Page 14
The Islamic Bulletin
Purpose Of Life In Tagalog
pakinabang sa ating malasalitang buhay, samantala sa
Quran, nakatala nang maraming beses na ang Allah ay
hindi pinatatawad ang Shirk (Polytheism). Isinasasaad sa
Quran na ang tanging kasalanan na hindi mapapatawad
ng Diyos ay makisama sa kanya, pero pinatatawad Niya
ang kahit ano man kung sino ang Kanyang loobin.”
Isinasamo niya akong magbasa at matuto at alamin
ang Islam. Ang aklat ay dinala sa akin upang ibukas ko
ang aking isipan. Tumanggi ako. Ipinanganak akong
Katoliko, mamamatay akong Katoliko.
Sa sumunod na sampung taon, nanatili akong
nakatira malapit sa tahanan ng aking anak na lalaki,
kanyang asawa at pamilya. Ninais ko, kahit na, gusto ko
ring paggugulan ng ilang oras ang aking anak na babae,
kung saan nakatira siya sa Saudi Arabia. Di ganoong
kadaling kumuha ng bisa. Binibiro ako ng aking anak
na lalaki na kung tatanggapin ko ang Islam, madaling
nang kumuha ng bisa para pumasok ng Saudi Arabia;
makakakuha ako ng bisang Umrah . Pinagdidiinan
kong hindi ako Muslim. Pagkatapos ng napakaraming
mabibigat na gawain at kaunting kaugnayan, nabigyan
ako ng bisa para bisitahin ang aking anak na babae, na
isa nang ina ng tatlong bata. Bago ako umalis, niyapos
ako ng aking anak na lalaki, at sinabi niya kung gaano
niya ako kamahal, gaano katindi na ninanais niya na ang
Paraiso para sa akin. Sinabi niya rin sa akin na nakamit
na niya ang gusto niya sa kanyang buhay, puwera lang
ang isang ina na Muslim. Sinabi niya na lagi siyang
nagdadasal kay Allah sa bawa’t araw, na sana baguhin
ang puso ko na tanggapin ang Islam. Sinabi ko sa kanya
na hindi mangyayari iyon.
Binisita ko ang aking anak na babae sa Saudi
Arabia at ako ay napaibig sa bansa, klima at mga tao.
Ayaw ko nang umalis pagkatapos ng anim na buwan
kaya humingi ako ng ekstensiyon. Pinapakinggan ko
ang Athan (tawag ng pagdadasal) limang beses sa isang
araw at nakikita ko ang mga naniniwala na isinasara ang
kanilang tindahan at umaalis para magdasal. Kahit na
nakakabagabag, itinuloy ko ang pagbabasa ng Bibliya
sa umaga at sa gabi at laging nagrorosaryo. Ni minsan,
ang anak kong babae o ibang taong Muslim ay hindi
nagsasalita sa akin ng tungkol sa Islam o hinahangad
na ako ay pasampalatayain. Iginagalang nila ako at
pinapayagan akong isagawa ang aking relihiyon.
Ang aking anak na lalaki ay darating mula Saudi
Arabia para ako ay bisitahin. Masayang-masaya ako –
hindi ko pa siya nakikita. Nang dumating siya, nasa likod
ko na naman siya, pinag-uusapan ang relihiyon at the
Pagkakaisa ng Diyos. Galit ako. Sinabi ko sa kanya na
nasa Saudi Arabia ako higit isang taon at wala kahit isa
na nakipag-usap sa akin tungkol sa relihiyon. At siya, na
nasa ikalawang gabi niya dito, napakabilis umpisahan ang
pangangaral. Humingi siya ng paumanhin at muli niyang
binanggit na kung gaano niya ninanais na tanggapin ko
ang Islam. Sinabi ko uli sa kanya na di ko lilisanin ang
Kristiyanismo. Tinanong niya ako tungkol sa Trinidad and
paano ako maniniwala sa isang bagay na hindi lumikha
ng lohikal na kahulugan. Pinaalalahanan niya ako na
mayroon din akong mga katanungan tungkol dito. Sinabi
ko sa kanya na lahat ng bagay ay walang kabuluhan –
magkaroon ka lamang ng pananampalataya.
Tila tinanggap niya ang kasagutan ko at maligaya
ako na sa wakas nanalo ako sa diskusyon sa relihiyon.
Pagkatapos, sinabi niya sa akin na ipaliwanag ang
milagro ni Jesus sa kanya. Aha, Akala ko! Sa wakas,
magkakaintindihan kami. Ipinaliwanag ko ang milagro
ng kapanganakan ni Jesus, ni Birheng Maria, Jesus na
namatay dahil sa aking mga kasalanan, Ang Diyos na
hinihinga ang kanyang espiritu sa Kanya, Jesus bilang
Diyos, Jesus bilang anak na lalaki ng Diyos. Tahimik siya
sa buong oras na nagsasalita ako – walang sagot – anak
kong lalaki, tahimik? Pagkatapos, malumanay niya akong
tinanong, “ Mamma, kung si Jesus ay namatay sa araw
ng Biyernes dahil sa ating mga kasalanan, pagkatapos
ang sabi mo , siya ay nabuhay na muli, pagkalipas ng
tatlong araw sa araw ng Linggo, kung gayon sino ang
namuno sa mundo sa tatlong araw na iyon? Mamma,
ipaliwanag mo sa akin iyon?” Inisip ko ang kahulugan ng
katanungan na iyon at sa sandaling iyon, alam ko wala
iyong anumang kahulugan Sinabi ko,“ Si Jesus ay anak
ng Diyos. Si Jesus at Diyos ay iisa at pareho.“ Sumagot
ang aking anak,“ Ang baka ay may guya; maliit na baka.
Ang pusa ay may kuting; maliit na pusa. Ang tao ay may
mga anak; maliit na tao. Kapag ang Diyos ay may anak
na lalaki, ano siya? Isang maliit na Diyos? Kung ganon,
may dalawa kang Diyos?“ Pagkatapos nagtanong siya,
“Mama, maaari ka bang maging Diyos?“ Kakutya-kutya
tanong yan, ang sabi ko sa kanya. “Ang mga tao ay di
kailanman magiging Diyos.“ (Ngayon, galit na galit ako).
Nagtanong siya, “Si Jesus ba ay tao? “ Sagot ko, “Oo.“
Sinabi niya, “Samakatwid, hindi siya kailanman magiging
Diyos.“
Ang pag-angkin na ang Diyos ay naging tao ay
isang kahangalan. Hindi angkop sa Diyos na gayahin
ang katangian ng tao sapagkat ang ibig sabihin non ay
Ang Lumikha ay naging Kanyang Nilikha. Gayunpaman,
ang nilikha ay produkto ng malikhaing gawa ng Lumikha.
Kung ang Lumikha ay naging kanyang nilikha, ang ibig
sabihin non ay ang Lumikha ay nilikha ang kanyang sarili,
na kung saan ay walang duda na ito ay kahangalan. Para
malikha, hindi siya dapat nabubuhay pa, paano Siya
makakalikha? At saka, kung Siya ay nilikha, ang kahulugan
non ay mayroon siyang pinagmulan, kung saan salungat
sa Kanyang pagiging eternal. Ayon sa kahulugan ang
sangkalikasan ay kailangan ng tagalikha. Para mabuhay
ang ililikha, kailangang may tagapaglikha para sila ay
mabuhay. Hindi nangangailangan ng tagapaglikha ang
Diyos, dahil ang Diyos ang Tagapaglikha. Samakatuwid
mayroong malinaw na pagkasalungat sa pagpapahayag.
Ang pag-angkin na ang Diyos ay naging Kanyang nilikha
ay nagpapahiwatig na kailangan Niya ng Tagapaglikha
kung saan ito ay katawa-tawang kuro-kuro. Ito ay
salungat sa pangunahing kuro-kuro ng Diyos bilang
di-nilikha, di kailangan ng tagapaglikha at bilang isang
Tagapaglikha. Sa kaalaman kong wala akong isasagot,