Page 11
The Islamic Bulletin
Purpose Of Life In Tagalog
Diyos at ang pagtanggap kay Muhammad na propeta
ng Diyos.
لا إله إلا الله محمد رسول الله
La ʾilaha ʾillā-llah, muhammadun rasulu-llah
Walang ibang diyos maliban kay Allah(Panginoon),
at si Muhammad ay ang sugo ng Panginoon.
Ako ay tunay na sumasaksi iisa lamang ang Diyos
Ako ay tunay na sumasaksi na si Muhammad ay ang
sugo ng Diyos.
Panoorin din ang mga sumusunod na video:
http://www.islamicbulletin.org/purpose/shahada/sh_tagalog.mp4Sumaatin nawa ang pagpapala ni Allah. Patnu-
bayan nawa tayo ni Allah. Nais kong sabihin sa lahat
ng mga ‘di-Muslim na mambabasa ng pahayagang ito
– Maging tapat sa inyong sarili. Pag-isipan ang inyong
nabasa. Dalhin niyo ang mga impormasyong ito at
ilagay sa inyong kalooban. Maupo kasama ng isang
Muslim at hayaan mong kanyang ipaliwanag nang hus-
to sa iyo ang kagandahan ng Islam. Gawin mo na ang
susunod na hakbang!
Kung ikaw ay handa nang tanggapin ang Islam
at maging isang Muslim, linisin ang iyong sarili bago
pormal na maging isang Muslim. Tanggapin ang Islam.
Alamin ang Islam. Gawin ang Islam. At magdiwang sa
mga biyaya na ipinagkaloob sa iyo ni Allah, sapagkat
ang pananampalataya ay hindi isang bagay na maaari
mong ipagsawalang bahala. Kung hindi mo ito gagaw-
in, ito’y maglalahong parang halimuyak ng pabango.
Nawa’y patnubayan tayo ni Allah, Nawa’y tulungan
tayo ni Allah. At pinapahalagahan ko ang karangalan
na makapagsalita sa inyo sa pamamagitan ng pahaya-
gang ito.ُ
السَلاَمُ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَةُ اللهِ وَبَرَكَاتُه
Assalamu Alaikum wa rahmatullahi wa barakatuh
[Wikang Tagalog “Sumainyo nawa ang Kahabagan at
Kapayapaan ni Allah at nang Kanyang mga Biyaya.”]
(Kung nais niyong maging isang Muslim o kailangan
niyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa Islam,
mag-email po sa amin sa
info@islamicbulletin.orgo
puntahan kami sa
www.islamicbulletin.org http://www.islamicbulletin.org/purpose/tagalog/flipping/index.htm l http://www.islamicbulletin.org/purpose/tagalog/purpose.html http://www.islamicbulletin.org/services/foreign.htm#a17 http://www.islamicbulletin.org/other_languages/filipino/guide_tagalog.pdf http://www.islamicbulletin.org/services/new_muslims/carla_tagalog.htmlANG AKING DI-KAPANI-PANIWALANG
PAGKATUKLAS NG ISLAM
Kamakailan lamang, may nagtanong sa akin kung
paano ko narating ang lupi ng Islam. Ako ay nasindak
at bahagyang nabigla. Di ko akalain na ang pagsali sa
Islam ay isang kritikal na pagbabago. Kailan ko tinanong
ang Katolisismo? Kailan ko unang ginusto maging isang
Muslim? Ang mga kasagutan sa mga katanungang ito
at sa iba pa ay nangangailangan ng masusing pag-iisip
na di minsan sumaglit sa aking guni-guni. Para masagot
ang mga katanungang ito, kailangan kong magsimula sa
kauna-unahang yugto para inyong maunawaan kung
saan ko nakamit ang buhay na naghikayat sa akin na
tanggapin ng lubusan ang katotohanan ng Islam. Ako
ay naging isang Muslim sa gulang na animnapu at pito
(67), at nagpapasalamat ako na pinagpala niya akong
maging isang taong lubos na naniniwala sa Islam.
“Kung sinuman ang kay Allah (sa kanyang plano)
pitang gumabay, - Binubuksan Niya ang puso nila
sa Islam; kung sinumang Kanyang pitang hayaang
lumayo, - Kanyang isinasara ang puso at hinahapit,
animong sila‘y dapat mangunyapit patungo sa langit:
yan ang kaparusahan sa kanila na tumatangging
maniwala.”
(Quran 6:125)
Ako ay lumaki sa sagradong tahanang Katoliko
Romano, na gitnang anak na babae sa tatlong supling.
Araw-araw ang aking ama ay nagtatrabaho nang husto
at sa mahabang oras. Umaalis siya nang maaga sa araw-
araw at uuwi na nang gabing-gabi. Ang lahat na ito para
lamang ang aking ina ay manatili sa aming tahanan para
alagaan ako at ang aking mga kapatid na babae. Isang
malungkot at sawing araw nang sabihin ng aking ina
na ang aming ama ay sinamang-palad na maaksidente
sa sasakyan. Sa biglaang paglisan niya, ang aming
mundo ay bumaligtad. Sa lahat ng mga pagbabago na
aming pinagdaraanan, sinabi sa amin ng aming ina na
nararapat na siyang bumalik sa kanyang hanapbuhay.
Ang aking ina na minsan naging Nars, ay napilitang
maghanapbuhay para kami ay maitaguyod. Nakakita
siya ng hanapbuhay sa lokal na ospital, at maraming
beses siyang nagtatrabaho ng dalawang rilyebo. Ngunit
sa bagong hanap na responsibilidad, ang aking ina ay
hindi na nasubaybayan ang pag-aalaga at pagpapalaki
sa amin. Kahit na pinadala niya kami sa Katolikong
eskuwelahan, ang kanyang hanapbuhay ang pumigil para
kami lahat na anak niyang babae ay masubaybayan.
Kaya, sa pagkakaroon ng maraming oras na
palilipasin, natagpuan ko ang sarili ko na gugulin ang
oras sa aking mga kaibigan sa local na kapehan. Doon
ko nakilala ang mabait na lalaking Muslim na di lumaon
ay naging aking asawa. Walang kaalam-alam ang aking
ina na sumasama ako sa lalaking ito. Sa katunayan, nang
sabihin ko sa kanya na umiibig ako at nais na magpakasal,
binalaan niya ako na kaming dalawa ay magka-iba
ng pinagmulan at maaaring magkaroon ng maraming