Page 6
The Islamic Bulletin
Purpose Of Life In Tagalog
Malamang hindi mo tatanggapin…Kapag pinahinto ka
ng isang pulis at hiningan ka ng mga pagkakakilanlan,
o passport at tanging unang pangalan mo lang ang
nakasulat, tatanggapin ba niya ito? Makakakuha ka
ba ng passport gamit lang ang paunang pangalan mo?
Ang ibinigay ba na pangalan ng iyong ama at ina ay
iisa lamang? Saan sa kasaysayan ng tao tinatananggap
lamang ang iisang pangalan bilang isang kasulatan,
saan? Wala saanman! Maliban sa Bagong Tipan.
At paano mo ibabatay ang iyong pananampala-
taya sa apat na Ebanghelyo na isinulat ng apat na mga
tao na tila hindi alam ang kanilang mga apelyido? At
saka, pagkatapos ng apat na mga ebalhelyong iyon,
mayroon pang labing’lima karagdagang mga aklat na
isinulat ng isang taong nagtraydor na pumatay ng mga
Kristiyano, Nagpahirap sa mga Kristiyano, at tapos
sasabihin nya na may pangitain pa sya na nakita nya si
Hesus. At siya ay naatasang maging disipulo ni Hesus.
Kapag sinabi ko sa inyo na si Hitler, pagkatapos niyang
patayin ang napakaraming Hudyo, napagpasyahan
niya sa kanyang sarili na nais niyang makaligtas. At na-
katagpo niya si Kristo o si Moses sa daanan at siya ay
naging isang Hudyo. At nagsulat siya ng labin’limang
aklat at idinagdag ang mga ito sa Torah – ito ba ay ma-
giging katanggap-tanggap sa mga Hudyo? Hindi, hindi
niyo tatanggapin iyon. Kaya paano’ng ang apat na
aklat na isinulat ng mga taong walang apelyido, at ang
labin’lima pang ibang aklat na isinulat ng isa pang tao
– at ito ang unang pagkakataon na ang Panginoon ay
tinawag na tao, at ang unang pagkakataon ang Pangi-
noon ay tinawag na tatlo – at ang unang pagkakataon
na ang Panginoon ay binigyan ng isang anak – paano
ito natatanggap ng mga Kristiyano? Paano? Isipin niyo
‘yon! Hindi natin pagtataluhan ang puntong iyon.
Ako’y magbibigay lamang ng bagay na dapat ninyong
pag-isipan.
Ang pagdating ni propeta Muhammad (Su-
makanya ang Kapayapaan) ay hindi nagdala ng bagong
relihiyon o pamamaraan ng buhay tulad ng mga taong
nag aangkin nito. Sa kabilang banda, pinatunayan ng
propeta (Sumakanya ang Kapayapaan) ang buhay at
mensahe ng lahat ng mga propetang nauna at mga
sugo. Kapwa sa pamamagitan ng kanyang sariling
pag-uugali at sa pamamagitan ng banal na rebelasyon
na natanggap niya galing sa Panginoon Makapangyari-
han. Ang banal na kasulatan na dinala ni Muhammad
(Sumakanya ang Kapayapaan) ay tinatawag na, ang
Quran. At ang ibig sabihin nito ay “ang binigkas”. Sa-
pagkat hindi si Muhammad (Sumakanya ang Kapayap-
aan) ang nagsulat ng Quran. Hindi siya ang manunulat
ng Quran. Walang sinumang dumating at tumulong sa
kanyang magsulat ng Quran. At walang sinuman ang
nakipagtulungan sa kanya ukol dito. Si Anghel Gabriel
ang nagbigkas ng mga salita sa kanya! At ginawa ng
Makapangyarihang Diyos ang kanyang puso na sisid-
lan nito. Ang puso ni propeta Muhammad (Sumakan-
ya ang Kapayapaan) ang naging sisidlan ng rebelasyon
at nasa atin ang Quran na ito na pinangalagaan ng
ilang mga taon na walang pag-babago. Mayroon bang
ibang aklat dito sa mundo na alam niyo na pinangal-
agaan kung paano ito inihayag nang walang pag-baba-
go? Walang aklat… Tanging ang Quran lamang.
Huwag niyong ibatay sa aking mga pananalita ang
paniniwala niyo tungkol dito! Magpunta kayu sa mga
silid-aklatan at tingnan kung ano ang sinasabi ng En-
cyclopedia Britannica, o ang World Encyclopedia, o
ang Americana’s Encyclopedia, o kahit na anong iba
pang unibersal na encyclopedia ng mundo na hindi
isinulat ng mga Muslim. Tingnan kung ano ang sinasa-
bi nito tungkol sa Islam, sa Quran, at kay Muhammad
(Sumakanya ang Kapayapaan). Basahin kung ano ang
sinasabi ng ‘di mga Muslim tungkol sa Quran, Islam,
at kay Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan).
At marahil tatanggapin ninyo ang mga sinasabi ko
na malinaw at dokumentado sa buong daigdig! Na
si Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan) ay ang
pinaka-matalinong indibidwal sa kasaysayan ng sang-
katauhan. Tingnan kung ano ang kanilang sinasabi.
Na ang Quran ay ang pinaka dakila, at ang pinaka
malalim na panitikan sa talaan ng kasaysayan! Tingnan
kung ano ang kanilang sinasabi. Na ang pamamaraan
ng buhay Pang-Islamiko ay naka-ayos at napaka-wasto
at buhay na buhay! Ito ay hindi nagbago.
Ang banal na kasulatan na natanggap ni Mu-
hammad (Sumakanya ang Kapayapaan) ay tinatawag
na ‘Quran’. At ang bawat isa sa mga propeta at mga
sugo ay nakatanggap din ng banal na kasulatan. Sa
Quran, ang mga propetang ito, ang kanilang banal na
mga kasulatan, ang kanilang mga kwento, at mga al-
ituntunin ng kanilang misyon ay binanggit nang buong
detalye. Si Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan)
ba ay nakipagkita sa kanila, nakipag-usap ba sa kanila,
kumain kasama nila, at nakipagtulungan sa kanila para
sa pagsusulat ng kanilang talambuhay? Hindi, syem-
pre hindi nya ginawa ‘yun. Sa Quran, si Muhammad
(Sumakanya ang Kapayapaan) ay kinikilala bilang sugo
ng Makapangyarihang Diyos at ang Tanda na mga
nangaunang propeta –kung saan Limitado lang ang
kanyang papel bilang isang tao.
Si Muhammad ay hindi ama ng kahit na
sinumang kalalakihan sa inyo, kundi siya ay Sugo ni
Allah, ang pinakahuli sa lahat ng mga Propeta. At si
Allah ang Siyang walang-hanggang Nakababatid sa
lahat ng bagay.” [Quran 33:40]“
Ang mga Muslim ay hindi sumasamba kay
Muhammad, hindi kami mga ‘Muhammadan’. Wala
kaming karapatang baguhin ang pangalang ‘Mu-
hammad’ at sabihing kami ay mga ‘Muhammadan’.
Hindi. Ang mga taong sumunod kay Moses, hindi sila
mga ‘Mosean’. Ang mga taong sumunod kay Jacob ay
hindi mga ‘Jacobites’. O ang mga taong sumunod kay
Abraham ay hindi mga ‘Abrahamian’. O ‘Davidians’.
Hindi,. Kung ganun paanong tinatawag ng mga tao
ang kanilang mga sarili na ‘Kristiyano’? Si Kristo ay
hindi tumawag sa kanyang sarili na ‘Kristiyano’, kaya’t