Page 7
The Islamic Bulletin
Purpose Of Life In Tagalog
paanong tinatawag ng mga tao ang kanilang sarili na
mga ‘Kristiyano’?
Si Hesu Kristo (Sumakanya ang Kapayapaan)
ay nagsasabi kung anuman ang kanyang matanggap
sa Makapangyarihang Diyos ay ang salita ng Dyos,
at kung ano ang kanyang narinig ay siyang kanyang
sinabi! Iyan ang ginawa niya! Kung gayun, paanong
tinatawag ng mga tao ang kanilang mga sariling
mga ‘Kristiyano’? Tayo ba ay dapat maging katulad
ni Kristo! At ano ba ang gaya ni Kristo? Siya ay tag-
apaglingkod ng Makapangyarihang Diyos; kung gayun
nararapat tayo maging tagapaglingkod ng Makapang-
yarihang Diyos, ‘yun lang!
Tulad sa huling banal na kasulatan at banal na
rebelasyon, Ang Quran ay nagbibigay ng ganap na
malinaw at maiksi ngunit puno ng laman na pahayag,
“Sa araw na ito, Aking kinumpleto ng ganap ang
inyong relihiyon(Deen) at kinumpleto ang Aking
biyaya sa inyo at pinili ko ang Islam bilang ganap
ninyong pamamaraan ng buhay” [Quran 5: 3].
Kaya
sa pamamagitan ng Quran, dumating ang salitang
‘Islam’.
Sapagkat, kapag nakumpleto na ang gusali,
tinatawag nyu itong isang ‘bahay’. Kapag ang sasakyan
ay nasa pagawaan pa, hindi pa ito ‘isang kotse’ – ito
ay nasa proseso pa lang ng pagbubuo! Kapag ito ay
nakumpleto na, at ito ay nasuri na ng husto, at sinu-
bukan ng maniuhin – ito ay isa nang “kotse’. Noong
makumpleto ang Islam bilang isang rebelasyon, bilang
isang aklat, bilang isang halimbawa sa pamamagitan ni
Propeta Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan),
ito ay naging ‘Islam’. Ito ay naging ganap na pama-
maraan ng buhay.
Marahil ito ay salitang bago … Ngunit hindi
ang gawain…hindi ang propeta…hindi ang utos galing
sa Panginoon…hindi bagong Diyos..hindi bagong
rebelasyon… Tanging ang pangalan lamang na, Islam.
At gaya ng nauna kong sinabi, sino ang lahat ng mga
propeta? Silang lahat ay mga Muslim. Isa pang kaibah-
an na dapat isaisip na si Muhammad (Sumakanya ang
Kapayapaan), hindi katulad ng kanyang mga nahalili –
hindi siya nagpunta sa mga Arabo o sa kanyang saril-
ing mga tao lamang. Hindi… Samakatuwid, ang Islam
ay hindi isang rellihiyon ng mga Arabo. Bagama’t si
propeta Muhammad, anak ni Abdullah, ay isinilang sa
Mecca, isang lungsod sa Saudi Arabia, at ipinanganak
na Arabo, hindi niya dinala ang Islam sa mga Arabo
lamang. Dinala niya ang Islam sa lahat ng mga tao.
Bagama’t ang Quran ay inihayag sa wikang
Arabik, iniwaksi niya ang anumang kagustuhan o
deklarasyon na ang mensahe ni Muhammad ay na-
kalaan lamang para sa mga Arabo. Sinabi ni Allah sa
Banal na Quran,
“At hindi ka Namin ipinadala, O
Muhammad, kundi bilang Habag sa sangkatauhan
at sa lahat ng mga nilikha.” [Quran 21:107]
Si Propheta Mohammad ay nagsabi:
Lahat ng tao ay nanggaling kay Adan at Eva, At
ang isang Arabo ay hindi nakakataas sa hindi arabo, At
hindi rin nakakataas ang hindi arabo, sa isang arabo,
at ang maputi ay hindi nakakataas sa isang maitim, ni
hindi rin nakakataas ang isang maitim , sa isang mapu-
ti, Maliban sa kababaang loob at Mabuting Gawa Sa
gayon, si Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan)
ay ang huli at ang korona ng mga dakilang propeta at
sugong nangauna sa kanya. Karamihan sa mga tao –
wala silang alam tungkol dito.
At dahil ako ay sumasangguni sa Quran para
ipagtibay ang aking pagsasalaysay, ako ay magbibigay
ng mga impormasyon ukol sa Quran mismo. Una sa
lahat, inaangkin ng Quran na ito ay bunga ng banal
na rebelasyon. Na iyon at ipinabatid ng panginoon
makapangyarihan kay Mohammad bilang isang inspi-
rasyon
Sabi ni Allah,
“Ni sinabi Niyang ito’y anuman sariling
pagnanais.”
“Ngunit ito ay inspirasyon na ipinabatid Sakanya.”
[Quran 53:3-4]
Si Muhammad ay hindi nagsasalita tungkol sa
kanyang sarili o kanyang mga ideya,o kanyang mga
ambisyon, o sariling damdamin at nararamdaman .
Kundi, ito ay isang rebelasyon na inihayag sa kanya!
Ito ang pahayag ni Allah. Samakatuwid, kung kayo
ay aking kukumbinsihin sa pagiging tunay ng Quran,
dapat kong patunayan – una, na imposible para kay
Muhammad na gumawa ng ganoong aklat. Ikalawa,
dapat kong patunayan na napaka imposible para sa
lipon ng mga tao na makagawa nito. Pag-isipan natin
ito.
Binanggit sa Quran ang pahayag na ito,
“At nilikha namin ang mga tao mula sa namuong
dugo na nakakapit sa sinapupunan.” [Quran 23:13]
“Ang tao’y nilikha mula sa nakakapit na la-
man.” [96:2]