Previous Page  5 / 15 Next Page
Information
Show Menu
Previous Page 5 / 15 Next Page
Page Background

Page 5

The Islamic Bulletin

Purpose Of Life In Tagalog

Kung babasahin niyo nang maigi ang mga banal

na kasulatan, na walang sarili niyong interpretasyon

o nang kanino mang pagdaragdag o gawa-gawa -

malalaman niyo na ito ‘ay simpleng mensahe ng lahat

ng mga propeta na iyon na nag patunay sa isa’t-isa.

Na Walang ni isa sa mga propetang iyon ang nagsa-

bing, “Ako ang Panginoon – sambahin ninyo ako”.

Hindi niyo makikita alinman sa mga banal na aklat na

mayroon kayo – hindi sa Bibliya, hindi sa Torah, hindi

sa Bagong Tipan, hindi sa mga Salmo ni David – hindi

niyo makikita ito sa anumang aklat. Hindi niyo maki-

kita sa pananalita ng sinumang propeta. Umuwi kayo

ngayong gabi at magbaybay sa lahat ng mga pahina ng

iyong Bibliya, at sinisigurado ko sa inyo – hindi niyo

makikita ito kahit minsan. Kahit saan!. Kaya saan ba

ito nanggaling?, Iyan ay kailangan mong siyasatin.

Madali nating makikita na sa nasabing pagpa-

paliwanag, ipinaliwanag sa salitang Arabik kung ano

ang ginawa ng lahat ng mga propeta. Lahat sila ay

dumating at inialay ang kanilang mga sarili sa Pangi-

noon; Isinuko ang kanilang mga sarili sa Panginoon;

Tinawag ang mga tao papunta sa Panginoon; At nakiu-

sap sa mga tao at nagpipilit sa mga tao na gumawa ng

mabubuting gawa Ang Sampung Kautusan ni Moses –

ano ‘yun? Ang salita ni Abraham – ano ‘yun? Ang mga

Salmo ni David – anu ‘yun? Ang mga kasabihan ni Sol-

omon – Ano ang sinabi niya? Ang Ebanghelyo ni Hesu

Krito – ano ang sinabi niya? Ano ang sinabi ni John the

Baptist? Ano ang sinabi nina Isaac at Ishmael? Ano ang

sinabi ni Muhammad? Wala nang iba pa ‘dun!

“At sila ay pinagutusan nang hindi hihigit

dito: na Sambahin ang Allah, na magbigay sakan-

ya ng taos pusong debosyon, pagiging tunay (sa

pananampalataya);na magsagawa ng palagiang

pagdarasal; na magsagawa ng palagiang pagka-

kawang-gawa; at iyan ang Relihiyion Tama at Matu-

wid”. [Quran 98:5]

Ito ang sinabi ni Allah. At walang pinagutos sa

kanila maliban ang sambahin si Allah, maging tapat

sa Kanya. At ito ang tuwid na landas, ito ang tunay

na mensahe. Batay sa iisang pagpapatunay, nararapat

lang din na ituring na mga Muslim ang mga prope-

ta at mga sugo bilang muslim, ang ‘Muslim’ ay ano?

Huwag isipin ang Arabik na pagkakahulugan. Huwag

isipin kung paano natin sila tatawagin – huwag isipin

ang Mecca, o Saudi Arabia, o Egypt. Huwag! Bagkus

Isipin ano ang ibig sabihin ng salitang ‘Muslim’. ‘Siya

ay nag susuko sakanyang sarili sa Diyos na makapang-

yarihan, at sumusunod sa mga kautusan ng Pangi-

noon, magpagayun paman maging ito man ay likas o

sa dyalektikong pamamaraan – ang lahat ng nagsusuko

sa kautusan ng Panginoon ay isang Muslim!

Kaya, sa tuwing lumalabas ang isang sanggol

sa sinapupunan ng kanyang ina sa panahong iniutos

ng Panginoon – ano ‘yun? Ito ay isang Muslim. Kapag

umiikot ang araw sa orbit nito – ano ‘yun? Ito ay Mus-

lim! Kapag ang Buwan ay umiikot sa palibot ng Araw

– anu ‘yun? Ito ay Muslim! Ang “law of gravity” – anu

‘yun? Ito ay isang batas ng Muslim! Ang lahat ng nag-

papasakop sa Panginoon ay isang Muslim! Samakatu-

wid, kapag taos puso nating sinusunod ang Panginoon

tayo ay mga Muslim! Si Hesu Kristo ay isang Muslim.

Ang kanyang pinagpalang ina ay isang Muslim. Si

Abraham ay isang Muslim. Si Moses ay isang Muslim.

Ang lahat ng mga propeta ay mga Muslim! Ngunit sila

ay pumunta sa mga tao at nagsasalita ng iba’t-ibang

wika. Si Propheta Muhammad (Sumakanya ang Kapa-

yapaan) nagsasalita sa wikang Arabik. at kaya naman,

sa wikang Arabik ang isang nagpapasakop at isinusuko

ang sarili sa Panginoon ay Muslim. Ang bawat propeta

at sugo ng Panginoon ay nagdala ng magkakapareho

at nag iisang mensahe ang ‘Sambahin ang Panginoon

at maging matapat sa Kanya’. Habang sinusuri natin

ang mensahe ng bawat isa sa mga dakilang propeta,

madali nating mapaggpapasyahan ang katotohanang

ito.

Kapag may nagsasalungat, ito ay isang bunga

ng maling mga pagpapahayag, gawa-gawang kwento,

pagmamalabis sa storya, mga sariling interpretasyon

ng mga ‘di-umano’y mga manunulat, mananalaysay,

iskolar, at mga indibidwal. Halimbawa, hayaan ‘nyo

akong magpahayag ng isang bagay na maaaring nakita

‘nyo na. Bilang isang Kristyano noon, nakita ko na ito

bago pa ako maging isang Muslim, at… hindi ko ito

naintindihan. Paano nangyari sa buong Lumang Tipan

ang Panginoon ay parating tinutukoy bilang Nag-ii-

sa – ang Amo(Master), ang Panginoon at ang Hari ng

sangkatauhan. At sa naunang kautusan na ibinigay kay

Moses, hindi Niya pinahintulutan ang sinuman na su-

mamba sa anumang naka-ukit na larawan. O ang yu-

muko sa anumang bagay sa kalangitan, o sa kalupaan,

o sa ibaba ng karagatan– hindi Niya kailanman papa-

hintulutan iyan. Ang lahat ng mga propeta ay nagsasa-

bi na mayroon lamang nagiisang dyos. Ito ay paulit-ulit

na sinabi sa kabuuan ng Lumang Tipan. At, sa isang

iglap nagkaroon tayo ng apat na mga pagpapatotoo –

apat na ebanghelyo na tinatawag na Matthew, Mark,

Luke at John. Sinong Matthew? Sinong Mark? Sinong

Luke? Sinong John? Apat na iba’t-ibang ebanghelyo

na naisulat ng may apatnapu’t walong taon na pag-

itan. At wala sa mga taong ito, na nakipag-tulungan

sa isa’t-isa, wala sa kanila ang nagsulat ng kanilang

apelyido. Kung binigyan kita ng cheke para sa iyong

sahod ngayong buwan naito at isinulat ko ang aking

pangalan sa cheke at sinabi ko sa iyo na dalhin ito

sa bangko – tatanggapin mo ba ang chekeng iyon?