Page 4
The Islamic Bulletin
Purpose Of Life In Tagalog
mapapatunayan sa encyclopedia, o sa almanac, o sa
iba pang mga mapagkukunan ng impormasyon na
nais ninyong tingnan. Paano naging ganyan kung isa
sa bawat limang tao sa mundo ay isang Muslim, na
wala tayong alam tungkol sa Islam? Ang katotohanan
tungkol sa Islam. Kapag sinabi ko na isa sa limang tao
sa mundo ay Instik, na isang katotohanan – mayroong
isang bilyong mga Intsik sa mundo, isa sa limang
tao ay Intsik! Kung kaya ay alam natin ang pang-
heograpiko, panlipunan, pang-ekonomiko, pampuliti-
ka, pilosopiko, pang-kasaysayan na mga bagay tungkol
sa Tsina at mga Intsik! Paanong nangyaring hindi natin
alam ang tungkol sa Islam?
Ano ba itong nagdudutong sa napakaraming mga
ibat-ibang nasyon at itong pangkahalatang kaayu-
san“universal configuration” na humahantong sa
pangkaraniwan na kapatiran? Paano nangyari na ang
isang kapatid sa Yemen ay naging aking kapatid, at
ako’y nag mula sa Amerika. At itong kapatid na mula
sa Eritrea na naging aking kapatid. At isa pang kapatid
mula sa Indonesia na naging aking kapatid. At mula
sa Africa na naging aking kapatid. At isa pang mula sa
Thailand na naging aking kapatid. At galing sa Italy,
Greece, Poland, Austria, Colombia, Bolivia, Costa
Rica, China, galing Spain, sa Russia, at iba pa… Paano
ko sila naging mga kapatid? Kami na may iba-ibang
pinanggalingang kultura at pag-uugali! Ano ba’ng may-
roon sa Islam na kusang nag papalapit at nag sama-
sama samin sa isat isat bilang isang kapatiran? Ano ba
ang tamang katangian ng hindi maunawaang pama-
maraan ng buhay na ito ang sinusunod ng malaking
bahagi ng sangkatauhan?
Susubukan kong mabigyan kayo ng mga ka-
tunayan. Pero sa karagdagan ito, katulad ng nauna
kong nabangit, mahalaga para sa inyo na maging
bukas ang inyong isipan at puso – sapagkat, kung
babaliktarin ko ang baso at bubuhusan ko ito ng tubig,
wala akong makukuhang tubig. Ito ay dapat nasa
tamang posisyon. Ang mga katunayan lang ay hindi
maaring humantong patungo sa pag-unawa, bagkus
ang pinagsama-samang pagtitimpi, Mitiin, at ang ka-
kayahang magpahalaga at tumanggap ng katotohanan
kapag ito’y inyong narinig.
Ang salitang ‘Islam’ ay nangangahulugan ng
pagsuko, pagpapasakop, at pagsunod. Pagsuko, pag-
papasakop, at pagsunod sa mga kautusan ng Pang-
inoon. Maaari mong sabihing ‘Allah’. Maaari mong
sabihing ‘Ang Tagapaglikha’.
Maaari mong sabihing ‘Ang Kataas-taasang
Panginoon’, ‘Ang Kataas-taasang Lakas’, ‘Ang Naka-
kaalam sa lahat’, ang lahat ng ito ay ang kanyang mga
pangalan.
Ginagamit ng mga Muslim ang salitang Arabik
na Allah para sa Panginoon, sapagkat ang panginoon
mismo ang nagngalan nito. Ang salitang Allah ay hindi
maaaring gamitin sa anumang bagay na nilikha. Ang
ibang salita na ginagamit ng mga tao para sa salitang
Panginoon (almighty) ay ginagamit din sa ibang ni-
likhang bagay. Halimbawa ng “the almighty dollar.”
Oh I love my wife, she is tops!” O, “He’s the greatest.”
Ngunit hindi ito tama… Kundi ang salitang ‘Allah’ ay
maaari lamang gamitin sa Iisang lumikha ng lahat ng
mga ito na nauna nating nailarawan. Kaya sa puntong
ito, gagamitin ko ang salitang ‘Allah’, at alam na ninyo
kung sino ang aking tinutukoy.
Ang salitang Islam ay nanggaling sa sali-
tang-ugat na “Salama” – na ang ibig sabihin ay ang
maging mapayapa. Samakatuwid, ang isang Muslim ay
isang taong sumusuko, nagpapasakop at sumusunod
sa mga kautusan ng Makapangyarihang Panginoon. At
sa pamamagitan ng pagpapasakop na ito ay nakakamit
ang kapayapaan at katahimikan para sa kanilang sarili.
Agad nating makikita na, sa nasabing pagpapaliwan-
ag, ang Arabik na salitang ‘Allah’ ay naglalarawan sa
kaparehong pag-uugali at asal ng lahat ng mga dakila
at respetadong mga propeta at mga sugo ng Pangi-
noon… lahat sila kabilang sina Adam, Noah, Abra-
ham, Moses, David, Solomon, Isaac, Ishmael, Jacob,
John the Baptist, Hesus na anak ni Maria, at Muham-
mad (Sumakanila nawa ang kapayapaan ng Allah).
Ang lahat ng mga taong ito, ang mga propeta at mga
sugo na ito, ay nanggaling sa iisang Panginoon, na may
iisang mensahe, na may iisang mission sa pagpapaha-
yag ng katotohanan, at sila ay nagsabi ng iisang bagay
– sundin ang Panginoon! Sambahin ang Makapanyar-
ihang Diyos at tuparin ang layunin ng buhay at guma-
wa ng mabubuting gawain, at kayo ay gagantimpalaan
ng isa pang buhay. Iyon lang lahat ang kanilang sinabi!
Huwag gawin itong higit pa doon! Iyon lang lahat ang
kanilang sinabi, hindi mahalaga kung anong wika at
anong panahon, sino ang pinuntahan nila – Iyon lang
lahat ang kanilang sinabi,