Previous Page  8 / 15 Next Page
Information
Show Menu
Previous Page 8 / 15 Next Page
Page Background

Page 8

The Islamic Bulletin

Purpose Of Life In Tagalog

Paano nalaman ni Propeta Muhammad (Su-

makanya ang Kapayapaan) na ang embrayo ay mula

sa namuong dugo at nakakapit sa sinapupunan ng

kanyang ina? Mayroon ba siyang teleskopyo? Mayroon

ba siyang cystoskopyo? Mayroon ba siyang parang

“x-ray vision”? Papaano niya nakuha ang mga kaala-

man na ito, Kung natuklasan lang ito sa nakalipas na

Pitumpong taon?

Gayon din, paano niya nalaman na ang karaga-

tan ay mayroong harang sa pagitan nila upang maghi-

walay ang asin at sariwang tubig?

“At Siya ang nagpalaya sa dalawang karaga-

tan (uri ng tubig), ang isa ay matabang at sariwa, at

ang isa naman ay maalat at mapait, at Nilagyan niya

ito ng harang at kumpletong partisyon sa pagitan

nila.” [Quran 25:53]

Paano niya nalaman ang mga ito?

“At si Allâh ang siyang lumikha ng gabi; upang

makapagpahinga ang mga tao, at ganoon din ang

araw; upang sila ay makapaghanap-buhay, at ni-

likha Niya ang araw (shams o sun) bilang tanda ng

umaga, at nilikha Niya ang buwan bilang tanda ng

gabi, at bawa’t isa sa dalawa ay nasa ‘Falak’ (orbit’ o

ligiran) na nakalutang.” [Quran 21:33]

Paano niya nalaman na ang araw, ang buwan,

at ang mga planeta ay nakalutang at umiikot sa isang

orbita na iniayos para sa kanila?

Paano niya ito nalaman?– paano niya nalaman

ang mga bagay ito? Ang mga ito ay natuklasan lamang

noong nakaraang dalawampu’t lima o tatlumpung

taon. Ang teknolohiya at siyensya, ang karunungan na

ikaw at ako ay ganap na nakakaalam na ito’y kailan

lang natuklasan. Paano ito nalaman ni Muhammad

(Sumakanya ang Kapayapaan), na nabuhay sa na-

karaang mahigit Isang Libo at limang daang (1500)

taon – isang mangmang na nag papastol at walang

pinag-aralan na lumaki sa desyerto, na walang alam

sa pagsusulat o pagbasa – paano niya malalaman ang

ganitong bagay? Paano siya makakagawa ng ganitong

bagay? At paano magagawa ng kahit sinuman sa na-

kasama niya sa buhay, bago, o pagkatapos, ang isang

bagay na kailan lang natuklasan. Imposible ‘yun! Paa-

no magagawa ng isang tao na hindi umalis sa Bansang

Arabia“Arabian Peninsula”, isang taong hindi kailan-

man naglayag sa isang barko, na nabuhay lamang

noong nakaraang Isang Libo at limang daang(1500)

taon – na gumawa ng isang malinaw at kamang-ha-

manghang mga paglalarawan na kailan lang natuk-

lasan sa higit na kalahating siglo na ito At saka, kung

hindi pa ito sapat, hayaang niyong banggitin ko, na

ang Quran ay mayroong isang daan at labing-apat na

mga kabanata, mahigit na anim na libong mga bersi-

kulo. At mayroong daan-daang mga tao sa panahon

ng Propeta Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan)

ang naisinaulo ang buong aklat. Paano nangyari iyon?

Isa ba siyang henyo? Mayroon bang sinuman ang

nakapagsaulo ng ebanghelyo – mayroon ba sa kanila?

Mayroon bang sinuman ang nakapagsaulo ng Torah,

ng mga Salmo, Ang Lumang Tipan, at ang Bagong

Tipan? Walang sinuman ang nakagawa ‘nyan. Kahit na

ang Santo Papa.

Ngunit mayroong milyon-milyong mga Muslim

ngayon ang nakapagsaulo ng buong aklat na ito. Ito

ang hangarin ng bawat Muslim. Hindi ng iilan – kundi

Karamihan! Ilang mga Kristiyano na ba ang nakila-

la niyo sa buong buhay niyo, na nagkapagsaulo ng

Bibliya? Wala. Wala pa kayong nakilalang sinumang

Kristiyano na nakapagsaulo ng buong Bibliya, sapagkat

wala pa kayong nakikilalang isang Kristiyano na kahit

man lang alam kung ano ang kabuuan ng Bibiliya.

Bakit ganon? Sapagkat, ang mga Kristiyano mismo ay

mayroong mahigit pitong daan na sekta, at mayroong