamang katulad ng buong Sanlibutan, na ang mga iyon ay mga bagay na “usok”. Sinabi ng Allah sa Qur’an: C) Ang Qur’an Hinggil sa Simula ng Sanlibutan: C) Ang Qur’an Hinggil sa Simula ng Sanlibutan 1 Ang Unang mga Tatlong Minuto, Ang Makabagong Pananaw sa Simula ng Sansinukob (The First Three Minutes, A Modern View of the Origin of the Universe), Weinberg. pp. 94-105. 2 Ang pinanggalingan ng komentaryong ito ay mula sa ‘Ito Ang katotohanan’ (This is the Truth) video tape. Dahil ang kalupaan at ang mga kalangitan sa itaas (ang araw, ang buwan, mga bituin, mga planeta, at mga iba pa.) ay nabuo mula sa parehong “usok”, kami ay nagpapasiya na ang daigdig at ang kalangitan ay dating iisa. At mula sa “usok” sila ay nabuo at napaghiwalay sa isa’t isa. Sinabi ng Allah sa Qur’an: Hindi ba’t nababatid ngmga di-sumasampalataya na ang mga kalangitan at ang kalupaan ay dating magkasama, at pagkatapos Amin silang pinaghiwalay?…” (Qur’an, 21:30) Si Dr. Alfred Kroner ay isa sa mga kilalang Geolohiyano sa mundo. Siya ay Professor sa Geolohiya at Tagapangulo sa Departamento ng Geolohiya sa Institusyon ng Siyensiya sa Geolohiya, sa Unibersidad ng Johannes Gutenberg, Mainz Germany. Sinabi niya: “Sa pag-iisip kung saan galing si Muhammad , sa palagay ko ay napakaimposibleng mabatid niya ang mga bagay-bagay tulad sa pangkaraniwang pinanggalingan ng Sanlibutan sapagka’t kailan lamang ito natuklasan ng mga siyentipiko, ilan taon lamang ang nakararaan sa pamamagitan ng nakalilito at makabagong pamamaraan ng teknolohiya, na ito nga ang pangyayari.2 Sinabi rin niya: “Sinuman ang walang kaalaman sa mga bagay tungkol sa nuclear-pisika labing-
Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 15 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Larawan bilang 10: Ang isang bagong bituin na namumuo mula sa isang ulap na usok at alikabok (nebula), na isa sa mga naiwan ng “usok” na siyang pinagmulan ng sanlibutan. Ang Atlas ng Kalawakan (The Space Atlas), Heather at Henbest, p. 50) Larawan bilang 11: Ang lawa ng nebula ay isang ulap na binubuo ng usok at alikabok, ay umaabot sa 60-light years sa kaluwagan. Ito ay pinagagalaw sa pamamagitan ng ultraviolet radiation mula sa mainit na bituin na kailan lamang nabuo sa kanyang nasasaklaw na kabuuuan. ‘Ang mga Kalawakan, Ang Pagsasaliksik sa Sanlibutan’ (Horizons, Exploring the Universe), Seeds, plate 9, mula sa ‘Asosasyon ng mga Unibersidad para sa Pagsisiyasat sa Astronomiya, Inc.’ C) Ang Qur’an Hinggil sa Simula ng Sanlibutan
16 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM apat na siglo na ang nakararaan, sa aking palagay ay hindi matutuklasan ang mga ito sa kanyang pag-iisip lamang, halimbawa, ang kalupaan at ang mga kalangitan ay may iisang pinagmulan.”1 1 Ito ang Katotohanan (This is the Truth) tape ng video. 2 Mga Kailangan sa Anatomiya at Pisyolohiya (Essentials of Anatomy & Physiology), Seeley at iba pa, p.211. Gayon din tingnan ang Sistema ng Nerbiyos ng Tao (Human Nervous System), Noback at ipa pa, pp. 410-411. 3 Mga Kailangan sa Anatomiya at Pisyolohiya (Essentials of Anatomy & Physiology), Seeley at iba pa, p. 211. Hindi! Kapag hindi siya tumigil, kukunin Namin siya sa pagitan ng kanyang naseyah (harapan ng ulo - noo), ang sinungaling at makasalanang naseyah (harap ng ulo – noo! (Qur’an, 96:15-16) D) Ang Qur’an Hinggil sa Cerebrum (Utak ng Tao): Sinabi ng Allah sa Qur’an tungkol sa isa sa mga masasamang (taong) hindi naniniwala at nagbabawal kay Propeta Muhammad na manalangin sa Ka’aba. Bakit inilarawan ng Qur’an ang harapan ng ulo bilang sinungaling at makasalanan? Bakit hindi sinabi ng Qur’an ang tao ay sinungaling at makasalanan? Ano ang ugnayan sa pagitan ng harapan ng ulo at sa sinungaling at makasalanan? Kung ating titingnan ang bungo (ng tao) sa harapan ng ulo, matatagpuan natin ang harapang bahagi ng utak (cerebrum), (tingnan ang larawan bilang-12). Ano nga ba ang sinasabi ng Pisyolohiya hinggil sa bahaging ito (utak)? Ang isang aklat na pinamagatang ‘Mga Kailangan sa Anatomiya at Pisyolohiya’ (Essentials of Anatomy & Physiology) ay nagsabi hinggil sa bahaging ito, “Ang paggaganyak at ang pagiintindi sa panghinaharap upang magplano at magsimulang gumalaw ay nagmumula sa harapan ng ulo, ang pinakaharap na bahagi. Ito ang bahagi na tinawag na Association cortex… (Ang ibabaw na soson ng utak upang mapagkaisa)”2 Gayundin sinasabi ng aklat: “Kaugnay ng pagkakasangkot nito sa paggaganyak (gagawin), ang harapang bahagi ay ipinapalagay na sentro ng gawain sa pananalakay….”3 Kaya ang bahaging ito ng utak ay siyang may kinalaman sa pagpaplano, paggaganyak, simula ng mabuting gawa at makasalanang pag-uugali at ito ang may pananagutan sa pagsasabi ng kasinungalingan at pagsasabi ng katotohanan. Kaya’t tumpak lamang na isalarawan ang harap ng ulo bilang sinungaling at makasalanan kapag ang isang tao ay nagsinungaling at nagkasala gaya ng sinasabi ng Qur’an: “…Ang nagsisinungaling at makasalanang Naseyah (harapan ng ulo)!” D) Ang Qur’an Hinggil sa Cerebrum (Utak ng Tao)
Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 17 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Kailan lamang natuklasan ng mga siyentipiko ang mga tungkuling ito ng harapang bahagi ng ulo (utak), mga 6 na taon na ang nakaraan, sang-ayon kay Professor Keith L. Moore.1 1 Al-E’jaz al-Emy fee al-Niseyagh, The Scientific Miracles in the Front of the Head (Ang makasiyensiyang himala sa harapang bahagi ng ulo), Moore at mga iba pa, p. 41. 2 Mga Prinsipyo ng Pag-aaral Tungkol sa Karagatan (Principles of Oceanography), Davis, pp. 92-93. E) Ang Qur’an Hinggil sa mga Dagat at mga Ilog: Natuklasan ng makabagong siyensiya na mayroong halang sa pagitan ng dalawang magkaibang dagat sa lugar na kung saan sila ay nagsasalubong. Ang halang na ito ay naghahati sa dalawang dagat upang ang bawa’t dagat ay magkaroon ng kanya-kanyang temperatura, alat at lapot.2 Halimbawa, ang tubig ng dagat Mediterranean ay maligamgam, maalat at di-malapot kung ihambing sa tubig ng dagat Alantiko. Kapag ang dagat Mediterranean ay papasok sa dagat Atlantiko sa gilid ng ibabaw ng Gibraltar, ito ay uusod nang ilang daang kilometro sa lalim na 1,000 metro kasama ang sariling ligamgam, alat at di-gaanong malapot Larawan bilang 12: Ang mga tungkulin ng iba’t ibang bahagi ng kaliwang bahagi ng utak (cerebral cortex). Ang harapang bahagi ay matatagpuan sa harapang bahagi ng cerebral cortex. ‘Mga Kailangan sa Anatomiya at Pisyolohiya’ (Essentials of Anatomy & Physiology), Seeley at iba pa, p.210. E) Ang Qur’an Hinggil sa mga Dagat at mga Ilog
18 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM nitong katangian. Ang tubig ng dagat Mediterranean ay nananatili sa ganitong lalim.1 (Tingnan ang Larawan bilang 13). 1 Mga Prinsipyo ng Pag-aaral Tungkol sa Karagatan (Principles of Oceanography), Davis, p. 93. Larawan bilang 13: Ang dagat Mediterranean habang ito ay pumapasok sa dagat Alantiko sa gilid ng ibabaw ng Gibraltar dala ang sariling ligamggam, alat at labnaw na katangian, dahil sa halang na nagbubukod sa kanila. Ang mga temperatura ay nasa sukat ng degrees Celsius (C). Heolohiya ng Karagatan (Marine Geology), Kuenen, p. 43. bahagyang pinalaki. Kahit na mayroong malaking alon, malakas na agos at pagpapalit sa pagbaba at pagtaas ng tubig (sa mga dagat at mga ilog), ang mga dagat ay hindi naghahalo o kaya’y lumalabag sa nasabing halang. Ang Banal na Qur’an ay nagbanggit na mayroong halang sa pagitan ng dalawang mga dagat na nagsasalubong at hindi nila nilalabag ang kanilang halang. Sinabi ng Allah: Binigyan Niya ng kalayaan ang dalawang dagat na magsalubong. Mayroong halang sa pagitan nila. Hindi nila ito nilalabag. (Qur’an, 55:19-29) Subali’t nang sabihin ng Qur’an ang tungkol sa tagahati sa pagitan ng tabang at maalat na tubig, binanggit dito ang pagkakaroon ng “isang nagbabawal na partisyon” sa halang. Sinabi ng Allah sa Qur’an: Siya yaong nagpalaya sa dalawang uri ng tubig, ang isa ay matamis at malinamnam at ang pangalawa ay maalat at mapait. At Siya ay gumawa sa pagitan nila ng halang at ng nagbabawal na partisyon (Qur’an, 25:33) E) Ang Qur’an Hinggil sa mga Dagat at mga Ilog
Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 19 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Maaaring mayroong magtanong, bakit binanggit ng Qur’an ang partisyon kung binabanggit ang halang sa pagitan ng tabang at maalat na tubig, nguni’t hindi ito binanggit kung sinasabi ang halang sa pagitan ng dalawang dagat? Natuklasan sa makabagong siyensiya na sa mga wawa ng ilog na kung saan nagsasalubong ang tubig tabang at maalat, ang kalagayan ay kakaiba sa mga natatagpuan sa mga lugar na kung saan ang dalawang dagat ay nagsasalubong. Natuklasan na ang pagkakaiba ng tubig tabang sa tubig na maalat sa mga wawa ay ang ‘pycnocline zone’ kung saan ang lapot ng tubig ay may hangganan na naghihiwalay sa dalawang soson.1 Ang partisyong ito (ang pook na pinaghihiwalayan) ay may magkaibang alat mula sa tubig tabang at tubig na maalat.2 (Tingnan ang Larawan bilang 14). 1 Ang Pag-aaral Tungkol sa Karagatan (Oceanography), Gross, p. 242. Tingnan din ang ‘Panimulang Pag-aaral Tungkol sa Karagatan’ (Introductory Oceanography), Thurman, pp.300-301. 2 Pag-aaral Tungkol sa Karagatan (Oceanography), Gross, p. 244. Tingnan din ang ‘Panimulang Pag-aaral Tungkol sa Karagatan’ (Introductory Oceanography), Thurman, pp.300-301. Larawan bilang 14: Ang pahabang bahagi ng alat (bahagi bawa’t libo %o) sa wawa ng ilog. Makikita natin dito ang partisyon (ang pook na pinaghihiwalayan) sa pagitan ng tubig tabang at alat. ‘Panimulang Pag-aaral Tungkol sa Karagatan’ (Introductory Oceanography), Thurman, p. 301, na bahagyang pinalaki. Ang impormasyong ito ay kailan lamang natuklasan, pagkatapos na gumamit ng makabagong kagamitan upang sukatin ang temperatura, alat, lapot, laman na oxygen at atbp. Ang pangkaraniwang mata ay di-makakikita sa pagkakaiba ng dalawang dagat na nagsasalubong, bagkus, ito ay mapapansin na parang iisang dagat lamang. Gayon din, ang mata ng tao ay di-makakikita sa tatlong bagay sa partisyon ng tubig sa wawa: Ang tabang, maalat na tubig at ang partisyon (ang pook na pinaghihiwalayan). E) Ang Qur’an Hinggil sa mga Dagat at mga Ilog
20 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM F) Ang Qur’an Hinggil sa Malalalim na Mga Dagat at Mga Panloob na Alon: Sinabi ng Allah sa Qur’an: O kaya’y (ang kalagayan ng mga di-sumasampalataya) ay katulad ng kadiliman sa ilalim ng dagat. Natatakpan ng mga alon, sa ibabaw ay mga alon, sa itaas ay mga ulap. Mga kadilimang magkakapatong. Kung iunat ng tao ang kanyang kamay, hindi niya ito makikita… (Qur’an, 24:40) Ang taludtod na ito ay bumabanggit ng kadilimang matatagpuan sa ilalim ng mga dagat at mga karagatan na matatagpuan sa lalim na 200 metro at sa ibaba pa. Sa lalim na ito, ay halos walang liwanag (Tingnan ang Larawan bilang 15). Sa bandang ibaba pa sa lalim na 1000 metro ay wala ni munting liwanag.1 Hindi makakayanan ng mga tao na sum1 Mga Karagatan (Oceans), Elder at Pernetta, p. 27. Larawan bilang 15: Mula sa 3 hanggang 30 porsiyento ng liwanagaraw ay nagbabalik sa ibabaw ng tubig. Pagkatapos, halos lahat ng pitong kulay ng liwanag sa kabuuan ay hinihigop ng bawa’t isa sa unang 200 metro na lalim, maliban sa kulay asul. Mga Karagatan (Oceans), Elder and Pernetta. P. 27. F) Ang Qur’an Hinggil sa Malalalim na Mga Dagat at Mga Panloob na Alon
Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 21 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM isid ng higit sa 40 metro na walang tulong ng submarino o espesyal na kagamitan. Ang tao ay hindi mabubuhay na walang tulong sa malalim at madilim na bahagi ng mga karagatan tulad sa lalim na 200 metro. Larawan bilang 16: Ang mga panloob na mga alon sa pagitan ng mga soson ng iba’t ibang mga lapot ng mga tubig. Ang isa ay malapot (nasa ibaba) at ang isa ay malabnaw (nasa itaas). Pag-aaral Tungkol sa Karagatan (Oceaanography), Gross, p. 204. 1 Pag-aaral Tungkol sa Karagatan (Oceanography), Gross, p. 205. Kailan lamang natuklasan ito ng mga siyentipiko sa pamamagitan ng espesyal na kagamitan at mga submarino na tumulong sa kanila sa pagsisid sa ilalim ng mga karagatan. Mauunawan din natin ito mula sa sumusunod na pangungusap sa nakaraang taludtod, “…sa ilalim ng dagat. Natakpan ng mga alon, sa ibabaw ay mga alon, sa itaas ay mga ulap…” Na ang malalim na mga tubig ng mga dagat at karagatan ay natatakpan ng mga alon, at sa ibabaw ng mga alon ay iba pang mga alon. Maliwanag na ang pangalawang pulutong ng mga alon ay yaong mga nasa ibabaw na nakikita natin, dahil nagbanggit ang taludtod na ang ibabaw ng pangalawang pulutong ng alon ay mayroong mga ulap. Subali’t papaano yaong mga unang alon? Natuklasan ng mga siyentipiko kamakailan na mayroong mga panloob na mga alon na nangyayari sa pagpapalitan ng lapot sa pagitan ng mga soson ng magkakaibang lapot ng mga tubig).1 (Tingnan ang Larawan bilang 16). F) Ang Qur’an Hinggil sa Malalalim na Mga Dagat at Mga Panloob na Alon
22 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Ang mga panloob na mga alon ay tinatakpan ng mga malalim na tubig ng mga dagat at mga karagatan sapagka’t ang tubig sa ilalim ay may higit na lapot kaysa sa ibabaw nila. Ang mga panloob na mga alon ay gumagalaw tulad ng mga alon sa ibabaw ng tubig. Sila man ay may kalagayang madurog. Ang mga panloob na mga alon ay di-makikita ng mata ng tao, nguni’t ito ay mapapansin sa pag-aaral ng pagbabago ng temperatura o alat sa naturang lugar.1 1 Pag-aaral Tungkol sa Karagatan (Oceanography), Gross, p. 205. G) Ang Qur’an Hinggil sa mga Ulap: Pinag-aralan ng mga siyentipiko ang mga iba’t ibang uri ng mga ulap at kanilang napagtanto na ang ulap ng ulan ay nabubuo at nahuhugis sang-ayon sa mga tiyak na sistema at ilang mga hakbangin na may kaugnayan sa isang uri ng hangin at mga ulap. Isa sa mga uri ng ulap ng ulan ay ang cumulonimbus na ulap. Pinag-aralan ng mga nag-aaral hinggil sa panahon (Meteorology) kung papaano nabubuo ang cumulonimbus na ulap at kung paano sila nakagagawa ng ulan, ulan na may yelo o malakas na ulan, at kidlat. Natuklasan nila na ang cumulonimbus na ulap ay dumaraan sa sumusunod na mga hakbang upang makagawa ng ulan: 1) Ang mga ulap ay itinutulak ng hangin. Ang cumulonimbus na ulap ay magsisimulang mabuo kapag ang ilan sa maliliit na mga ulap (cumulus na mga ulap) ay itinutulak kung saan ang mga ito ay naiipon. (Tingnan ang mga Larawan bilang mga 17 at 18). Larawan bilang 17: Ang larawang kuha ng Satellite na nagpapakita ng mga gumagalaw na mga ulap patungo sa lugar kung saan naiipon B, C, at D. Ang mga (maliliit na sibat) ay nagtuturo sa dakong patutunguhan ng hangin. ‘Ang Paggamit ng mga Larawang Kuha ng Satellite sa Pagsusuri at Pagsasabi Tungkol sa Lagay ng Panahon’ (The Use of Satellite Pictures in Weather and Forcasting), Anderson at mga iba pa, p. 188 G) Ang Qur’an Hinggil sa mga Ulap
Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 23 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM G) Ang Qur’an Hinggil sa mga Ulap Larawan bilang 18: Maliliit na pirasong ulap (cumulus clouds) papunta sa pagiipunang lugar na malapit sa itaas, kung saan ay makikita natin ang malaking cumulonimbus na ulap. ‘Mga ulap, Mga Bagyo’ (Clouds and Storms), Ludman, plate 7.4.) Larawan bilang 19: (A) Nakahiwalay na maliliit na mga ulap (cumulus na ulap) (B) Kapag ang mga maliliit na ulap ay nagsama-sama, ang ihip ng hangin sa mas malaki pang ulap ay lalong lumalakas, kaya’t, ang ulap ay naitataklas pataas. Ang maliliit na tulo ng tubig ay ipinakikita sa pamamagitan ng •. ‘Ang Atmospera’ (The Atmosphere), Anthes at mga iba pa, p. 269). 2) Pagsasama-sama: Pagkatapos ang mga maliliit na ulap ay magsasama-samang mabuo upang maging malaking ulap1 (Tingnan ang mga larawang 18 at 19). 1 Tingnan ang ‘Ang Atmospera’ (The Atmosphere), Anthes at iba pa, pp. 268-269 at tingnan din ang ‘Mga Elemento ng Pag-aaral Tungkol sa Panahon’ (Elements of Meteorology) Miller at Thompson, p. 141).
24 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM 1) Pagtatalaksan: Kung ang mga maliliit na mga ulap ay magsasama-sama, ang ihip ng hangin sa mas malaki pang ulap ay lalong lumalakas. Ang mga pataas na ihip ng hangin na malapit sa gitna ay mas malalakas kaysa nasa mga tabi.1 Ang mga nasa ibabaw ang nagiging dahilan sa paglaki ng ulap na paitaas, kaya ang ulap ay natatalaksan. (Tingnan ang mga larawan bilang 19 (B), 20 at 21). Ang paitaas na paglaki ng kabuuan (katawan) ng ulap ay siyang sanhi upang ang buong ulap ay umabot sa higit na malamig na lugar ng atmospera, kung saan naman ang mga patak ng tubig at ulang may yelo ay nabubuo at nagsisimulang lumaki nang lumaki. Kapag ang mga patak ng tubig at ulang may yelo na ito ay naging napakabigat para sa mga paitas na mga ulap, ito ay magsisimulang bumagsak bilang ulan, o malakas na ulan, atbp.2 1 Ang mga hanging pataas sa sentro ay higit na malakas, sapagka’t sila’y ligtas sa epekto ng lamig sa labas na bahagi ng ulap. 2 Tingnan ‘Ang Atmospera’ (The Atmosphere), Anthes at mga iba pa, p. 269. At ‘Mga Elemento ng Pag-aaral Tungkol sa Panahon’ (Elements of Meteorology), Miller at Thompson, pp. 141-142. Larawan bilang 20: Ang cumulonimbus na ulap. Pagkatapos maitalaksan ang ulap, ang ulan ay nagmumula rito. ‘Ang Panahon at Ang Lagay ng Panahon’ (Weather and Climate), Bodin, p. 123. Sinabi ng Allah sa Qur’an: Hindi mo ba nakita na marahang pinauusad ng Allah ang mga ulap, at pagkatapos ay pinagsama-sama sila, at pagkatapos ay tinalaksan sila at pagkatapos makikita mo ang ulan ay nagmumula sa pagitan nila? (Qur’an, 24:43) Kailan lamang nalaman ng mga nag-aaral tungkol sa panahon ang mga detalye ng ulap hinggil sa pamumuo, kaanyuan at gawain sa pamamagitan ng makabagong kagamitan tulad ng mga sasakyang G) Ang Qur’an Hinggil sa mga Ulap
Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM 25 ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM panghimpapawid (eroplano at lobo), satellite, computer, at iba pang mga kagamitan, upang mapag-aralan ang hangin at ang direksiyon nito, masukat ang pagkahalumigmig (pagkaumido) at pagbabago-bago nito at upang malaman ang sukat at pagbabago ng puwersa ng atmospera.1 Ang susunod na taludtod, pagkatapos na banggitin ang ulap at ulan, ay nagsasabi tungkol sa ulang yelo at kidlat. 1 Tingnan ang Ee’jaz al-Qur’an al-Kareem fee Wasf Anwa’ al-Riyah, al-Sohob, al-Matar, Makky at mga iba pa, p. 55. 2 Mga Elemento ng Pag-aaral Tungkol sa Panahon (Elements of Meteorology), Miller at Thompson, pp. 141. Larawan bilang 21: Ang Cumulonimbus na ulap. ‘Ang Makukulay na gabay Tungkol sa mga Ulap’ (A Colour Guide to Clouds), Scorer at Wexler, p. 23. …Siya ang nagpadala mula sa langit ng malakabundukang ulan na may yelo. Pinatatamaan ang anumang Kanyang naisin at iniiwas ito kaninuman Kanyang naisin. Ang liwanag ng kidlat nito (mga ulap) ay halos nakabubulag ng paningin (Qur’an, 24:43) Natuklasan ng mga nag-aaral tungkol sa panahon na ang mga cumulonimbus na ulap na magpapaulan ng ulang may yelo ay umaabot sa taas na 25,000 hanggang sa 30,000 talampakan. (4.7 to 5.7 milya)2, tulad ng mga bundok, gaya ng sinabi sa Qur’an, “…Siya ang nagpadala mula sa langit ng malakabundukang ulan na may yelo. Tingnan ang larawan bilang 21). G) Ang Qur’an Hinggil sa mga Ulap
26 Kabanata 1 ANG ILAN SA MGA PATOTOO HINGGIL SA KATOTOHANAN NG ISLAM ANG MAIKLING PAGLALARAWAN NG PAMAMATNUBAY TUNGO SA PAG-UNAWA SA ISLAM Ang taludtod ay maaaring makapagbigay ng isang katanungan. Bakit nagsabi ang taludtod ng “ang kidlat nito” hinggil sa reperensiya ng ulang may yelo? Ito ba ay nangangahulugan na ang ulang may yelo ang siyang pinakamalaking dahilan sa pagkakaroon ng kidlat? Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng aklat na pinamagatang ‘Ang Pag-aaral Ngayon Tungkol sa Panahon’ (Meteorology Today). Sinasabi nito na ang ulap ay nagkakakoryente kapag ang ulang may yelo ay bumabagsak sa bahagi ng ulap na lubhang napakalamig at may mga yelong kristal. Kapag ang mga patak-patak na tubig ay nadidiit sa malayelong ulan, sila ay nagyeyelo rin, at nagpapakawala ng nakatagong init. Pinananatili nitong mas mainit ang ibabaw ng malayelong ulan kaysa sa nakapaligid na mga yelong kristal. Kapag ang malayelong ulan ay nadiit sa yelong kristal, isang mahalagang pangyayari ang nagaganap: ang mga electron ay dadaloy sa mas malamig na bagay patungo sa mas mainit na bagay. Kaya’t, ang malayelong ulan ay magkakaroon ng negatibong koryente (negative current). Pareho ang mangyayari sa mga lubhang napakalamig na mga patak ng tubig kapag nadidiit sa mga malayelong ulan at mga maliliit na hiwa-hiwalay na nabasag na yelong may positibong koryente (positive current). Ang mga magagaan na bahaging ito na may positibong koryente ay dadalhin ng hanging paitaas sa mataas na bahagi ng ulap. Ang mga ulang may yelo na naiwanan ng negatibong koryente ay babagsak sa ilalim ng ulap, kaya ang bahaging ibaba ng buong ulap ay magkakaroon ng negatibong koryente. Ang negatibong koryente na ito ay ipinakakawala bilang kidlat.1 Kaya’t, ipinasiya namin na ang butilbutil na yelong ulan ang siyang pangunahing dahilan sa pagkakaroon ng kidlat. Ang impormasyong ito hinggil sa kidlat ay kailan lamang natuklasan. Hanggang sa taong 1600 A.D. nang ang opinyon ni Aristotle hinggil sa pag-aaral sa panahon ang nangingibabaw. Halimbawa, sinabi niya na ang atmospera ay mayroong dalawang uri ng naibubugang (hangin), isang mahalumigmig at isang tuyo. Sinabi rin niya na ang kulog ay tunog ng tuyong pagbubuga sa paligid ng mga ulap, at ang kidlat ay 1 Ang Pag-aaral Ngayon Tungkol sa Panahon (Meteorology Today), Ahrens, p. 437. G) Ang Qur’an Hinggil sa mga Ulap
RkJQdWJsaXNoZXIy MTUxNjQ1