Previous Page  13 / 15 Next Page
Information
Show Menu
Previous Page 13 / 15 Next Page
Page Background

Page 13

The Islamic Bulletin

Purpose Of Life In Tagalog

’Pero sinabi mo sa akin na Siya ay walang hanggan. ’ Di

siya namatay at di siya ipinanganak. Ang aking anak na

walong gulang na noon, nagtanong sa akin ng tahasan,

“Mama, bakit di ka humingi ng tulong sa Diyos?“ Nagulat

ako at natigilan sa pagkamangha na tatanungin niya ako

tungkol sa relihiyon. Sinabi ko sa kanya na humihiling

din ako sa Diyos. Di ko akalain, ang aking sariling anak

na lalaki ay patuloy na magiging tinik sa aking tabi, laging

magpapaalala sa akin tungkol sa nararapat na pagsamba

sa Isa, Totoong Diyos, Salamat sa Diyos.

Hanggang ako ay nakasal muli pagkatapos ng

ilang taon at napalipat sa Australia kasama ang aking

bagong asawa. Ang aking dating asawa ay kinasal na

muli, lumipat ang kanyang pamilya sa Saudi Arabia.

Ako ay nananabik na makita ang aking mga anak pero

sa huli sa Italya ako nagsimula ng aking bagong pamilya

at naging ina ng tatlo ko pang anak na babae. Sa bawat

gabi, ako ay nagdarasal pa rin, “Sa Ngalan ng Ama, ng

Anak at ng Espiritu Santo“. Napakabilis at napaka-inam

na lumipas ang mga taon. Ako ay natutuwa na isang

tag-araw; ang anak kong lalaki at babae ay darating para

bisitahin ako. Maraming mga bagay ang tumatakbo

sa isipan ko. Magiging masaya kaya sila kapag nakita

ako, pagkatapos ng napakahabang pagkalayo? Ano

kaya ang aming pag-uusapan? Nagdasal ako para ako

ay matulungan. Lahat ng pangamba ko ay naglaho sa

unang pagkakataong nakita ko ang aking mga anak sa

palapagan. Mayroong saglit na pagbubuklod sa pagitan

ng ina at mga anak at iyon ay parang konting oras lamang

ang lumipas. Ang aking anak na lalaki ang masalita sa

dalawa kong anak. Sinisigurado niyang paalalahanan ako

na hindi sila kumakain ng baboy, o kahit mga pagkaing

may alkohol. Sinabi ko sa kanya na naaalala ko ang

mga iyon tungkol sa kanyang relihiyon. Sinabi ko rin sa

kanya na hindi rin ako kumakain ng baboy at ni hindi

umiinom ng alkohol, isang kaugaliang aking tinandaan

mula nang napakasal ako sa kanilang ama. Ang alak,

ganap na sinigurado ko ang pagluluto na wala noon

habang sila ay nasa aking tahanan.

Nagkaroon kami ng magandang tag-araw,

pagkilala sa isa’t-isa, pagkilala nila sa kanilang mga

bagong kapatid, pagpipiknik, pagliliwaliw, paglalangoy.

Ayoko nang matapos iyon. Pero alam ko ang buhay

nila ay sa Saudi Arabia at kailangan nilang bumalik

doon. Tinanong ko ang aking anak na babae ng isang

nangangambang katanungan kung paano siya tratuhin

ng kanilang tiyahin, at sa totoo lang naramdaman ko ang

kaligayahan ng sabihin niya sa akin na siya ay tinatratong

parang tunay na anak na babae.

Ang aking mga anak ay bumisita na muli dalawang

beses pagkatapos ng tag-araw. Nang ang aking anak

na lalaki ay naging dalawampu’t isang gulang (21),

dumating at nanirahan siya kasama ko sa loob ng anim

na buwan. Nagtatalo kami tungkol sa relihiyon – Boy,

dapat ba kaming magtalo sa relihiyon. Ang aking anak

na lalaki at ako ay halos magkapareho ng personalidad,

pero meron kaming pagkakaiba – at walang duda yan

yon. Samantalang ako ay mainit ang ulo sa mga alitan,

ang anak kong lalaki ay mas mahinahon, kaya nananatili

siyang kalma samantalang ako ay nasa hangganan na

ng pagkahibang! Sa kabila ng alitan, naniniwala ako na

umaayon sa aming biyaya na magiging balanse habang

kami ay nagdidikusyon. Kami ay sobrang magkapareho

kagaya ng pagiging mapagmahal, mapagbigay at

matulunging tao. Kung ano ang hinahangaan ko sa

kanya ay ang kanyang dedikasyon sa lahat ng bagay na

ginagawa niya. Siya ay mapagmahal, mapagbigay at

matulunging tao. Kung ano man ang hinahangaan ko

sa aking anak ay ang dedikasyon sa lahat ng mga bagay

na ginagawa niya. Siya ay malambing, magiliw na tao,

pero may malakas na etika at layunin na gampanan ang

anumang kanyang isipin na akin namang iginagalang.

Hinahangaan ko siya sa kanyang kakayahan na pagiging

taas noo sa mabibigat na situwasyon. Siya ay labis na

makatwiran at hindi tinatalakay nang matagal ang mga

suliranin. Tatangkain niyang humanap ng kasagutan at

hangga’t maaari ay wala siyang kinikilingan. Nagpatuloy

akong nagdarasal na sana ang aking anak ay matagpuan

sa puso niya ang pagsasampalataya sa Katolisismo.

Aking lubos na hinihiling na siya ay maging isang

pari—nararamdaman ko na siya ay magiging mabuting

tagapangaral. Siya ay mabait na bata, may takot sa

Diyos. Mayroon siyang maganda at akmang katangian

sa pagiging pagpapari. Nung unang sinabi ko sa kanya

na maaari siyang maging kahanga-hangang pari, siya ay

ngumiti at sumagot na mas malamang na ang kanyang

ina ang magiging Muslim kesa ako na magiging pari ng

Katoliko.

Natapos ang anim na buwan, bagaman, ang aking

anak na lalaki ay ipinahayag na nais niyang lumisan

patungong Estados Unidos. Sa wakas nanirahan siya

sa Amerika at nagtayo ng tahanan sa Miami, Florida.

Samantala, ako ay naging balo na may isang naiwang

dalagita kasama ko sa bahay. Gustong-gusto talaga

ng aking anak na lalaki na ako ay manirahan kasama

niya sa Amerika, kaya umalis ako papuntang Estados

Unidos kasama ang aking anak na babae na may

gulang na labimpito(17). Lubos naming nagustuhan ang

Amerika at ang aking anak ay madaling nakapagsimula

ng sarili niyang buhay. Walang nagbago sa aking anak

na lalaki at ako –patuloy pa rin naming pinag-uusapan

ang Katolisismo at Islam at wala sa aming dalawa ang

sumusuko. Minsan, nang napag-usapan ang paksang

Trinidad at hindi ako makasagot o makipagbulaan sa

kanya, itataas ko na lang ang aking kamay at lumayo.

Magagalit lang ako kapag inaatake ang aking relihiyon.

“Bakit hindi ka maging katulad ng iba,” ang

tanong ko. “Ang ibang mga Muslim ay tinatanggap ako

at hindi ako pinasasampalataya.” “Hindi ako kagaya

ninuman,” ang sagot niya. “Mahal kita. Ako ang iyong

anak na lalaki at gusto ko tutungo ka sa Paraiso.” Sinabi

ko sa kanya na “Ako ay tutungo sa Paraiso – Ako ay isang

mabuti, marangal na babae, hindi nagsisinungaling,

nagnanakaw o nanloloko.” Sumagot ang aking anak na

lalaki, “Ang lahat ng bagay na ito ay kailangan at kapaki-