Page 10
The Islamic Bulletin
Purpose Of Life In Tagalog
Ang Islam ay simple: ang sumaksi na walang
ibang dapat sambahin maliban ang Makapangyari-
hang Diyos. Kung tatanungin ko ang sinuman sa inyo
na sumaksi na ang iyong ama ay iyong ama – ilan sa
inyo ang magsasabing, ‘Oo, ang aking ama ay ang
aking ama; Ang aking anak ay ang aking anak; Ang
aking asawa ay ang aking asawa; Ako ay ako’. Kung
gayon, bakit kayo nag-aalinlangan na sumaksi na ang
Makapangyarihan ay Iisa at ang Makapangyarihang
Diyos ay tanging Nag-iisa, at ang Makapangyarihang
Panginoon ay iyong Diyos at iyong tagapaglikha? Bakit
kayo arogante na gawin ito? Kayo ba ay maluwalha-
ti? Taglay niyo ba ang isang bagay na hindi taglay ng
Panginoon? O, ikaw ba ay naguguluhan? ‘Yan ang
katanungan na dapat ninyong itanong sa iyong sarili.
Kung mayroon kang pagkakataon na itama
ang mga bagay-bagay kasama ng inyong konsensya at
itama ang mga bagay kasama ang Panginoon, gagawin
mo ba? Kung mayroon kang pagkakataon na tanungin
ang Panginoon na tanggapin ang pinakamaganda
mong mga gawain, gagawin mo ba? Kung mayroon
kang pagkakataon na gawin ito bago ka pumanaw,
at naisip mong ikaw ay mamamatay ngayong gabi,
hindi ka ba mag-aalinlangan na sumaksi na iisa lang
ang Panginoon? Kung naisip mo na ikaw ay papanaw
ngayong gabi at sa iyong harapan ay isang paraiso at sa
iyong likuran ay impyerno, hindi ka ba mag-aalinlan-
gan na sumaksi na si Muhammad ay ang huling sugo
ng Panginoon at kinatawan ng lahat ng propeta? Hindi
ka mag-aalinlangan na sumaksi na ikaw ay isa sa mga
iyon na gustong maisulat sa aklat ng Panginoon katu-
lad sa mga nagpasakop!
Pero, isipin mong ika’y mabubuhay ng maikling
sandali. At siyempre hindi ka handang magdasal araw-
araw! ‘ng dahil inaakala mong ikaw ay mabubuhay ng
isang saglit lang. Ngunit gaano nga ba kaikli ang ‘isang
maikling sandali’? Gaano katagal na ba ‘noong na
kumpleto ang buhok mo sa ulo? Gaano katagal na ba
‘noong itim pa ang lahat ang mga buhok mo? ‘Nung
magkaroon ka ng mga kumikirot at masasakit na
tuhod at mga siko at sa ibang bahagi ng katawan! Gaa-
no katagal na ba ‘nung ikaw ay musmus pa lamang,
na tumatakbo at naglalaro na walang kamalay malay?
Gaano na ba katagal ‘yun? Kahapon lang ‘yun! Oo. At
ikaw ay maaring pumanaw bukas. Kaya gaano katagal
ka pang maghihintay?
Ang Islam ay ang pagsaksi na ang Makapang-
yarihang Diyos ay Diyos, ang nag-iisang Panginoon,
na walang sinumang mga kasama. Ang Islam ay ang
pagkilala sa Pagkakaroon ng mga Anghel na ipinadala
kasama ng tungkulin ng paghahayag ng mga rebelas-
yon sa mga propeta. Dala-dala ang mensahe para sa
mga propeta. Namamahala sa hangin, kabundukan,
karagatan, at kinukuha ang mga buhay ng mga iniutos
ng Panginoon na mamatay. Ang Islam ay pagkilala na
ang lahat ng mga propeta at mga sugo ng Makapang-
yarihang Diyos ay mga taong mabubuti. At na sila ay
ipinadala ng Makapangyarihang Diyos na kinikilala
ang katotohanang mayroong huling araw ng paghuhu-
kom para sa lahat ng mga nilalang. Ang Islam ay ang
pagkilala na ang kabutihan at kasamaan ay naisukat
ng Makapangyarihang Diyos. At ang huli, ang Islam ay
ang pagtanggap na tiyak na mayroong magaganap na
muling pagkabuhay pagkatapos ng kamatayan.
A ng Islam ay parang isang malaking bahay. At
ang bawat bahay ay kinakailangang itayo nang may
pondasyon at mga haligi na susuporta sa isang bahay.
Mga haligi at pondasyon. At kailangan mong magtayo
ng isang bahay na may mga batas. Ang mga haligi ay
ang mga batas! At kung magtatayo ka ng iyong bahay
ay dapat mong sundin ang mga batas.
Ang mga pangunahing tungkulin na nakaatas
sa bawat Muslim ay simple, at pinaiksi sa limang mga
payak na batas, na tinatawag na Ang Limang Haligi
ng Islam: Pagpapahayag, Pagdarasal,Pagbibigay ng
zakah(Abuloy) Pag-aayuno, at Paglalakbay sa Makkah.
Ang pinakamahalagang batas ng Islam ay ang su-
mang-ayon sa istriktong alituntunin na iisa lang ang
Diyos. ‘Yan ay, ang hindi pagtanggap ng sinuman
kasama ng Panginoon. Ang hindi pagsamba sa kahit
na anuman kasama ng Panginoon. Ang mananam-
palataya ay sumasamba sa Panginoon nang tuwid
at walang namamagitang mga pari o ministro o mga
santo. Ang hindi pagsabi ng anumang bagay tungkol
sa Panginoon na wala kang karapatang sabihin. Ang
hindi pagsabi na, ‘mayroon siyang ama’, anak na lala-
ki, anak na babae, ina, tiyuhin, tiyahin, lupon ng mga
katiwala’. Ang hindi pagsalita tungkol sa Panginoon
ng anumang bagay na wala kang karapatang sabihin.
Kung ikaw ay sumasaksi, hinahatulan mo ang iyong
sarili. Gagawin mo ang hatol na gusto mo. Maaaring
hatulan mo ang iyong sarili ng kapayapaan at paraiso,
o hatulan mo ang iyong sarili ng pagkalito, kabiguan,
apoy ng impyerno at kaparusahan. Hinahatulan mo
ang iyong sarili.
Kaya tanungin mo ang iyong sarili, “Ako ba
ay sumasaksing iisa lang ang Panginoon?” Kapag
itinanong mo ‘yan sa iyong sarili, kailangan mo itong
sagutin, “Oo ako ay sumasaksi”. Pagkatapos ay ta-
nungin mo ang iyong sarili ng susunod na tanong.
Ako ba ay sumasaksi na si Muhammad ay isang sugo
ng Makapangyarihang Diyos “Oo, ako ay sumasaksi”.
Kung ikaw ay sumasaksi sa mga ‘yan, ikaw ay isang
Muslim. At hindi mo kinakailangang baguhin kung
ano ang nakaraan mo. Kailangan mo lang ng mga
pag-babago sa kung ano ka dati – sa pag-iisip at ga-
wain.
Sa wakas, tatanungin ko kayo ng isang tapat at
direktang katanungan: Naunawan niyo ba ang aking
sinabi sa inyo? Kung sumasang-ayon kayo sa aking
sinabi at handang pumasok sa Islam, kayo ay handang
maging Muslim. Para maging isang Muslim, dapat mo
munang Magpahayag ng Shahada “ang pagsaksi”,
na isang pagpapahayag sa paniniwala sa kaisahan ng