1 / 15 Next Page
Information
Show Menu
1 / 15 Next Page
Page Background

Page 1

The Islamic Bulletin

Purpose Of Life In Tagalog

Ang Layunin ng Buhay

hirap makahanap ng mga taong makapagbibigay ng

sandali para mag-isip. Mag-isip tungkol sa buhay nang

makatuwiran. Ang subuking marating ang katotohanan

tungkol sa mundong ito at ang tunay na layunin ng

ating mga buhay. Sa kasamaang palad, kapag tinanong

mo ang karamihan ng mga tao ng katanungang – “Ano

ang layunin ng ating buhay?” na kung saan ay isang

pangunahin at mahalagang tanong – hindi nila sasabi-

hin sa inyo kung ano ang kanilang napagpasyahan

sa pamamagitan ng mga obserbasyon o analitikal na

pangangatwiran. Sa karamihang sitwasyon, tiyak na

sasabihin nila kung ano ang sinabi ng ibang tao…O

kaya naman ay sasabihin nila sa inyo kung ano ang

karaniwang mga akala ng iba. Ang sabi ng tatay ko

ang layunin ng buhay ay, ang sabi ng ministro ng aking

simbahan ang layunin ng buhay ay, ang sabi ng aking

guro sa eskwelahan, ang sabi ng kaibigan ko.

Kung tatanungin ko ang sinuman tungkol sa dahilan

ng ating pagkain, “Bakit tayo kumakain?” Karamihan

sa mga tao ay sasagot, sa isang salita o iba pa, “Para sa

nutrisyon!” Sapagkat ang nutrisyon ang nagbibigay-bu-

hay… Kapag tinanong ko ang sinuman kung bakit sila

nagtratrabaho? Sasabihin nila, dahil ito ay kinakailan-

gan upang masuportahan ang kanilang mga sarili at

maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang pami-

lya. Kapag tinanong ang sinuman kung bakit sila natu-

tulog, bakit sila naglilinis, bakit sila nagdadamit, at iba

pa., ang kanilang isasagot – “Ito ay pangkaraniwang

pangangailangan ng mga tao.” Maaari nating sundan

ang ganitong linya ng pagtatanong ng daan-daang mga

katanungan at makatanggap ng pare-pareho o ka-

hawig na sagot galing kanino man, sa anumang wika,

sa anumang lugar sa mundo, simple! “Bakit ganoon,

kapag itinatanong ang katanungang, ‘Ano ang layunin

ng buhay?’, ay maraming iba’t-ibang kasagutan ang

ating nakukuha?” Iyan ay dahil ang mga tao ay nagu-

guluhan, hindi nila talaga alam. Sila ay nangangapa

sa dilim. At sa halip na sabihing, “hindi ko alam”, sila

ay magbibigay ng kahit anong sagot na sa kanila ay

nakatakda nang isagot.

Pag-isipan natin ito. Ang layunin ba natin sa mundong

ito ay ang simpleng kumain, matulog, magdamit,

magtrabaho, magkaroon ng ilang mga materyal na

bagay at magsaya? Ito ba ang ating layunin? Bakit tayo

isinilang? Anu ang Dahilan ng ating buhay, at ano ang

kaalaman sa likod ng pagkakalikha ng tao at ng pagka-

laki-laking daigdig na ito? Pag-isipan ninyo ang kata-

nungang iyan!

Ang ilang mga tao ay nakikipagtalo na walang ka-

tunayan ng anumang banal na pinagmulan, walang

katunayan na mayroong Diyos, walang katunayan na

ang daigdig na ito ay dumating nang dahil sa anu-

mang banal na layunin. May mga taong nanininwala

nang ganito – at sinasabi nila na marahil ay nagkataon

lamang ang pagdating ng mundong ito. Isang malaking

pagsabog, at ang buong kalakhang mundo kasama

ang lahat nang orkestrasyon nito ay sabay-sabay na

dumating. At sila ay nakikipagtalo na ang buhay ay

Malaking karangalan para sa a‘kin ang pag-

kakataong ito na makapagpahayag sa inyo dito. At

nais kong sabihin na ito’y hindi isang “lecture”… Sa

tingin ko’y hindi ako handang mag-“lecture”. Kundi

ito ay parang…payo sa aking sarili. Sapagkat nakikita

ko ang aking sariling nakaupo sa mga upuang ito sa

harapan ko. Sa nakaraang ilang araw, sa nakaraang

ilang mga taon, sa nakaraang ilang sandali pa lamang

– ako ay nakaupo diyan kung nasaan kayo ngayon,

anumang nasyonalidad – hindi ‘yon mahalaga. Isang

tao na walang alam sa Islam. At sa mga panahong

iyon, ako ay isang taong hindi nakakaalam… sa

layunin ng buhay!

Kaya sa puntong iyon, ako’y makikiusap sa inyo na

isipin ang aking sinasabi sa inyo bilang impormasyon

at payo – hindi isang talakayan“lecture”. Ang im-

pormasyong nais kong ibahagi sa inyo, ay maaaring

maging malawak. Kung iisipin ninyo ang kapasidad

ng utak ng tao at ang dami ng impormasyon na kaya

nitong ipunin at kaya nitong unawain – sa ilang mga

pahina ng impormasyon ngayon, natitiyak kong hindi

ito magiging mabigat na pasanin sa inyo.

Responsibilidad kong ipahayag ang mga paksa ng

ating pag-uusap ngayon – Ano ang layunin ng ating

buhay? At itanong din kung – “Ano ang nalalaman

ninyo tungkol sa Islam?” Ang ibig kong sabihin – ano

ba talaga ang alam ninyo tungkol sa Islam? Hindi

kung ano ang naririnig ninyo tungkol sa Islam; Hindi

kung ano ang inyong nakitang mga gawain ng ilang

mga Muslim, kundi – ano ang alam ninyo tungkol sa

Islam?

Karangalan ko ang pagkakaroon ng oportunidad na

ito, at nais kong magsimula sa pagsasabing kayong la-

hat ay mayroong pantay-pantay na responsibilidad…

At ang responsibilidad na iyon ay ang magbasa at

makinig – na bukas ang puso at isipan.

Sa mundong puno ng mapaminsalang paghusga at

kulturang mapamuri“cultural conditioning” napaka-