Page 3
The Islamic Bulletin
Purpose Of Life In Tagalog
dig ay isang planeta sa ating kalawakan. At ang ating
kalawakan ay isa sa mga Sistema sa Milky Way. At ang
Milky Way ay isa sa mga konstelasyon sa kalawakan.
At mayroong milyon-milyong kalawakan tulad ng
Milky Way. Isipin mo iyon. At lahat sila ay nasa ayos.
Lahat sila ay perpekto. Hindi sila nagbabanggaan;
hindi sila nagsasalungat. Sila ay umiikot sa orbit na iti-
nakda para sa kanila. Ang mga tao ba ang nagtakda sa
kanilang paggalaw? At ang mga tao ba ang nangangal-
aga sa pagpapanatili ng pagiging perpekto nito? Hindi,
siyempre hindi sila.
Isipin ang mga karagatan, mga isda, mga in-
sekto, mga ibon, mga halaman, at ang bakterya, mga
elementong kemikal na hindi pa natutuklasan at hindi
maaring tuklasin kahit ng pinakamakabagong kagami-
tan. Ngunit, bawat isa sa kanila ay may alituntunin na
sinusunod. Ang lahat ba ng pagkakaisa, pagkakapan-
tay-pantay, pagkakatugma, pagkakaiba-iba, disenyo,
pangangalaga, operasyon, at walang hanggang bilang–
nagkataon lang bang nangyari ang mga ito? At, ang
mga bagay ba na ito ay nagkataon lang na maging per-
pekto at gumana nang habang-panahon? At nagkataon
lang ba na sila ay patuloy na dumami at nag papanatili
ng kanilang mga sarili? hindi, siyempre hindi.
Ang isipin iyon ay kahangalan at walang katu-
wiran. Kahit papano ay tinutokoy dito nakahit du-
mating man doon, ito ay labas sa antas ng kakayahan
ng tao. Lahat tayo sasang-ayon diyan. Ang nararapat
lamang na purihin at pasalamatan ay ang makapang-
yarihan sa lahat – ang Panginoon. Ang Panginoon na
siyang may likha ng lahat ng ito, at ang responsable
sa pagpapanatili ng lahat ng ito. Samakatuwid, ang
Panginoon lang ang nagiisang nararapat na purihin at
pasalamatan.
Kapag binigyan ko ang isa sa inyo ng isang
daang dolyar, ng walang dahilan,para lang sa pagpun-
ta dito, kayu marahil ay mag sasabi ng, “Salamat.” Sa
gayun paman, paano naman ang inyong mga mata,
mga bato(kidney), ang inyong utak, ang inyong hinin-
ga, ang inyong mga anak? Paano ang mga iyon? Sino
ang nagkaloob sainyo ng mga iyon? Hindi ba Siya
nararapat na purihin at pasalamatan? Hindi ba Siya
karapat-dapat na inyong sambahin at kilalanin? Aking
mga kapatid, sa madaling salita, ang layunin at pakay
ng buhay na ito.
Sinabi ni Allah sa Quran:
“Hindi ko nilikha ang mga ‘Jinn’ at ang mga tao,
para sa ibang dahilan, maliban sa dahilan na sam-
bihin nila ako”. (Quran 51: 56)
Ito ang sinabi ng Panginoong makapagyarihan mula
sa talatang iyon, Kaya ang layunin ng ating buhay ay
kilalanin Ang Tagapaglikha at magpasalamat sa Tag
apaglikha. Ang sambahin ang Tagapaglikha. Ang isuko
ang ating mga sarili sa Tagapaglikha, at ang mga Alitun-
tunin na itinalaga nya para sa atin. Sa madaling salita,
ibig sabihin nito ay pagsamba.ito ang layunin ng
ating buhay, At anuman ang gawin natin pag tahak sa
landas ng pagsamba – ang pagkain, ang pag-inom,
ang pagdamit, ang pagtratrabaho, ang kasiyahan sa
pagitan ng buhay at kamatayan – ang lahat ng ito ay
mga resulta lamang. Tayo ay nalikha para sa pag-
samba – at iyon ang layunin ng ating buhay. Ako’y
naniniwala na kahit ang isang taong siyentipiko at
analitiko ay sasang-ayon sa layuning iyan. Maaaring
sila ay mayroong lihim na layunin sa kanilang kaloo-
ban, pero iyan ay isang bagay na kailangan nilang
harapin sa pagitan ng kanilang mga sarili at nang
Dyos na makapangyarihan.
Ngayon sa ikalawang bahagi ng ating usapin.
Ano ang alam nyo tungkol sa Islam? Hindi kung ano
ang naririnig nyo tungkol sa Islam. Hindi kung ano
ang mga nakita nyo sa mga gawain ng mga Muslim,
sapagkat may kaibahan sa pagitan ng Islam at mga
Muslim. Katulad sa kaibahan ng isang lalaki at isang
ama. Ang lalaking may mga anak – siya ay isang ama,
ngunit ang pagiging isang ama ay isang responsibili-
dad. Kung ang lalaki ay hindi magawang gampanan
ang mga responsabilidad nayun, hindi siya maitu-
turing na mabuting ama. Ang Islam ay isang batas at
kautusan. Kapag hindi magawang gampanan ng isang
Muslim ang mga batas at kautusan nayun, siya ay
hindi isang mabuting Muslim. Kaya hindi mo maiha-
halintulad ang Islam sa mga Muslim.
Madalas nating naririnig ang mga salitang ‘Is-
lam’ at ‘mga Muslim’. At nababasa natin ang tungkol
sa Islam at mga Muslim sa mga pahayagan, sa mga
aklat pang colehio at unibersidad. Marami tayong
naririnig at nakikitang hindi tama, at mapanirang
information na walang katotohanan na naipapahayag
sa mga balita. At inaamin ko na ang ilang mga mapa-
nirang impormasyon at mga kasinungalingang ito ay
mismong nagagawa ng ibang mga Muslim. Ngunit
isa sa bawat limang tao dito sa mundo na may ilang
limang bilyong katao ay isang Muslim! Isa sa limang
tao sa mundo ay Muslim! Ito ay isang Talaan na