Page 12
The Islamic Bulletin
Purpose Of Life In Tagalog
problema. Sinabi rin niya na, ang mga bata sa panahong
hinaharap, ang mga problema tungkol relihiyon ay
maaaring mabuo. Sa dalawampung taong gulang, di ko
maisip na magkakaroon kami ng mga suliranin tungkol
sa relihiyon. Ako ay labis na nagmamahal at sobrang
saya ang nararamdaman ko na may isang nilalang na
mag-aalaga sa akin. Ang asawa ko ay hindi naging
relihiyoso noong araw, at naisip ko na madali ko siyang
mapasampalataya sa Katolisismo. Sa aming kaibahan
ng pinagmulan, aking isinasang-alang-alang na maging
bukas ang aking kaisipan at tuwang-tuwa na tanggapin
ang bagong kultura.
Lahat ng bagay ay tila sang-ayon sa patuloy na
pagiging lubos sa mga susunod na ilang taon. Masaya
kami at ni minsan ang kultura o relihiyon ay kailanma’y
hindi naging sanhi ng anumang mga suliranin. Pinagpala
kami ng Panginoon ng isang guwapong anak na lalaki
at pagkatapos ng ilang mga taon ay isang magandang
anak na babae. Gayunpaman, patuloy pa rin kaming
namuhay at nagsimula akong dalhin ang aking mga anak
sa simbahan. Ang aking asawa ay hindi kailanman akong
pinigilan na magsimba sa araw ng Linggo. Samantala,
pagkatapos ng ilang beses na pagdadala ko sa mga anak
ko sa simbahan, kinausap niya ako na di siya sang-ayon
na dalhin ang mga anak ko para pumunta sa simbahan.
Lantaran akong nagalit at balisa. “Pero bakit hindi?
” ako’y tumutol. “Kahit na anong relihiyon ay mas
mabuti kesa wala. ”, ako ay tumutol. Tunay na hindi ko
maintindihan ang pinsalang idudulot ng pagdadala ko sa
kanila sa simbahan. Dumating sa puntong ito, ni minsan
di namin pinag-usapan ang relihiyon. Sa katunayan,
ni minsan di di ko tinanong kung mayroong iba’t-ibang
relihiyon higit sa Katolisismo. Pinanganak akong isang
Katoliko at naisip ko na ang Katolisismo ang tamang
relihiyon. Para sa mga paliwanag na di maturo ng aking
mga daliri, parang mula sa araw na iyon, lumitaw ang
napakaraming suliranin. Nagtatalo kami lagi – tungkol
sa lahat ng bagay at tao. Ngayon, maliit na bagay ay
nagiging malaking paksa. Ang relihiyon ay naging
isang diskusyunin sa pagitan namin. Ang pagkakaiba
ng kultura ay naging isang bagay na pinagtatalunan.
Pinagtatalunan namin ang aming pinagbiyenan at ang
pinakamasaklap, pinagtatalunan namin ang pagpapalaki
sa mga bata. Lahat ng mga bagay na babala ng aking
ina noon ay nagiging totoo.
Ang tanging kapayapaan at pagkakaisa na ngayon
ay nasa pagitan namin ay ang karunungan, katapatan,
pagmamalasakit at pagmamahal ng ama ng aking asawa,
ang aking biyenan para sa aming kasal. Minamahal ng
biyenan ko ang kanyang anak at mga apo, tunay na
pagmamahal din sa akin bilang anak na babae. Siya
ay isang napakarelihiyoso at madasalin na Muslim at
isang napaka-matalinong tao. Sa panahon na iyon,
dahil hindi ako napapaligiran ng Islam, ang biyenan
ko ang unang nagpakilala sa akin ng Islam. Lagi siyang
nananalangin, nag-aayuno sa buwan ng Ramadan, at
siya ay mapagbigay sa mga mahihirap. Nararamdaman
ko ang kaugnayan niya sa Diyos. Sa katunayan, ang
aking biyenan ay napakabait sa mga maralita na sa araw-
araw pagkadating sa bahay galing moske kung saan siya
nagdadasal ng dhur, inaaanyayahan niya ang maralitang
tao para kumain ng tanghalian sa kanyang tahanan. Ito
ay lagi sa araw-araw. Hanggang sa kanyang kamatayan
sa gulang na 95, ang mga kamag-anak niya ay patuloy
siyang inaalala sa ganitong ugali.
Ayaw ng aking biyenan na lalaki na nagtatalo ako
at ang asawa ko at pinayuhan niya kami na humanap
ng kalunasan bago mahirapan ang aming mga anak
sa hahantungan ng aming pag-aaway. Sinikap niyang
maigi na makahanap kami ng kalunasan. Binalaan
niya ang kanyang anak na payagan akong ituloy ang
kaugalian ko sa aking relihiyon, pero hindi na tungkol
sa relihiyon. Naramdaman ko ang pagkabigo at
nagpasyang magpahinga. Nang sinabi ko sa aking
asawa ang paghihiwalay, sumang-ayon siya at marahil
iyon ang pinakamaayos na gawin sa aming pag-aasawa.
Alam mo may kasabihang, “Kawalan ay ginagawang
mairog ang puso.”. Ganap nga, pero hindi sa aming
kalagayan. Sa katunayan, ang kawalan ay ginawa ang
aming puso na mas malayo sa isa’t-isa. Pagkatapos ng
paghihiwalay, ginusto naming maging manatiling hiwalay
at nagkasundong mag-diborsyo. Bagama’t desperado
akong tumira sa akin ang aking mga anak, pareho naming
naramdaman na mas maigi silang arugain ng kanilang
ama. Mas maayos ang kalagayan niya sa pananalapi,
arugain at bigyan sila ng kaginhawaan; isang bagay na
hindi ko pa kaya ibigay sa kanila. Gaano ko sila inaasam-
asam bawat gabi. Bumalik ako sa aking ina at patuloy
ko silang nakikita kada katapusan ng linggo. Ang aking
dating asawa ay inihahatid sila tuwing Biyernes ng hapon
at sinusundo tuwing Linggo ng umaga. Bagama’t masakit
ang ganitong kasunduan, mas mabuti na rin kesa wala.
Gabi-gabi bago ako matulog, binabasa ko ang
Bibliya. Kapag ang mga anak ko ay bumibisita sa akin,
binabasahan ko sila ng mga salita ng Diyos, naiintindihan
man nila o hindi. Pagkatapos ng pagbabasa ng mga salita,
isang gabi humingi ako ng tulong kay Jesus, sumunod na
gabi sa mga anghel, sumunod na gabi sa mga iba’t-ibang
santo, sumunod na gabi kay Birheng Maria. Pero isang
gabi, wala na akong mahingian ng tulong, naubusan
na ako ng santo. Kaya sabi ko ‘ngayon hihiling tayo sa
Diyos’. Tanong ng aking anak , ‘Okay, ngayon sino ang
Diyos? ’ . Sagot ko, ‘Siya ang naglalang saiyo, naglalang
sa akin. ’ ‘Siya ay habambuhay na kahangga natin. ’ Kaya
siya ay nagnilay-nilay, iniisip niya ang tungkol sa mga
sinabi ko. Sa aking paliwanag, hinagod ko muli ang krus.
Sabi ko, ‘ngayon magpasalamat sa Diyos’. Pinagmasdan
niya ang Diyos, at nagtanong‘ Mamma, sino siya?‘ Sagot
ko, ‘Siya ang Diyos, Siya ang Anak ng Diyos. ‘ Sabi
niya, ‘Binanggit mo lang kanina na ang Diyos ay walang
hanggan. Papaano ang isang ito namatay? ’ Kailanma’y
di ko mapagtanto ang katotohanan. Nagtanong siya sa
akin kung saan nanggaling ang Diyos. At sinabi ko, Siya
ay nanggaling sa sinapupunan ni Maria, ang ating Birheng
Maria. Sabi niya, ’O, pinanganak pala siya noon. Sabi
ko, ‘Ganap na totoo. ’ Pero pagkatapos, sinabi niya,