Previous Page  15 / 15
Information
Show Menu
Previous Page 15 / 15
Page Background

Page 15

The Islamic Bulletin

Purpose Of Life In Tagalog

sinabi ko Hayaan mong isipin ko ang mga kasagutan.

Nang gabing iyon, nag-isip ako ng matagal at

nahirapan tungkol sa mga sinabi ng aking anak na lalaki.

Ang palagay na si Hesus ang anak ng Diyos ay hindi na

makahulugan sa akin. Hindi ko na rin matanggap ang

katotohanan na si Hesus at ang Diyos ay iisa at pareho.

Bago matulog ng gabing iyon, sinabi ng aking anak na

lalaki na magdasal sa Diyos bago matulog at humiling

lamang sa kanya na gabayan ako sa tamang daan.

Ipinangako ko sa aking anak na buong puso akong

magsusumamo sa Diyos para sa kasagutan. Pumunta

ako sa aking kuwarto at nagbasa ng aklat na binigay

nga aking anak. Sumunod, binuksan ko ang Banal na

Quran at nagsimulang basahin ito. Parang isang bagay

ang nabunot sa aking puso. Iba ang aking pakiramdam.

Nakita ko ang katotohanan ng Islam. Ano nga ba ang

ipinaglalaban ko sa mga maraming taon?

Nang gabing iyon, nagdasal lang ako sa isang

Diyos – hindi kay Hesus, hindi kay Maria, hindi sa mga

anghel o santo o banal na espiritu. Tanging sa Diyos ako

umiyak at humingi ng gabay. Nagdasal ako na kung ang

Islam ang tamang pinili ko, sana baguhin niya ang puso

at isipan ko. Natulog na ako at kinabukasan, gumising

ako at ipinahayag ko sa aking anak na handa na akong

tanggapin ang Islam. Siya ay namangha. Pareho kaming

umiyak. Ang anak kong babae at apong babae ay

tinawag at nagmasid nang ako ay sumang-ayon, Walang

ibang Diyos kundi si Allah at si Muhammad (pbuh) ang

kanyang Sugo at Huling Propeta. Naramdaman kong

isa akong bagong babae. Masaya ako, parang ako ay

iniangat ng isang tao mula sa tabing ng kadiliman mula

sa aking puso. Lahat nang nakakaalam sa akin ay hindi

makapaniwala na ako ay mapasampalatay. Minsan di

ako makapaniwala. Pero ang Islam ay ramdam kong

nararapat, mapayapa at maaliwalas!

Matapos bumalik sa Estados Unidos ang aking

anak, natutuhan ko nang bigkasin ang Surah-al-Fatiha

sa Arabi at mula noon ay natutunan ko nang isagawa

ang mga dasal. Itinuloy ko ang aking buhay kagaya

noon; maliban sa ako ay Muslim na ngayon. Gustong-

gusto kong dumadalo sa mga patitipon ng pamilya

kasama ang anak kong babae, at gayundin sa mga sosyal

na pagdiriwang. Dumadalo ako sa mga kasalan ng

pamilya at mga kaibigan, salu-salo henna, pagsalubong

sa panganganak, at ang pagtitipon kapag may yumao.

Humigit-kumulang na anim na buwan pagkatapos na

ako ay sumampalataya sa Islam, nasa pagtitipon ng

libing na talagang tumimo sa aking puso at patibayin na

napakagandang relihiyon ang Islam. Isang musmos na

bata ang namatay sa sakit. Nang ang aking anak na babae

ay handa nang umalis para sa makiramay, tinanong ko

siya kung kilala niyang mabuti ang pamilyang iyon.

Sumagot siya na hindi. “Kung gayon bakit ka pupunta?”

ang tanong ko. Sapagkat ang pamilya ay nagdadalamhati,

at tungkulin ko sa Islam at marahil ihahandog ko ang

anumang suporta na kaya ko. Nagpasya akong magbihis

at sumama sa kanya. Magkasama kami ng anak kong

babae para iparating ang aming pakikiramay sa pamilya

ng batang lalaki at ako ay napuspos sa dami ng mg tao na

dumalo. Ako ay namangha at tumimo na napakaraming

mga tao ang dumating para magbigay ng suporta sa

pamilya. Sa lahat ng mga naisip ko nang makita ko ang

pamilya na nagdadalamhati, napakaganda ng relihiyong

Islam, maraming mga tao ang nararamdaman ang

kanilang responsibilidad na magbigay ng suporta. Sa

tanging pangyayari na iyon, kung saan ang mga Muslim

ay nagpapakita ng panlabas na simpatiya ay isa pa ring

mga sandali na, pinatunayan ang kagandahan ng Islam.

Ako ay Muslim na tatlong taon na ngayon,

Alhamdullilah. Mula nang panahon na iyon, ako ay

nagsagawa ng Umrah dalawang beses kasama ang aking

anak na lalaki at babae. Ang anak kong lalaki, anak kong

babae, at ako ay bumisita sa Kabaah at sa Banal na Moske

ng Propeta sa Madinah. Kailan lang, ipinagdiwang ko

ang aking ika-pitumpung kaarawan Alhumdullilah.

Minsan inaaalala ko ang mga kahirapan at

dalamhati na dinulot ko sa aking anak na lalaki, pero

ang aking anak na lalaki ay sukdulang napakasaya na

paglingkuran ako sa pamamagitan na maging paraan na

dalhin ako sa Islam.

Sinabi niya na ang Propeta ay nagsalita sa isang

tao,

“Ang Paraiso ay nakasalalay batay sa mga yapak

ng mga ina.”

Ang ibig sabihin ng Hadith na ito ay

dapat na iyong paglingkuan ang iyong ina at alagaan

siya.

“Sigurado sa pamamagitan ng aking mga yapak,

magkakaroon ng paraiso para sa ating dalawa. “

Di kataka-taka na kung ang aking anak na

babae ay matiyaga at mapursigi, siguro ako ay magiging

Muslim sa lalong madaling panahon. Pero ang aking

anak na lalaki ay pinaalalahanan ako na, si Allah ang

pinakamahusay na Tagaplano.

At Siya lamang (SWT) ang makapagbibigay sa tao

ng Hidaya (Gabay).

“Sa katunayan hindi lamang

ginagabayan ang sinumang iyong minamahal,

datapwa’t si Allah ay ginagabayan sinuman ayon sa

kanyang kagustuhan.” (Quran 28.56).

Ang pinakamabuting bagay na tinanggap ko

kay Allah ay sa pamamagitan ng pag-gabay sa akin sa

landas ng Islam at paglikha sa akin bilang isang Muslim,

at inshAllah papasok kasama ang aking anak na lalaki sa

Paraiso.

”Ameen.”

(Kung nais niyong maging isang Muslim o kailangan

niyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa Islam,

mag-email po sa amin sa

info@islamicbulletin.org

o puntahan kami sa

www.islamicbulletin.org http://www.islamicbulletin.org/purpose/tagalog/flipping/index.htm l http://www.islamicbulletin.org/purpose/tagalog/purpose.html http://www.islamicbulletin.org/services/foreign.htm#a17