Previous Page  9 / 15 Next Page
Information
Show Menu
Previous Page 9 / 15 Next Page
Page Background

Page 9

The Islamic Bulletin

Purpose Of Life In Tagalog

halos tatlumpu’t siyam na iba-ibang mga bersyon ng

Bibliya – kasama ng iba-ibang mga aklat at iba’t-ibang

mga bersyon. Iba’t-ibang bilang ng mga bersikulo at

iba’t-ibang bilang ng mga kabanata. At hindi sila suma-

sang-ayon diyan. Kaya paano man lang nila maisasau-

lo ang hindi nila naipagkakasunduan

Iyon ay ilan lang na mga katunayan tungkol

sa Quran. Ang Quran ay pinangalagaan ng husto na

walang kahit man lang napakaliit na pag-babago sa

anumang uri sa loob ng labinlimang siglo. At hindi ako

nagsasalita nang may pamimintas. Ako’y isang taong

dating Kristiyano. Isang taong nakatuklas sa mga bagay

na ito sa sarili kong pagsisiyasat. Isang taong ibinaba-

hagi ang impormasyong ito sa inyo. Nagbabaligtad ng

ilang malalaking bato para makita ninyo ang ilalim. At

nasasa inyo na ito!

Isipin ninyo na lang kung ang lahat ng ito ay

totoo. Sasang-ayon ba kayo na ang aklat na ito ay da-

kila? At natatangi?kahit papaano, Kayo ba ay magiging

tapat para sabihin ‘yun? Siyempre naman, kung kayo

ay tapat. At kayo ay tapat. Sa inyong kalooban, kail-

angan ninyo makarating sa ganoong palagay. Maram-

ing ibang ‘di mga Muslim ang nakarating sa ganoong

palagay. Ang mga tao tulad nina Benjamin Franklin,

Thomas Jefferson, Napoleon Bonaparte, at Winston

Churchill, para magbanggit ang ilan. Marami pang

iba at maaari akong magpatuloy, at tuloy-tuloy. At

Nakarating sila sa ganoong palagay. Kung Natanggap

man nila ang Islam nang hayagan, o hindi. Narating

nila ang ganoong palagay na walang ibang panitikan sa

mundo ang kasing dakila ng Quran, ang pinagmumu-

lan ng karunungan at nagbibigay-lunas, at gabay.

Ngayong naiayos na natin ang usapin tung-

kol sa pagiging tunay ng Quran, pumunta naman

tayo sa isa pang paksa: ang mga pangunahing tema

ng Quran. Ang pagiging isa ng Makapangyarihang

Diyos, na kabilang ang Kanyang mga pangalan, mga

katangian, ang kaugnayan sa pagitan ng Diyos na

Makapangyarihan at Kanyang mga likha, at kung paa-

no mapapangalagaan ng mga tao ang kaugnayan ito.

Ang pagpapatuloy ng mga propeta at mga sugo, ang

kanilang buhay, ang kanilang mga mensahe, at ang

kanilang kabuuang misyon. Ang paggiit sa pagsunod sa

huli at pandaigdigang halimbawa ni Muhammad (Su-

makanya ang Kapayapaan), Tanda ng mga Propeta at

Sugo. Nagpapaalala sa mga tao sa iksi ng buhay na ito

at tinatawag sila patungo sa walang hanggang buhay

sa kabilang buhay. Ang Kabilang buhay, ibig sabihin

pagkatapos dito. Kabilang buhay, iiwan niyo ang lugar

na ito at magpupunta kung saan; hindi sinasabing

mamayang gabi. Kundi pagkatapos ninyong mamatay

at iwan ang mundong ito, kayo ay magpupunta kung

saan, tanggapin niyo man, o hindi niyo alam ang tung-

kol doon; Pupunta kayo doon, at ikaw ay responsable,

sapagkat ikaw ay pinagsabihan – kahit ito ay iyong

tanggihan. Sapagkat ang layunin ng buhay na ito ay

hindi ang maupo rito, at pagkatapos nito ay wala at

walang epekto. Bawat sanhi ay may epekto! At ikaw

ay dumating sa buhay na ito para sa isang dahilan at

isang layunin. At mayroon dapat itong epekto! Kailan-

gan nitong tiyaking may epekto! Hindi ka nagpupunta

ng paaralan para lang manatili doon! Hindi ka nagtra-

trabaho para hindi bayaran! Hindi ka magtatayo ng

isang bahay at hindi lilipat doon! Hindi ka magpapa-

gawa ng kasuotan at hindi susuotin! Hindi ka lumaki

mula sa pagkabata at hindi magiging matanda! Hindi

ka nagtratrabaho nang hindi umaasa ng suhol! Hindi

ka mabuhuhay na hindi umaasang mamamatay! Hindi

ka mamamatay na hindi umaasa ng libingan! At hindi

ka maaaring umasa na ang libingan ang katapusan. Sa-

pagkat iyon ay mangangahulugang ikaw ay nilikha ng

Panginoon na Walang saysay na layunin. At hindi ka

nagpunta ng eskwelahan, nagtrabaho, o gumawa ng

anuman, o pumili ng asawa, o pumili ng pangalan ng

iyong mga anak para sa isang walang saysay na layun-

in. Paano mo itatalaga sa Panginoon ang isang bagay

na mababa na higit sa iyong sarili.

Sa pagtatangkang mabihag at makonbisi ang

imahinasyon at kakayahan ng pangangatwiran, ang

Quran ay dumadaan sa napakahaba at di maipali-

wanag na kagandahan ng mga karagatan at mga ilog,

mga puno at halaman, mga ibon at mga insekto, mga

mababangis at maaamong hayop, mga kabundukan,

mga lambak, ang lawak ng kalangitan, mga bagay

sa kalangitan “Celestial bodies” at ng daigdig, mga

isda at mga buhay sa katubigan, mga anatomiya ng

mga tao at biyolohiya, mga sibilisasyon ng mga tao at

kasaysayan, mga larawan ng paraiso at impyerno, mga

ebolusyon ng embrayo ng tao, mga misyon ng lahat

ng mga propeta at sugo, at mga layunin ng buhay dito

sa Kalupaan. At paano magagawa ng isang pastol, na

isinilang sa desyerto, na lumaking walang pinag-aralan

at hindi marunong magbasa – paano niya maipapa-

liwanag ang tungkol sa mga bagay na hindi pa niya

kailanman nakita?

Ang pinaka-natatanging aspeto ng Quran, ay

ang ito ay nagpapatunay sa lahat ng banal na kasula-

tan na naihayag sa nakaraan at, pagkatapos suriin ang

relihiyon ng Islam, kailangan mong magpasya na mag-

ing isang Muslim, hindi mo kailangang isipin ang iyong

sarili na pinapalitan ang iyong relihiyon! Hindi mo

pinapalitan ang iyong relihiyon… Tingnan mo, kapag

pumayat ka, hindi mo itatapon ang iyong kasuotang

nagkakahalaga ng Limang daang dolyar($500) – si-

yempre hindi! Dadalhin mo ‘yun sa isang mananahi

at sasabihing, ‘Makinig ka, gawin mo itong mas maliit

para sa akin, pakiusap. Baguhin mo ito dahil gusto ko

itong kasuotan na ito’. Gayundin, sa iyong pananam-

palataya, ang iyong dangal, ang iyong pag-uugali, ang

iyong pagmamahal kay Hesu Kristo, ang iyong ug-

nayan sa Panginoon, ang iyong pagsamba, ang iyong

katapatan, at ang iyong dedikasyon sa Makapangyar-

ihang Diyos – hindi mo babaguhin at itatapon ang

mga iyon! Ito ay iyong panghahawakan! Ngunit, may

gagawin kang pag-babago sa kung saan alam mong

ang katotohanan ay naihayag sa iyo! ‘Yun lang!