Previous Page  2 / 15 Next Page
Information
Show Menu
Previous Page 2 / 15 Next Page
Page Background

Page 2

The Islamic Bulletin

Purpose Of Life In Tagalog

walang anumang tiyak na layunin at walang mapa-

patunayan sa pamamagitan ng alinman sa lohika o

siyensya na mayroong Diyos, o layunin, o anumang

banal na dahilan sa likod ng mundong ito.

Nais kong magbanggit ng ilang mga Talata mula sa

Quran na tumutugon sa paksang ito.

“ Katotohanan! Sa pagkakalikha ng kalangitan

at kalupaan, at sa pagsasalitan ng gabi at araw,

katiyakang naririto ang mga Tanda sa mga tao na

may pang-unawa. Ang mga nag-aala-ala sa Allah

nang nakatayo, nakaupo at nakahilig sa kanilang

tagiliran, at nag-iisip nang malalim tungkol sa

pagkakalikha ng kalangitan at kalupaan (na nag-

sasabi): “Aming Panginoon! Hindi Ninyo nilikha

ang (lahat) ng ito ng walang layunin, luwalhati-

in Kayo! Inyong gawaran kami ng kaligtasan sa

kaparusahan ng Apoy.” [Quran 3: 190-191]

Sa mga Talata sa itaas, napakalinaw na

binanggit ni Allah sa atin, una sa pagbaling ng ating

pansin sa paglikha sa ating sariling katauhan. Ang

iba’t-ibang pustura ng katawan ng tao, ang iba’t-

ibang ugali ng mga tao. Ibinaling Niya ang ating

pansin sa kalangitan. Ang pagsasalitan ng gabi at

araw. Ang papawirin, ang mga bituin, ang mga

konstelasyon… At saka sinabi Niya sa atin na hindi

Niya nilikha ang lahat ng mga ito para sa anumang

hangal na layunin! Dahil kung makikita ninyo ang

disenyo nito, malalaman ninyo na ang disenyo nito

ay napaka-makapangyarihan at sadyang napak-Per-

pekto. At isang bagay na napaka-makapangyarihan

at sadyang napaka-perpekto na lampas pa sa sarili

nating imahinasyon at pagtantya – hindi ito maaar-

ing maging isang kahangalan. Hindi ito maaaring

basta nalang sama-samang itapon.

Halimbawa, kung ikaw ay kumuha ng sam-

pung holen at nilagyan mo sila ng mga bilang mula

isa hanggang sampu. At lahat sila ay iba-iba ang ku-

lay. At inilagay mo sila sa loob ng isang bag at inalog

mo ang bag. At saka, habang nakapikit ang iyong

mga mata, inabot mo ang loob ng bag at sinabi ko

sa iyo, “ilabas mo ang holen na may unang bilang.

At saka ilabas mo ang holen ng ikalawang bilang. At

saka ilabas mo ang holen ng ikatlong bilang, nang

nasa ayos.” Ano ang chansa mo na mailabas ang

mga holen nang nasa ayos. Alam mo ba kung ano

ang mga pagkakataon? Dalawampu’t anim na milyon

sa isa! Kaya ano ang pagkakataon na ang kalupaan

at mga kalangitan ay itinapon ng isang malaking

pagsabog, at iniayos sa kung paano sila? Ano ang

chansa ‘nun?

Mga minamahal kong respetadong mga

panauhin – kailangan nating tanungin ang ating mga

sarili ng isa pang tanong…Kapag nakakita ka ng isang

tulay, gusali, o isang sasakyan – agad mong iisipin ang

tao o ang kompanya na gumawa nito. Kapag nakaki-

ta ka ng isang eroplano, isang rocket, isang satelayt,

o isang barko – iisipin mo rin kung gaanong nakaka-

mangha ang sasakyang iyon. Kapag nakakita ka ng

isang plantang nuklear, isang umiikot na estasyong

pangkalawakan, isang internasyonal na paliparan na

puno ng lahat ng kagamitan, at kung iisipin mo rin

ang iba pang mga estrakturang naririto, sa bansang

ito – ikaw ay lubos na mapapahanga sa mga pama-

maraan ng paggawa nito.

Ngunit, ito ay mga bagay lamang na gawa ng

mga tao. Ano naman ‘yung tungkol sa katawan ng

tao kasama ng mga napakalawak “massive” at komp-

likadong systema nag papagana dito“control system”?

Pag-isipan mo! Pag-isipan mo ang tungkol sa utak –

paano ito mag-isip, paano ito gumagana, paano ito

mag-intindi, mag-ipon ng impormasyon, umalala ng

impormasyon, makakilala at uriin ang impormasyon,

sa mahigit isang segundo! Palagiang ginagawa ng

utak ang mga iyan. Mag-isip tungkol sa utak ng ilang

sandali. Ito ay ang utak na gumagawa ng mga kotse,

sasakyan pang kalawakan, sa mga barko at kung

anu-ano pa. Isipin ang utak at kung sino ang guma-

wa nito. Isipin ang puso, paano ito tumitibok nang

tuluy-tuloy sa loob ng animnapu o pitumpung taon –

sa pagdala o pagdiskarga ng dugo sa buong katawan,

at pagpapanatili ng matatag na kondisyon sa buong

buhay ng taong iyan. Isipin mo! Isipin mo ang mga

bato(kidney)– anong klasing tungkulin ang nagaga-

wa nila? Ang kasangkapan ng katawan sa paglilinis,

na nagsasagawa ng daan-daang pag susuri chemical

analyses nang sabay-sabay at, nagpapanatili ng libel

ng dumi sa dugo. Kusa itong ngyayari. Isipin ang

iyong mga mata – na tila baga’y isang kamera na pa-

rang tao na nag-babago ng lapit at layu, naguunawa,

nagsusuri at nagbibigay kulay nang kusa. Ang natural

na pagtanggap at pag-bago sa liwanag at distansya –

lahat ay kusang nangyayari. Isipin mo iyon – sino ang

lumikha nga mga iyan? Sino ang nagpakadalubhasa

niyan? Sino ang nagplano niyan? At sino ang nangan-

galaga niyan? Mga tao – kanilang mga sarili? Hindi –

siyempre hindi.

Ang tungkol sa Daigdig na ito? Isipin mo. Ang Daig-